Napapangiti si Neil habang pababa ng hagdan. Hindi kasi maalis-alis sa isipan niya ang itsura ni Shayna kaninang iwan niya. Sobrang namutla kasi ito nang tawagin niyang Mommy. Hindi niya alam ang kalokohang pumasok sa isipan niya kung bakit niya nagawa iyon. Marahil ay sobrang naa-appreciate niya ang concern na pinapakita ni Shayna para kay Gelo. Kunsabagay, iyon naman ang trabaho ng dalaga sa kanila. Ang pangalagaan at asikasuhin ang anak niya. Sa katunayan, hindi si Shayna ang kauna-unahang naging yaya ni Gelo. Noong maliit pa ito ay kumukuha sila ng tagapag-alaga nito dahil hindi naman niya maiaasa ang lahat ng pag-aalaga sa kanyang ina. May kanya-kanya ring trabaho ang mga Kasama nila sa bahay kaya Hindi nila matututukan si Gelo dahil may kapilyuhan at kakulitan talaga ito. Ang nagi

