3. TRAP

854 Words
Dahil nakabukas ang bibig ni Yasmin ay nagawang saliksikin iyon ng estranghero, sinimsim ang lasa. Parang nanlaki ang ulo ni Yasmin at tumayo ang balahibo sa katawan! Lalo siyang ni-nerbyos! Rapist kaya ito? Bakit ganoon? Parang wala naman kasamang matinding pagnanasa ang halik nito? Kung tutuusin nakakatunaw iyon ng utak. Aminado siya, malambot at matamis ang labi nito at bakit ganoon? Nanghihinayang siyang kagatin iyon at parang gusto niyang tumugon? Hindi alam ni Yasmin kung ano ang nangyari sa sarili dahil bigla siyang nanlambot at hindi na pumalag. Basta sigurado siya, nadala siya sa halik na iyon at nakalimutan ang sitwasyon. Ang labi nito ay tila isang uri ng hipnotismo. Nang pagigihan pa nito ang paglalaro sa ibaba niyang labi ay kusa siyang tumugon. Dahil sa napakagaling nitong magturo, nasundan agad niya ang ritmo. Mula sa hininga at pagkilos ng kanilang mga labi. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso ni Yasmin at naramdamang humahaplos na lang ito sa kanyang pisngi. Wala sa sariling napaungol siya dahil sa sensasyong binuhay nito. Paanong hindi niya magagawa iyon? Napakasuyo, para siyang nilalambing sa bawat pagdampi noon. “Diyos na mahabagin!” Biglang napamulagat si Yasmin nang mabosesan ang tiya Auring niya! Awtomatikong naitulak niya ang lalaki sa pagkabigla! Bumalandra ito sa paanan ng mga tiyahin niya! Kapwa na-estatwa ang mga ito sa pagkabigla habang tutop ang mga bibig at palipat-lipat ang tingin sa kanila ng lalaki. At nang maisip kung ano ang kahihinatnan ng lahat ay gusto na niyang lumubog sa kinauupuan! Ano na lang ang iisipin ng mga ito? Paano niya sasabihing mali ang inaakala ng mga ito? Nadatnan sila sa ganoong tagpo. Kahit sinong hindi malisyoso ay magiging malisyoso kapag nakita sila sa ganoong sitwasyon! Kapag ipinaliwanag niya naman ang totoo, sino’ng maniniwala sa kanya? Baka ibitin pa siya ng patiwarik ng mga ito dahil iisipin nilang nagpapalusot siya! Hindi makakilos si Yasmin sa dami ng tumatakbo sa isipan. Halos walang makakilos sa kanila at ang unang nakabawi ay ang lalaking intruder. Tumayo ito upang takpan siya saka nito mabilis na itinapi ang tuwalya sa sarili. Ayaw man niyang aminin pero na-appreciate niya ang ginawa nito. “Ano’ng kalokohan ito, Yasmin?” maigting na tanong ni tiya Auring nang makabawi. “Kaya pala hindi mo kami naririnig na tumatawag sa ibaba ng bahay, may ginagawa ka palang milagro dito! Aba’y buti na lamang at naisipan nitong si Maring na hatidan ka ng suman!” “Saan kami nagkamali, iha? Paano mo nagawang itago sa amin ito?” dagdag ng tiya Maring niya saka dismayadong napahagulgol sa palad. Biglang nakonsensya si Yasmin na hindi niya maintindihan. Marahil ay alam niyang nagkaroon siya ng ‘kaunting’ partisipasyon doon. Agad na tiningnan niya ang lalaking intruder at hindi maipaliwanag ang ngitngit na bumangon sa dibdib niya! Kasalanan nilang dalawa iyon! Kundi ito biglang dumating at hinalikan siya, hindi sana siya madadala! Pahamak ito! “Tiyang ganito ho kasi…” tangka niyang paliwanag sa mga matatanda nang makabawi. “Patawarin n’yo po kami. Panangutan ko po siya,” biglang singit ng lalaking intruder sa mababang tono. Lumipad ang tingin nilang lahat dito. Gustong maginit ng ulo niya! Sino itong bigla na lang dadating doon, guguluhin ang tahimik niyang buhay at pananagutan siya? Maliwanag na wala namang nangyari pero gusto siyang panagutan? At sino ba ito? Nainis na naman siya. “Ano’ng pananagutan? Hindi naman—” “Yasmin!” ani tiya Auring niya at gigil siyang itinayo. “Kami ang masusunod! Maguusap tayo!” Gigil na gigil si Yasmin nang lumabas ang dalawang matanda. Isang naninising tingin ang ipinukol niya sa lalaki. “Umalis ka na bago pa mahuli ang lahat!” angil niya rito. Napabuntong hininga ito. “I’m really, really sorry. May tinataguan kasi ako at alam kong malaking perhuwisyo ‘tong nagawa ko. I will help you out from this mess.” Lalong nainis si Yasmin. Kahit ano’ng sabihin nito ay nakakainis pa rin! Lalo na kapag naalala niya kung paano niya tinugon ang halik nito ay naiinis talaga siya! Dahil dito ay natutunan niyang ipahamak ang sarili! “May humahabol sa’yo at dito ka nagpunta? Lumayas ka!” angil niya at itinuro ang pinto ng terrace. Naturete na naman ito. “Please… I-I’ll help you just help me. I’m begging you… please,” Kulang na lang ay maglumuhod ito sa harapan ni Yasmin huwag lang niya itong paalisin. Minulagatan niya ito. “Problema na nga ‘tong binigay mo, magpapatulong ka pa? Malay ko bang miyembro ka ng akyat bahay gang?” “I’m not a bad person. I know, hindi ka nga dapat magtiwala agad sa akin pero please, nagsasabi ako ng totoo…” anitong mukhang iiyak na pero hindi siya naantig. Malay ba niyang best dramatic actor lang ito? Umigting ang inis ni Yasmin. “Bigyan mo ako ng magandang dahilan para magtiwala sa’yo,” hindi ito nakaimik at napahalukipkip siya saka binuksan ang pinto ng terrace. “O, wala kang masabi. Layas!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD