Chapter 3

2873 Words
"Nadala mo na ba lahat ng gamit mo Gwy?" tanong ni Tita saakin nang kakatapos ko lang mag empake. TODAY IS THE DAY MY FRIENDS!! June 9 na at pupunta na ako sa Payamansion!!! Sa Wakas!! "Opo tita" sabi ko tsaka ito binitbit pababa ang aking dalawang maleta. Binilhan pa ako nina Tita ng Maleta para daw mas mabilis magligpit at hindi ako mabigatan. "Naku mami-miss ka namin, ayaw ko man na malayo ka saamin pero malaking tulong ito sa pamilya niyo anak" sabi nito tsaka ako niyakap. "Ate mami-miss kita" madramang sambit ni Issa. "Aba, ikaw nag pumilit na sumali ako doon ha" "Eh, kahit na" niyakap niya ako hanggang sa may narinig akong doorbell. "Ay baka ayan na sila" sabi ni tita tsaka siya tumungo sa pintuan. "Hello po, kami po ang susundo kay Cristal, ako po si Miguel" pangunguna ni kuya Miguel. Nagbatian muna silang lahat tsaka na sinabi ni ate Kat na luluwas na kami. Siyempre mawawala pa ang picture taking? siyempre hindi no. "Taga Cagayan ka gayam ngay?" Tanong ni kuya Mason saakin nang makatabi ko siya sa sasakyan. Trans: Taga Cagayan ka pala? "Ay wen kuya, asideg la dijay balay mi dijay ayan yo" Trans: Oo kuya, malapit lang sa bahay namin yung sainyo "ay ket apay garud adda ka ditoy?" Trans: e bakit nandito ka "Nagbakasyon nakla kuya ngem bigla met nagka lockdown'en" pagpapaliwanag ko Trans: Nagbakasyon lang ako kuya kaso biglang nag lockdown e "Ay wen a, nagrigat man met pay agawid, nairot da kanu dita Ilocos" Trans: Oo nga, ang hirap umuwi tsaka mahigpit daw sila diyan sa ilocos "Ay ano to? Usapan lang ng mga ilocano? How about us naman?" pag puputol ni Kaleb sa usapan namin ni Kuya Mason. "Ay oo nga pala Cristal, idadaan muna natin tong mga gamit mo ha? Baka kase ma late tayo sa party ni bosing, alam mo na" pagpapaliwanag ni kuya Miguel at pumayag nalang ako dahil wala naman akong magagawa. Pagka tapos ng party ay nagpahinga na lahat sila, except kay ate Kath na hinatid pa ako kung saang kwarto ako at kung ano ang mga gagawin ko. "Pag may kailangan ka, wag kang mahihiyang mag sabi saakin or kung minsan naman na wala ako at nasa office ako, chat mo lang ako ha? wag kang mahihiya" sabi nito saakin. "Opo ate" "Oh dito na kwarto mo ha, sa kabila kwarto naman ng mga editor at doon lang ang kwarto ko kaya mabilis mo lang akong mahanap" Unang tapak ko palang dito pero parang alam na alam ko na yung mga pasikot sikot dito sa bahay. Akalain mo yun, KASAMA AKO SA TEAM PAYAMAN!! SA IISANG BAHAY!!! Klode's P.O.V. After the party ay normal na buhay nanaman, siyempre trabaho, mag-aral, tumambay. hay buhay nga naman. "Klode, tulongan mo nga ako. Ikaw muna videographer ko ha?" pagu-utos ni kuya Ezekiel dahil may palaro nanaman to, oo para sa content niya. "Ilang Camera gamit mo kuya?" Tanong ko sakanya ng abotin ko ang camera. "Tatlo, Tatlo kayo nina Bryce tsaka Angel" pag papaalam niya saakin kung sino ang mga kasama kong magiging camera man ngayon, eto ang trabaho ko. Minsan Camera man, minsan editor, misan tambay, basta marami akong sideline sa bahay n aito. At naka tutulong naman ito saakin. Cristal's P.O.V. Nandito ako ngayon sa kwarto kung saan ako naka-- ano? ano ba dapat?? Basta!! sa kwartong naka destinado ako. Wala naman kaming klase kaya nandito lang ako sa kwarto, at ang maangas ay hindi naman boring dito, binigyan pa ako nina kuya Coln ng pwede kong libangan, nung unang araw ko dito ay tinanong ako kung anong hobby ko na gusto kong gawin pag wala akong klase kaya naman sinabi ko Diamond Painting ang ginagawa ko pag wala akong klase. And binilhan naman ako. Halos isang buwan ko siyang natapos dahil malaki ito at nung nakita ni ate Via ang kinalabasan ay nag-order ulit siya at pinagawa saakin, kaso customized na ito, mukha nila ni kuya Coln at ang kanilang mga aso na si Strawberry at Honeycake. Minsan nilalaro ko sila at minsan nilalabas ko, pero siyempre pinapaalam ko no. "Sa Claveria naman tayo para hindi laging city pinupuntahan natin" suggest ni kuya Nico "Isakto nalang natin sa Birthday ni Von mahal para mas maka pasyal naman yung bata" suggest naman ng kanyang asawa na si ate Vera. Nasa hapag kainan kami at nagu-usap sila kung saan daw kami magbabakasyon na kasama ako for the first time. "Oo nga taga doon pa kami oh" sabi ni kuya Mason tsaka lumapit saakin. "Ay oo nga taga doon kayo" bilib na sabi ni kuya Sebastian "Ilang buwan mo nang hindi nakikita ang parents mo?" tanong ni kuya Asher saakin. "Nakaka Video call ko lang po sila" magalang na sabi ko tsaka ulit nagipon ng ulam sa kutsara ko. "Sa personal, ilang buwan?" Tinakpan ko ang aking bunganga tsaka itinaas ko ang aking dalawang daliri at ipinakita sakanila dahil nasaktong may subo akong pagkain. "Dalawang buwan?" tanong ni kuya Coln saakin. "Dalawang taon po" sabi ko nang malunok ko na lahat ng kinakain ko Napa "HAAA?" naman silang lahat at hindi makapaniwala na ganun na katagal simula nung last na nakita ko mga magulang ko. "Nakaya mo yun?" tanong ni kuya Sebastian saakin na may pag aalala sa kanyang mukha "Kailangan po, mahirap lang po kami at mahal ang swab test at pamasahe" pagpapaliwanag ko sakanya "Sige sa Claveria na tayo magbabakasyon para makita mo naman mga magulang mo" sabi ni kuya Nico. Dahil sa sinabi nila ay parang hindi ako mapakali na excited ako sa pag uwi ko. Miss na miss ko na ang mga magulang ko kahit nakaka usap ko naman sila sa cellphone subalit iba ang pakiramdam pag kasama mo sila. Mahal na mahal ko ang mga magulang ko, mag isa lang akong anak at binibigay nila ang mga gusto ko kahit hindi ko naman hinihiling dahil minsan ay iniisip ko yung kalalabasan ng gagawin ko pag may ginagawa ako. "Oh pila na para sa mga magpapa swab!" sigaw ni kuya Coln kaya naman napa pila na kaming lahat. OO magpapa swab pa! First time ko nga to e, first time kong matutusok. Nakaka kaba naman. "Doc innayad lang" kinakabahang sabi ni kuya Mason sa mga doctor na magsa-swab saamin. Trans: doc dahan-dahan lang Napa 'ah' si kuya Mason at teary eye pa, sana pala ako nalang nauna sa pila para hindi ako kinakabahan ngayon. "Kuya, Una na pala ako sayo mas nakaka takot pag huli e" sabi ko kay kuya Mervin. Hindi lahat kami ay pupuntang Claveria, may mga maiiwan dito sa bahay dahil may mga trabaho katulad ni ate Kat. Ako, mga Big Boss, si Kuya Mason, Kuya Mervin, Kuya Klode, Kuya Dexter, Kuya Jeremiah, Kuya Miguel at Kuya Asher ang pupunta at kasama ang mga girlfriend ng mga iba. "Bahala ka jan, pinili mo yan" natatawang sabi ni kuya Mervin tsaka niya ako tinalikuran. May mga ka close na rin ako kase minsan pag sa mga pa games ni kuya Ezekiel ay nagiging ka teammate ko or minsan nakakabiruan ko sa pang araw-araw. Si Kuya Klode nalang ata ang hindi ko masyadong close dahil hindi naman siya pala salita. Siguro mahiyain din. "Next" sigaw ng Nurse saaming mga naka pila. "Ano gusto mo bang mauna?" tanong ni kuya Mervin saakin at tumango naman ako. Ayuko ng pang huli no! Gusto ko ako yung inuuna. Charot "Oo kuya, mas nakaka pressure pag pang huli e" paliwanag ko. Gumilid siya tsaka ako binigyan ng daan para ako na ang susunod kay kuya Klode dahil after ni Dexter ay siya na tapos ako kasunod. "Next" sigaw ulit nang nurse. "Klode po" sasabihin daw ang pangalan para alam kung anong ilalabel sa lagayan ng swab. Ewan ko kung anong totoong pangalan nun kung swab lang ba talaga o may iba pang term, para siyang Q-Tips na mahaba. Tinitignan ko ang reaksyon ni Kuya Klode pero parang wala lang ito sakanya. Pagka tapos ng kaliwang butas ng ilong niya ay nabahing nalang siya kaya medyo may dugo dugo pang lumabas. Hala! Bat may dugo?!?! "Next!" sigaw ulit nang Nurse. Napatingin naman ako sa kabilaang side ko dahil ako na talaga ang kasunod. "Cristal po" Nanginginig pang boses na sabi ko sa Nurse. "Okay Relax ka lang beh" pang papagaan ng loob ng Doctor saakin. Hindi ko maiwasang kabahan dahil first time ko nga talaga. "Ayan na" pangwa-warning ng Doctor saakin, naramdaman ko nalang talaga na parang may kumakalikot sa utak ko beh! "Okay sa kabila naman" sabi ng Doctor tsaka ulit ipinasok yung swab sa kabilang butas ng ilong ko. "Achuu!" napa bahing nalang ako kase sobrang kati niya na parang gusto kong halughugin tong ilong ko hanggang sa destination ng swab kanina. "Eto tissue beh" abot saakin ng Nurse at agaran ko ring pinunasan yung ilong ko dahil parang may tumutulo dito. Nag thank you nalang ako tsaka umalis at dumeretsong Podcast. Dito kase ang usapan na after swab dito kami maghihintay para sa results. "May dugo sa pisngi mo" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya Klode saakin kaya agaran ko ring pinunasan ang pisngi ko kahit hindi ko naman alam ang eksaktong parte nito. "Akin na" ha? nagloading pa ako ng ilang mga minuto at nagets ko lang ang ibig niyang sabihin nang kinuha niya ang tissue saaking mga kamay. Agaran niyang pinunasan yung pisngi ko kung asaan siguro yung dugo pero hindi ko mapunas punasan. Hindi naman mabigat ang kanyang kamay sa pag punas saaking mukha pero medyo diniinan niya lang dahil siguro medyo nagka stain na yung dugo. "Thank you po" sabi ko sakanya. Nahihiya pa akong inabot yung tissue sakanya pero tinapon na niya ito at binigyan ako ng panibagong tissue. "Hmm" rinig kong pasadyang tikhim ni kuya Sebastian kaya napa tingin ako sakanya, siguro naman ay hindi niya nakita dahil sa iba na naman siya naka tingin pagka tingin ko sakanya. Itinutok ko lang ang tissue saaking ilong hanggang sa lumabas na ang results. Salamat sa diyos at NEGATIVE kaming lahat. Naka handa na ba lahat ng gamit?" tanong ni kuya Coln kina kuya Dexter nang paluwas na kaming Claveria "Yes boss" sagot naman ni kuya Dex kay kuya Coln. July 2 ngayon at alas tres ng madaling araw ay paluwas na kami. May mga naiwan sa Payamansion pero karamihan ay sumama. Dito ako ngayon sa navigator na sasakyan ni kuya at nasa pag isahang upuan, sa katabi ko naman si ate Via. Sa harapan naman sina kuya Coln at kuya Miguel. Kasama naman namin sa sasakyan sina kuya Nico, ate Vera at Von. Si Von ang nag-iisang bata dito sa grupo, kaya minsan ay siya rin ang nagiging libangan ko pag wala akong ginagawa, minsan naman pinapabantay nila saakin tsaka ako binibigyan ng sweldo ko raw o reward at minsan pasalubong ng mga magulang niya. Siya rin ay hindi.. I mean parang hindi karaniwang bata dahil sa apat na taon palang nito ay deretso na siya magsalita. Ang maangas, english pa jusko nabobobo ako pag kausap ko siya. Minsan naman ang mga TP Girls o minsan tawaging "Wild Cats" TP Girls ay sina ate Via na girlfriend ni kuya Coln, Si ate Tricia na kapatid ni kuya Coln at Girlfriend ni kuya Ezekiel, Si Ate Vera na Girlfriend ng kapatid ni kuya Coln, at ang pinaka huli ay si ate Valerie na kapatid din ni kuya Coln na girlfriend ni kuya Sebastian. "Hello ate" approached ni Von saakin nang maka sakay siya ng sasakyan. Inalalayan ko naman siya at baka madapa patungo pa siyang likuran dahil doon sila pupwesto. "Sa likod ka umupo anak, wag kang papakandong kay ate baka mabigatan siya" sabi ni kuya Nico sa kanyang anak nang makitang kumandong na agad siya saakin at prenteng humiga tsaka sinalpak ang kanyang dede sa kanyang bibig. "Sige lang kuya, hindi pa naman siya gaanong mabigat" sabi ko "Sabihin mo samin pag nabibigatan ka na ha" sabi naman ni ate Vera kaya tumango lang ako. Dati ko pang gustong magka roon ng kapatid na bunso kaso hindi pinalad ang aking mga magulang na magka anak ulit. Hindi agad ako nakatulog sa byahe namin, naramdaman ko nalang ang aking antok nang nasa halfaway na kami. Kinuha na rin saakin si Von dahil kailangan niyang magpalit ng diaper. "Yey laoag naa" rinig kong sabi ni kuya Nico kay Mavi na naka silip sa bintana, kitang kita ko ang repleksyon nila sa aking binatana. May araw na rin at nasa may bayan palang kami ng Laoag. "Sa Bahay niyo ba ikaw dederetso Cristal o gusto mong sumamang mag check in?" tanong ni ate Via saakin "Isasama nalang natin sila sa che-check inn'an natin love para kahit papano makasama natin mga magulang niya. Na kwento ko kase na maliit lamang ang aming bahay at hindi kami magkakasya doon kaya magche-check inn nalang daw sila pero bibisita parin kami sa bahay. Naka idlip ulit ako hanggang sa naramdaman kong huminto na ang aming sasakyan at nang tignan ko ang bintana ay nakita ko na ang mga pamilya na lugar at mga tanawin dito saamin. "Andito na tayo, yeheyy" pang e-engganyo ni kuya Nico kay Von para hindi na siya mainip dahil kanina pa siya naiyak kase nangangawit na daw siya. "Pahinga lang tayo Cristal tapos mamayang hapon na tayo dadalaw sa bahay niyo" sabi ni kuya saakin nang madatnan kong binababa na nila mga gamit namin galing sa likod ng Van. "Opo kuya" sabi ko tsaka hinila ang maleta ko. "Naimbag a bigat kenyayo apo" Bungad saamin nang nasa harapan ng Ocean Inn nang makita kaming naka baba na lahat. Trans: Magandang umaga sainyong lahat "Naimbag met nga bigat mo manang, mangala kami man ti bente nga room no adda mayat" Trans: Magandang umaga din sayo ate, kukuha kami ng benteng kwarto kung meron available pangunguna ni kuya Mason dahil kaming dalawa lang naman ang nakaka intindi ng ilocano dito. Sina kuya Coln din pala nakaka intindi pero hindi na nila kaya yung mga malalalim na words kaya kami ang mapapasubo ngayon. "Ay guka mairupaan ka" sabi ng lalakeng nakaupo sa may tabi Trans: Ay teka, namumukhaan kita "Classmate nak dati ni Kian tito" Trans: Classmate ko dati si Kian tito siyempre namumukhaan ko din siya, siya lang naman ang tatay ng crush ko nung elem ako pero nasa Baguio na yun dahil nag transfer din noon. "Wen kunak gamin nga sika deyjay ta rugi grade 1 kayo agclassmate kayon, Cristal nagan mo itay aya?" Trans: Sabi na e, ikaw yun kase magka klase na kayo simula grade 1 palang, Cristal pangalan mo diba?" Hindi lang pala niya ako namumukhaan, tanda niya parin pala pangalan ko. Napatagal ang usapan namin ng tatay ng aking kaklase kaya naman ay ako na ang nahuling pumasok sa lobby. "Sa room 14 ka Cristal, sa ikalawang palapag" pabungad ni ate saakin nang makapasok ako ng lobby ng Ocean Inn na tinuloyan namin. Maganda dito dahil kaharap na nito ay dagat-- hindi naman sa dagat na agad pero may kalsada muna tapos mga kubo tapos siyempre buhangin tapos dagat-- a basta tanaw mo ang dagat. "Sinong kasama ko ate?" tanong ko sakanya "Wala mag-isa ka lang. Sa room 13 kina mama mo" sabi nito tsaka binigay ang dalawang susi saakin. "E kayo po?" "Sa Room 12 kami, wag kang mag-alala" sabi niya. "Ate una na ako sa taas ha? Tapos pupunta ako mamaya sa tabing dagat" paalam ko at medyo alanganin pa siya kanina pero pinayagan din ako nang ayain ako ni Von na pumuntang dalampasigan pero ayaw ng kanyang mga magulang kaya nagprisinta na ako na ako ang sasama sa bata para matigil na sa pamimilit. "Ate you have shells here?" inosenteng tanong ni Von saakin habang nilalagay ko ang kanyang tsinelas. "Meron beh, wag kang lalayo kay ate ha? para payagan ka pa ulit next time. Okay?" paalala ko sakanya "Yes ate" sabi nito tsaka humawak sa mga daliri ko dahil yun lang naman ang kaya ng kanyang mga palad. "Tara tawid na tayo" Hinila ko siya papuntang kabilang kalsada nang makitang wala naman nang sasakyan na dumadaan, medyo mainit pa kaya sabi ko kay Von na sa mga kubo muna kami at mamayang magsu-sunset nalang kami pupuntang shore dahil panigurado hindi din niya makakaya yung init ng buhangin. May mga buhangin naman sa mga kubo kaya nag 'okay' nalang siya kanina. "Ate where's your mom?" tanong niya saakin habang naghuhukay siya sa mga buhangin. "Makikita mo siya mamaya" sinasanay na naming magsalita ng tagalog pag kasama si Von, kahit daw english siya muna sumagot basta nakaka intindi siya ng tagalog. "Later?" tumango naman ako bilang tugon tsaka siya ginaya sa ginagawa niya Ayaw pa sana niyang bumalik sa Inn kaso kailangan niyang kumain ng tanghalian kaya wala na siyang choice. "Let's go back there later no?" pangu-ngulit niya saakin, inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko tsaka tinititigan. Dinayo pa ako dito sa kabilang table para lang masiguradong babalik kami mamaya doon. "San na tayo mamaya?" tanong ni kuya Miguel kina kuya Coln "Susunduin natin mga magulang ni Cristal after nating kumain, yung mga iba sasama pa ba o maiiwan na?" sumagot naman yung mga iba na sasama daw sila para makapasyal naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD