"Papasok na ba sa basketball court?" tanong ni kuya Miguel saakin na nagdidrive habang itinuturo ko yung daan papunta saamin.
"Opo pababa po kuya" sagot ko habang tinetext sina mama na abangan kami sa labas ng bahay. "Sa Green po na gate--- ayan ayan po--- dito na po-- igilid mo nalang po diyan-- ayan andito na tayo" sabi ko tsaka ko tinanggal ang aking seat belt, nauna na akong bumaba ng sasakyan at patakbong niyakap ang aking mga magulang.
"Naku ang anak ko, dalagang-dalaga na" sabi ni papa habang hinahaplos ang buhok ko na nakayakap pa ako sakanya.
"Magandang hapon po" sabi naman ng mga iba naming kasama.
"Magandang hapon mga sir and maam" bati pabalik ni papa sakanila, buti nabawi na siya yung dating itsura ng katawan niya. Halos pumayat kase siya noong nagka sakit siya.
"Coln po tsaka si Via girlfriend ko" pagpapa kilala ni kuya Coln sa sarili niya kina papa.
"Ket ay komparek ni papang mo" masayang sabi ni papa tsaka nakipag kamay kay kuya Coln.
"Pa hindi sila masyadong nakaka intindi ng ilocano" saway ko sa papa ko para aware naman siya dahil pag nagtuloy tuloy yan ako ang mahihirapang mag translate.
"Kumpare daw po niya si Tito Ver" pagta translate ko.
"Kumpare ba sa sabungan tito?" tanong ni kuya Nico na pabiro kay papa
"Hindi, ina anak niya itong si Cristal sa binyag" Ha???? Ninong ko si--- HA? bat ngayon ko lang nalaman to!?!?!?! Bakittt!?!??!
"Ay ganoon po ba, ay hindi po ba kayo nagsasabong?" tanong ni kuya Sebastian kay papa
"Hindi ngay, busy kase ako sa bukid mga anak kaya hindi ko na naaasikaso yung mga ganyan"
"Baka hindi mo na nalalambing tong si Tita pag puro bukid ka tito a?" Tumawa naman silang lahat sa tanong ni kuya Miguel.
"Ay nalalambing naman" magaling talagang makisama tong si papa kahit kanino.
"Content material din pala tong si tito" tawang tawa na sabi ni kuya Sebastian.
Pumasok muna sila saaming bahay at nag merienda kahit kakatapos lang naming kumain kanina. Hindi kami mag kasya sa loob ng sala namin kaya yung mga iba nasa Veranda na lamang namin nagsi upo. Mahangin naman kaya hindi na problema ang electric fan.
"Pag pasensyahan niyo na tong bahay namin mga anak ha? tatatlo lang kase kami dito kaya maliit lang pinatayo namin at sakto lang saamin" nahihiyang sabi ni mama habang naglalapag ng mga pagkain sa coffee table namin.
"Ano ka ba tita, hindi naman kami mapili" sagot ni ate Tricia kay mama habang kumukuha ng pagkain.
"Maganda nga tong bahay niyo tita e" Pamumuri ni ate Via
"Oo, malamig fresh din ang hangin" pasingit naman ni ate Vera habang pinapakain ang anak.
"Oo pinili talaga namin tong pwesto na to dahil hindi masyadong dinadaanan ng mga malalaking sasakyan"
Nakita ko namang sumilip sina kuya Mason sa pintuan habang nagu usap ang mga TP Girls at si mama.
"Anti kurang kanu pay toy coke" pabirong sigaw ni kuya Mason kay Mama, e dahil yung mga iba ay hindi nakaka intindi ng ilocano ay si kuya Mason lang at kami ang natawa. Nataranta naman si mama tsaka siya dali-daling kinuha ang susi sa store namin.
Trans: Anti kulang pa daw yung coke
"Ilan pa ang kulang?" tanong ni mama kay kuya Mason
"Hoy sinong walang iniinom diyan? Kulang pa ba?" tanong ni kuya Klode sa mga ibang kasama niya
"Hindi, kumpleto na a" nagtatakang sagot ni kuya Coln habang si kuya Mason ay tawang-tawa sa pinag gagawa niya kaya pati ako nadadamay na rin dahil sa pag tawa niya.
"Sabi ni Mason kulang pa daw" sabi ni mama
"Hindi Tita, okay na kami. Hoy Mason anong kulang eto kung ano-anong pinag gagawa" pag suway ni kuya Nico sakanya.
Hindi nagtagal ay gumanti si kuya Sebastian sakanya "Tita wala daw bang burger sabi ni Mason?" Napa tayo naman si kuya Mason habang hawak ang bote ng coke sa kabilang kamay at ang kabila ay naka hawak ng tinapay na binili nina papa sa bakery.
"Uy gago, Anti awan inbagbagak laglag-lagen daka la dagitoy taga manila" pagdedepensa niya sa sarili niya.
Trans: Uy gago, Tita wala akong sinabi, niloloko ka lang nitong mga taga manila
"Akin na mga gamit niya ma, sa likod ng sasakyan natin ilalagay" sabi ko nang naghahanda na kaming paalis ng bahay at babalik na sa Inn, Alas tres na nang mapag pasyahan naming bumalik dahil natagalan din kami sa kwentuhan.
Kinuha ko ang isang maleta nina mama tsaka sana bubuhatin kaso hindi ko mabuhat dahil andoon pala lahat ng mga gamit nila. Sabi ko kase maleta nalang dalhin nila para iisa lang ang bitbit nila at hindi hussle kaso ang bigat naman.
"Akin na, tulongan kita" bilang sulpot ni kuya Klode sa likuran ko kaya tumabi ako para siya nalang ang magbubuhat nun, nilibot ko ang aking paningin hanggang sa mapako ang paningin ko kay kuya Coln na naka titig kay kuya Klode na nagbubuhat ng maleta nina mama.
"Ayan, sakay ka na sa harap" sabi nito tsaka clinose ang compartment. Nag thank you naman ako sakanya tsaka pumasok sa Navigator ni kuya. Sa likod kami ngayon naka pwesto kung saan naka pwesto sina kuya Nico kanina.
Si kuya Miguel parin ang nagdi drive at sa tabi naman niya ay si kuya Klode na may hawak ng camera ni kuya Coln. Sa ikalawang row naman ay hindi kuya Coln at ate Via kaso nasa pang isahan lang silang upuan tapos kami na sa pang huli.
"Makikita ko ba ang papa mo mamaya?" tanong ni papa kay kuya Coln
"Oo tito, andoon na nga sila e." sagot naman ni kuya Coln kay papa
"Mag handa daw po tayo dahil marami daw tao sa Ocean Inn" pagbabala ni ate Via saamin na chinat lang daw sa gc namin. May mga nauna na kase kanina dahil mga pagod pa.
Ilang minuto lang ang byahe namin patungong Ocean Inn.
"Uyy pare" bungad ni tito Vermil kay papa
"Kamusta kumpad" pabalik na bati ni papa kay tito Vermil
Iniwan namin sila ni mama dahil ilalagay na namin ang mga gamit nila sa kwarto nila.
"Jusko anak ko, inbagam kuma lattan nga memeysa kwarto ti alaen da kenyatayo kenda papa mon" magastos daw kase bat pa ako humiwalay ng kwarto, e hindi naman ako pumili na kwarto aaa.
Trans: Jusko anak ko, sana sinabi mo nalang na iisang kwarto nalang tayo ng papa mo
"Okay lang yan ma, tsaka maliliit kase mga kwarto nila dito" pagpapaliwanag ko
"Di uray a, sayang tay kwarta! Di uray intugot ko tay kudchon mo nga bassit ta isu pagturogan ni papang mo dita datar"
Trans: Kahit na, Sayang yung pera! Kahit sana dinala ko nalang yunh kudchon mong maliit para diyan nalang matutulog ang papa mo sa sahig
Ang hirap talaga minsan paki samahan ang mga nanay pagdating sa mga pera.
"Ate Cristal" sigaw ng isang bata saaking pintuan at kumakatok pa.
Agaran akong tumayo saaking kama tsaka ko binuksan ang pintuan. Bumungad saakin si Von na madugnis ang pisngi at parang kakatapos lang kumain ng chocolate.
"Let's go to the sure na please" pinagdikit pa niya ang kanyang mga palad na nagmamaka awa saakin.
"Oo sige na, halika punasan natin yang nasa mukha mo" pinapasok ko siya sa kwarto ko tsaka ko binuksan ang sling bag na dala-dala ko, Nandoon kase ang wet tissue ko na dala-dala ko palagi.
"Ate do you want rocher? Daddy bougt a box of rocher" may kinuha pa siya sa kanyang bulsa tsaka inilabas ang isang pirasong rocher. Kinuha ko iyon tsaka inilapag saaking kama at itinuloy ang pag punas sa kanyang katawan.
"Ayan okay ka na, Tara na. Open mo na yung door" utos ko sakanya tsaka kinuha ang rocher at ibinulsa.
"Ate so many people" mas inopen pa niya yung pintuan kaya kitang kita sa labas ang kumpolan ng mga tao.
"Asaan sina mommy mo?" Baka kase hindi kami payagan na pumuntang shore dahil maraming tao sa baba.
"There oh" lumabas siya tsaka itinuro ang tambayan sa side ng floor namin. Agaran akong lumabas tsaka hinawakan ang kanyang pulsohan.
"Ate Vera" tawag ko sa mommy niya para ipag paalam ang kanyang anak. Napa lakas ata ang aking boses dahil halos napa lingon saakin ang mga tao sa baba.
"Sabay sabay nalang tayong pupunta doon mamaya, baka kase biglang anong mangyari sainyo lalo na't maraming tao" tumango nalang ako bilang sagot.
"Cristal" tawag saakin ni kuya Sebastian.
Nilingon ko siyang kakataas pala sa hagdan "po?" yun nalang ang nasagot ko sakanya
"May gusto atang mag pa picture sayo doon sa baba" sabi ni saakin.
"Nahihiya po ako e, Bagohan lang po ako sa ganito"
"Cristal" malakas na tawag saakin ni kuya Coln sa baba kaya dumungaw ako sa mga concrete railings mula dito sa second floor.
"Bakit po?" malakas ding pagtanong ko sakanya.
"Halika, May magpapa picture daw" napa kamot nalang ako saaking ulo kahit wala naman akong kuto.
"Oh diba sabi sayo e" sabi pa ni kuya Sebastian saakin.
"Cristal" tawag pa ni ate Vera saakin bago ako maka apak sa hagdanan pababa, nang tignan ko siya ay inaabot nito saakin ang box ng rocher, sign siguro yun ng kumuha ako.
"Mamaya na te, binigyan na naman ako ni Von kanina" sabi tsaka ako bumaba ng hagdan.
Pagkababa ko ay nasaakin lahat ng atensiyon na medyo ayuko pero wala aakong magagawa.
"Ate pa picture" sabi ng isang mas bata kesa saakin, siguro kaedad ni Issa. Miss ko na rin yung isang iyon. Minsan nagkaka usap kami through video call and araw araw naman kaming nagkakamustahan.
"Uy Cristal sikat kan a" sabi ng isang lalake saakin, siyempre kilala niya ako at kilala ko rin siya. Isa siya sa mga tropa ng ex ko na BS in manipulatation, Major in being sadboy and gaslighting, charot bawal pala yun dito.
Trans: Uy Cristal sikat ka na ha
"Haan met a" pa humble na sabi ko
Trans: Hindi a
"Maki picture kanu man ni kasta kenyam" sabi nito na parang nang aasar pa na sabi nito
Trans: Makiki picture daw sana si ano sayo
"Ah sige lang" pumayag nalang din ako dahil baka siraan nanaman niya ako at magpapaka sadboy nanaman siya.
Pumwesto na siya sa tabi ko at medyo lumayo ako ng kaunti, hindi ko alam kung anong itsura ko doon sa picture dahil hindi naman ako comfortable na kasama sila. Buti nalang ay may mga tumawag pa saakin kaya nalayo na ako sakanila.
"Cristal" tawag saakin ni kuya Klode
"Bakit po?" tanong ko sakanya
"Makiki picture daw sila sayo, nahihiya daw silang tawagin ka" sabi nito kaya lumapit na ako sakanila at ibinigay ang pinaka pinaka pinaka matamis kong ngiti. Binigyang daan pa ako ni kuya Klode para lang maka pwesto kami ng maayos.
"Groupiee" sabi ng isa kaya medyo lumapit si kuya Klode saamin at medyo nagka dikit ang aming mga balat. Nagpasalamat naman sila after ng picture. Hinanap ko naman sina mama pero magkaka harap lang pala sila sa iisang table ng mama at papa ni kuya Coln.
"Masasanay ka rin" biglang sabi ng boses sa likod ko kaya napatingin ako doon. Si kuya Klode lang pala na may dalang beer sa kanyang kamay. "Anong ginagawa mo dito at mag isa ka?" tanong niya saakin tsaka umupo sa tabi ko. " Oh" inalok pa niya saakin yung beer niya pero inilingan ko siya dahil hindi naman ako nagi-inom.
"Kuya, Nainlove ka na ba?" napatingin ako sakanya nang pumutok yung beer niya, binuksan lang pala niya kala ko naman kung ano na ang nangyari.
"Bakit? May boyfriend ka na ba kaya nagmomroblema ka na sa lovelife? Sumbong kita sa magulang mo" pabiro nitong sabi saakin tsaka niya ininom yung beer niya.
"Wala naman po, naisip ko lang" binaluktot ko ang aking mga binti tsaka niyakap at ipinatong ang aking baba doon. Medyo malamig na rin dahil magsu-sunset na.
"Oo naman, dati pero puppy love lang yun. Hindi ko nga sigurado kung totoo ba yun o hindi"
"Nung pumasok ka ba sa TP nahirapan ka nang magka love life?"
"Hindi naman, andami ngang nirereto e. Pero ayuko ng ganun. Gusto ko yung ako mismo yung makakaramdam na gusto ko siya kase baka infatution nanaman lang"
"Eh Paano ka nasanay sa mga fans?"
"Ini interview mo ba ako? HAHAHAHAHA" tinungga nanaman niya ang kanyang beer "Hindi naman ako sanay, ano lang, go with the flow ng ika nila. Inaayos ko lang sarili ko na kunayri kayo kasama ko so dapat ganito ako tapos pag iba dapat ganyan, parang binabagay ko lang yung sarili ko"
"E diba hindi naman maiwasan yung mga wild na fans? Yung mga obsess ganun"
"Hindi talaga maiiwasan yan, pero yung mga iba mapagsasabihan pa naman" tumango nalang ako bilang sagot sakanya
"Bakit? hindi ka ba comfortable sa mga nagpapa picture sayo? Sabihin mo lang para mapag sabihan yung mga iba"
"Hindi naman po sa ganun, first time ko lang kase"
"Ah first time, kaya pala para kang natatae kanina doon sa lalakeng unang nagpa picture sayo. Yung naka Grey" Siguro sina ano yung tinutukot niya
"Grabe ka naman sa natatae kuya" sabi ko tsaka siya pinalo sa kanyang braso
"O may ginawa sila sayo? Hinipuan ka ba? Ha?" atat na atat na tanong niya saakin.
"Hindi naman po, ano kaseee--" hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya yung about sa ex ko o ano e
"kase?" hindi na niya natuloy yung pag inom niya ng beer niya dahil hini hintay niya ang sagot ko.
"Ex ko yun" deretsohang sabi ko
"Ah ex lang pala , kaya pala, hayaan mo na"
Magsasalita pa sana ako pero may tumikhim sa likuran namin at nakita kong nagvivideo si kuya Sebastian pero hindi yun naka tutok saamin yung lens ng camera kundi sa dagat.
"Ate, Let's swim naa" tumatakbong sabi ni Von saakin kaya tumayo ako tsaka siya inabangan at baka madapa siya sa buhangin.
"Una na kami doon kuya" paalam ko kay kuya Klode, tumango naman siya bilang tugon.
Binuhat ko si Von para maka punta kami sa hanggang tuhod ko pero takot na takot na siya kaya sinamahan ko nalang siya sa mababaw. Umupo kami sa may buhangin na natatamaan ng mga alon tsaka nakipag laro sakanya.