bc

Between Us

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

One Shot Story

__

Isa sa mga bagay na kinatatakutan ko ay ang mawalan nang isa sa mga mahal sa buhay. Madaming beses nang nangyari saakin iyon at alam naman natin na sobrang hirap talaga nang bagay na iyon. Pero hindi ko inaakala na ang taong nagparamdam saakin nang kakaibang saya at ligaya ay mawawala nang nasasaksihan kopa..

Hindi kita makakalimutan..Irene.

chap-preview
Free preview
Between Us (one shot)
HINDI ko inaakala na matatagpuan ko parin pala ang tao na ipaparamdam sakin ang totoong pagmamahal at mamahalin ako nang sobra. Pero hindi kodin inaakala na mawawala yon nang isang iglap lang.Yung tao na Akala mo makakasama mona habang buhay, hindi parin pala. __ Napagdesisyunan ko nuong October 1 na pumuntang Panglao Bohol para makapagbakasyon kahit sandaling panahon lang. Gusto kodin Naman nang kapayaan at katahimikan kahit sandali lang. Ang plano ko ay mag s-stay lang ako duon nang 1week since may trabaho pa ako sa October 9. Pero napa stay nadin nang matagal dahil sakanya. Nakilala ko si Irene Dito sa Panglao Bohol. Laging mag-isa at minsan naaabutan kopang umiiyak. Kahit nahihiya ako, nilalapitan ko Sya dahil nararamdaman ko na kailangan nya nang tao na makakaintindi at sasama sakanya. Sa pangatlong araw nang pagkikita Namin ay napagdesisyunan naming pumunta sa Eterias, restaurant malapit sa Villa Namin. "diba Sabi mo one week kalang mag s-stay dito?" nakatingin lang Sya sakin at iniintay ang sagot ko. "oo,bakit?." huminto ako sa pagkain at tinignan Sya nang diretso. "pangatlong araw mona ito, so sa October 7 aalis kana?." Hindi ko alam pero parang nasaktan ako nung narinig ko yon. Hindi nadin Naman ako nakasagot kase nag dadalawang isip pa ako. Nagdadalawang isip kung aalis Naba..o mag s-stay pa dahil sakanya. Nag kwentuhan lang kami sandali pero umalis nadin Sya dahil sumama daw ang pakiramdam nya. Ikaapat na araw ay hindi ko siya nakita kahit saan. Hindi kodin naman kase alam kung saan ba yung Villa nila kaya wala akong balita. Pero kinagabihan ay nakita ko sya sa SandBar. Nakatulala lang at halata na kakatapos lang umiyak. "may nangyari ba?." tanong ko kaagad at tumabi sakanya. "wala. Okay lang." nakangiti nyang sagot Hindi kami masyado nakapag-usap nang maayos hanggang sa malaman ko ito mismo sakanya pa. "oo, may cancer ako.." Tumatawa pa sya nuon at parang kinukumbinsi ako na okay lang. Pero hindi. Hindi kona alam kung ano pabang sasabihin sakanya o mai k-kwento manlang.. Inihatid ko sya mismo sa Villa nila nang malaman kona kung saan ba iyon. Sumalubong pa saamin yung parents nya at nagpasalamat sakin. Masaya ako na nakilala ko sya, maganda ang naidulot nya sa buhay ko. Pero malaman na may cancer sya..sobrang nalulungkot ako. Ang alam ko, may one percent lang na nabubuhay pa ang mga may stage 3 cancer. Sa loob nang 100 percent..1 percent lang ang natitira sakanya. May tumor si Irene. At cancerous iyon. Ikalimang araw. Naabutan ko sya sa may Eterias, mag-isang kumakain at namumutla. Nilapitan kodin naman agad sya at kahit mahirap, ay ngumiti padin. "okay kalang ba?." "hmm." halatang nahihirapan pa siya na umimik at ayaw nya lang ipahalata. tinanong kodin siya nuon kung gusto nyabang sumama sakin sa SandBar Virgin Islands at um-oo naman siya. Naka upo lang kami sa sand at pagkatingin ko sakanya at parang inaantok,kaya ako nadin mismo ang nagsandal nang ulo nya sa balikat ko. "kaya mo paba?." Naiinis ako na naitanong kopa iyon sakanya. Mas nararamdaman kolang na nalulungkot siya. "gusto kopa..pero..kaya pa nga ba?." tumulo ang luha ko nuon na pinipigilan ko. Ang laki nang parte nya sa buhay ko..kaya siguro nararamdaman kodin ito. Ika-anim na araw ay naabutan ko sya sa labas nang villa nila, masaya at nakangiti nang abot tenga. Aalis na sana ako nuon pero napansin nya na yata ako at tinawag. Gusto ko syang ipagpaalam papunta sa Chocolate Hills pero nahihiya naman ako. Pero pagkalabas naman nung parents nya ay nilaksan kona ang loob ko at ipinagpaalam siya. Masaya ako na pumayag naman sila. Nag arkila ako nang kotse para naman masolo talaga namin ang araw na iyon nang amin lang. Pagkadating namin duon ay ibinaba ko yung mga gagamitin ko pang paint, kahit nagtataka sya ay hindi na sya nagtanong at dumiretso nalamang. Sa kalagitnaan nang paglalakad namin ay huminto na kami dahil parehas narin naman na pagod. Duon ay sinabi ko sakanya na gusto ko syang i paint at pumayag rin naman siya. Sya na ang pumili nang pwesto, nakatalikod. Pinicturan konalang sya para naman hindi sya naka stay nang ganoon katagal. Isang oras ko lang iyon natapos at nakakatuwa lang nagustuhan nya yon kahit nararamdaman ko naman na pangit iyon. Sobrang na enjoy namin ang moment na iyon, walang sagabal at sobrang payapa lamang. Kinagabihan ay sabay pa kaming umakyat sa taas nang kotse at pinanood ang kalangitan. Napalingon ako sakanya at at nakita na nakapikit sya. "ang ganda mo." hininaan konaman iyon pero bigla syang napamulat at tinignan ako nang masama sabay talikod pa saakin. Natawa nalang ako dahil sa reaksyon niya at narinig kodin naman ang halakhak nya. Pang Pitong araw.. Ito na siguro ang pinaka mahirap at pinaka masakit na araw saakin. Hapon na pero hindi kopadin sya nakikita kahit saan pero nuong nasa Eterias ako ay sinalubong ako duon nang parents nya. "nak, gusto kadaw makita ni Irene." mismong si tito pa ang nagsabi saakin. Masama na talaga ang nararamdaman ko nuon. Malakas ang kabog nang puso ko at nararamdaman kona talaga ang kalungkutan. Dinala nila ako mismo sa SandBar Virgin Islands at duon ay nakita ko si Irene nakaupo sa mismong seat naming dalawa. "ikaw na bahala nak." sabi ni tita habang umiiyak. Nilapitan kona kaagad si Irene. Namumutla siya at namamaga pa ang mata. Tumingin sya kaagad sakin at napangiti nang tipid at pina upo ako sa tabi nya. sobrang tahimik nung mga oras na iyon, pero sya nadin mismo ang sumira. "salamat Liam. Salamat dahil nandyan ka para sakin..masaya akong nakilala kita. Kahit sa huling handungan ko..pasasalamatan padin kita." naririnig kona ang mga hikbi nya nuon. Hindi ko maiwasan na hindi sya tignan. Umiiyak sya...at nakapikit na sya nuong nga oras na iyon. Hindi konadin napagilian na mapaluha. Kahit naman kase pigilan ko..mismo padin itong bumabagsak. "Liam..ikaw na ang bahala..wag mo na akong aalalahanin pa ha?..Liam..alam mo na..ang mga magulang ko ha? please.." humahagulgol na ako. Niyakap kona siya nuon at ayaw kona siyang pakawalan. "Irene....Salamat.. s-salamat.." pinikit ko nang madiin ang mata ko, niyakap nya din ako pabalik. Naka kapit sya sa damit ko pero ilang segundo lang ay bumagsak na iyon at nabalot kami nang katahimikan... __ Hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyari nuon. Dinala ang katawan nya pabalik sa Manila at binigay naman nila tito at tita ang lokasyon nang memorial niya. Pero hindi pa naman kase ako handang humarap sakanya. Dahil mahirap... ~~ Ilang Buwan na ang nakalipas mula nang ilibing sya. At ngayon lang ako nagkaroon nang lakas nang loob para dalawin siya. Nakatingin lang ako magdamag sa picture nya at kinakausap ito. paulan nadin kase..kaya tumayo na ako at sa huling sandali ay tinignan ulit iyon. Nilabas ko sa bulsa nang pantalon ko iyong printed copy nang pinaint ko para sakanya. Iniipit ko iyon sa may picture frame nya at ngumiti. Muli, salamat Irene. __

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook