2. HOT INTRUDER

615 Words
“Shh…” tulirong itinapat ng estranghero ang hintuturo sa bibig nito upang patigilin si Yasmin sa pagsigaw. Halatang nabigla ito at natureteng inaawat siya. “Eeeh—!” sigaw pa rin ni Yasmin. Gulat na gulat. Ni hindi na siya nakapagisip ng maayos. “Miss!” tureteng pinigil ng intruder. “Huwag kang maingay! Please!” nahagod nito ang buhok at litong-lito kung paano siya aawatin. Nang hahawakan siya sa balikat ay nanayo ang balahibo ni Yasmin at biglang napatakbo pero naagapan siya nito. Isinandal ng estranghero si Yasmin sa pader at tinakpan ang bibig niya. “Hindi ako masamang tao!” gigil nitong saad. Hindi niya alam kung basa rin ba ito ng tubig o basa ng pawis dahil tagaktak na ito. Hindi pinansin ni Yasmin ang sinabi nito. Mas nakalalamang ang takot para paniwalaan iyon. Halos tinawag na niya ang lahat ng santo dahil ayaw pa niyang mamatay! Paano kung inuuto lang siya? Paano kung rapist ito? Murderer? Marami pa siyang plano sa buhay! Gusto pa niyang mag-asawa, magkaanak. Magkaapo, magkaapo sa tuhod, manood ng concert ng Toasted Candies sa Detroit. All-girl band sa Pilipinas na makapagtatanghal doon na labis niyang hinahangaan sa husay. Sa katunayan, nagiipon na siya para doon. Ah, basta! Marami pa siyang gustong gawin at ayaw niyang mamatay nang maaga! Napaigtad na lang si Yasmin nang maramdamang may nahulog sa paanan. Awtomatikong bumaba ang tingin niya at natulala! Nahulog ang towel nito kaya kitang-kita na naka-brief na lang ito! “Oh, s**t!” bulalas nito. Agad nitong dinampot ang towel. Iyon na ang ginamit na pagkakataon ni Yasmin. Hindi siya nagdalawang isip. Tinuhod niya ang mukha ng lalaki!Halos manakit ang tuhod niya dahil sa pagkakatama noon sa matigas nitong noo na naging dahilan ng pagkakatimbwang nito sa sahig! Bigla siyang kinabahan ng umungol ito hindi na gumalaw. Napatay ka niya ito? Tuhod? Nakakapatay? Tumakbo ka na lang habang may lupa! Utos ng isip ni Yasmin. Natatarantang iniwanan niya ito pero bigla siyang nadapa ng hawakan nito ang isang paa niya! Napaluha siya sa labis na sakit ng tuhod at takot! Papatayin na niya ako… Ayoko pang mamatay! Huwag po Lord… Magpapakabait na po ako, promise! Takot na dasal niya at halos ibaon na niya ang kuko sa sahig para huwag siyang mahila pero dahil isa itong lalaki ay madali lang nito iyong nagawa. Umangat tuloy ang bestida niya at nalislis iyon! Nakita ang panty niya! “Bastos!” napapahiyang bulalas ni Yasmin at sinipa sa mukha ang pobreng lalaking. Nakadalawa siya! Napaigik sa sakit ang lalaki pero matindi ito. Hindi pa rin siya pinakawalan! Napasigaw na lang siya nang hawakan nito ng mahigpit ang paa niya at kamay saka inilipat sa kama. Hindi na siya magtataka kung paano nito nagawa iyon. Malakas ang lalaki. Halatadong batak sa exercise. Balewala rito ang bigat niya. Pero kahit na! Lalaban si Yasmin! Hindi ito magtatagumpay! Sige siya sa sipa, sige siya sa paghawi. Ang importante ay makatakas siya! Iyon ang mahalaga! Ginawa niya ang lahat para makaalis dito. Ilang beses niya iyong ginawa pero hindi na umubra. Mukhang naubusan na rin ito ng pasensya kaya sa isang iglap, nagawa nitong pumaibabaw sa kanya. Hawak nito ang dalawang kamay niya sa taas ng ulunan. Hindi rin makagalaw ang dalawang hita niya dahil nagawa na nitong maikulong iyon sa hita nito. Lalo siyang kinilabutan nang mapansing magkadikit na ang mga katawan nila. Nawiwindang siya sa magkakahalong pakiramdam! Hindi na niya alam kung ano ang nakakalamang doon! At dahil iisa na lang ang natitira niyang sandata, inipon niya ang lahat ng lakas upang gamitin iyon. Tumili si Yasmin. “Saklolo—!” Napamulagat siya nang sibasibin siya ng halik ng estranghero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD