Chapter 77

2002 Words

Masaya si Shayna sa pamilyang kinahantungan pagkatapos niyang umalis sa mga Yang. Mababait ang mga ito at Hindi kasambahay ang turing sa kanya. Hindi siya nahihirapan sa pag-alalay kay Gelo dahil malaki na ito. Kung minsan nga ay halos walang siyang ginagawa kundi ang sumunod-sunod dito o di kaya ay iabot ang ipinapaabot nito. Malinis din ito sa kuwarto at maingat sa mga gamit nito kaya konting linis lang ang ginagawa niya sa kuwarto nito. Sa tuwing natutulog ito sa hapon ay bumababa siya para tignan kung ano ang maaari niyang itulong sa baba ngunit wala rin naman siyang naitutulong dahil lima ang kasambahay ng mga Magsaysay. Si Aling Lena ang umaaktong mayordoma na parang pangalawang nanay na niya kung ituring niya. Ito ang nakatoka sa pagluluto. Nandyan din sina Nora, Pacita, at Grace

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD