CHAPTER 60

1105 Words

CHAPTER 60 DEO's POV: Ito na ang hinihintay ko. Ang kunin si Sandra sa pamamagitan ng pagpanggap ko bilang David. Talagang mautak ako dahil nagawa kong makapasok sa kompanya na hindi man lang nahalata ng mga tao. Kung sabagay, ginaya ko ulit ang pormahan at suot ng kapatid ko. Nakakatawang isipin na mabibilog ko sila ng gano'n kadali. "So ano? Pumayag siya?", tanong ng isang lalaki nang lumabas ako sa office ni Sandra. Sinenyasan niya ako na pumasok, sa mismong opisina niya para doon kami mag-usap. Kaya sabay kaming naglakad patungo do'n at pina-upo niya ako. "Yung tanong ko kanina, pumayag ba si Sandra na maka-date ka?", wika niya sa akin. "Oo naman. Ako pa ba? Walang babae ang tumatanggi sa akin.", mayabang na sagot ko. Tiningnan ko si Derick na inaayos ang kanyang necktie.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD