CHAPTER 59 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO" SANDRA's POV: KUNG ano ang trato ko kay David bilang Sandra, gano'n pa rin ang pinapakita ko sa kanya. Nag-iingat ako sa bawat kilos dahil alam kong nasa paligid lang si Deo para pagmasdan ako. At sa palagay ko, nakamasid lang ito sa akin para tingnan ang ginagalaw ko. Ayokong malaman niya na ako si Kate, dahil masisira ang plano ko. Tiyak kapag nabisto nito ang tunay kong pagkatao, makakarating kay Katrina ang lahat. Kung akala ni Deo, maiisahan niya ako. Pwess, hindi na 'yon mangyayari pa! May alas na rin ako laban kay sa binata kaya kapag nakaharap ko siya, sasabayan ko ang bawat pagpapanggap niya. NAKITA ko namang naglalakad si David patungo sa pwesto ko. Hingal na hingal ito na tila napagod siya kakatakbo. Usapan naming dalaw

