Hindi na nagtaka pa si Shayna nang parang bata na yumakap at umiyak si Gelo sa kanya. "I hate him! I hate him!" paulit-ulit nitong bulong. Tahimik namang hinahaplos ni Shayna ang likuran nito at hinahayaan ang binata na ilabas ang sakit ng loob nito. "Bakit pa siya nagpakita? Bakit pa siya pumunta rito?" Napasulyap si Shayna sa driver nila na kanina pa palingon-lingon kay Gelo. Bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. "Ayoko na sa kanya. Ayoko na siyang makita pa!" "Shh! Tahan na. Baka hindi na rin magpapakita iyon dahil sa mga sinabi at ginawa mo sa kanya," bulong ni Shayna sa binatang tuloy ang pag-iyak. Nang marinig nito ang sinabi niya at humiwalay ito sa kanya at tumingin sa mga mata niya. "Tama ba iyong ginawa ko, Ate? Alam kong nakakainsulto iyong pagbibigay ko sa kanya ng

