Lumong-lumo si Milton sa sinabi ni July pero hindi niya mapigilang kiligin ni Yasmin. Lahat nang sasabihin ni July ay napapangiti siya. Natutuwa rin siyang makitang mukhang hindi na ito naiinis sa nangyari kanina sa CR. Ilang sandali pa ay nagpaalam si Milton para kausapin ang mga magulang ni July hanggang sa nagkasarilinan sila. Bigla siyang natahimik dahil nahiya siya rito. Pinagmamasdan siya nito at lalo siyang hindi mapakali hanggang sa napaungol siya. “Ano na naman?” angil niya rito. Natawa ito. “It’s you who came here. 'Want to say something?” Napabuntong hininga siya. “Sorry kanina…” mahina niyang saad dito. “Pasensya ka na kung pinagalala kita.” Ngumiti na ito sa pagkakataong iyon at binalik ang cellphone niya. “I’m sorry too,” Napatango siya rito at tumingin sa malay

