"Sir, ipapaliwanag ko po lahat mamaya. Pwede po bang iuwi na muna natin si Gelo?" suhestiyon niya na nagpabuntonghininga kay Neil. Muli itong bumaling sa anak at saka nito inabot ang kamay nito at binuhat ang binatang lasing na lasing. Walang salitang naglakad na ito papalabas at sumunod na si Shayna. Nagulat siya nang biglang may humawak sa braso niya. "Miss, pasensya na kanina at salamat," pagpapakumbaba ng waitress sa kanya. Nginitian naman ito ni Shayna. "Okay lang." Nagpaalam na siya at nagmamadaling humabol kay Neil. Nang makarating sila sa parking area ay Wala na roon ang driver nila kanina pati ang sasakyan. "Pinauna ko na siya sa bahay kanina. Buksan mo na ang pinto ng sasakyan ko para maipasok ko na siya sa loob," utos sa kanya ni Neil. Agad niya itong sinunod at nang lu

