5. SMILE

644 Words
“July, pinag-aral namin si Yasmin sa catholic school, mula kinder hanggang kolehiyo. Tuwing linggo at first Friday, nagsisimba ‘yan. Nagno-novena tuwing Miyerkules at nagco-confess kay father tuwing katapusan. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang may kasama siyang tumitirang lalaki rito ng hindi kasal? Naiintindihan mo naman siguro na hindi pupuwede ang ganito sa pamilya namin. Isa siyang malinis at mabuting babae. Hindi mo dapat siya inilalagay sa alanganin!” Gusto nang sabunutan ni Yasmin ang sarili sa napakahabang speech ng tiya Auring niya. Todo sangayon naman si tiya Maring dito, patango-tango pa. Seryoso talaga ang mga itong maikasal siya kay July! Naiinis siya dahil tango naman nang tango. Sangayon na lang nang sangayon, hindi man lang tumanggi. “Ikaw naman Yasmin. Pinag-aral ka namin sa ganoong eskwelahan para mapalapit ka sa Diyos at matakot gumawa ng mga ganito. Ito ba ang dahilan mo sa pagsasarili? Para hindi namin makitang dito mo siya ititira? Yasmin naman, kasal muna! May isip ka na at hindi ka dapat pumapayag sa ganito! Hindi mo ba naisip na maaari kang matanggal sa pagtuturo? Isa itong imoralidad!” ani tiyang Maring. Bagaman naintindihan niya ang punto ng tiyahin dahil isang catholic school ang pinagtuturuan niya at isa iyon sa patakaran ay hindi pa rin niya matanggap ang lahat dahil hindi naman talaga ganoon ang nangyari. Kanina pa siya hindi makaporma at makasingit! Napasinghap na lang si Yasmin nang hawakan ni July ang kamay niya saka pinisil. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa napakasimpleng pagdadaiti ng mga palad nila at tila nakatulong ang mainit nitong palad para mapagaan ang loob. Gustong matawang bigla ni Yasmin at mapakamot ng ulo. Para silang mag-boyfriend na nahuli at ipakakasal ng wala sa oras. Pero sa totoo lang, na-amaze si Yasmin dahil hindi talaga umalis si July. Naninidigan talaga. Nandito ito at hindi siya iiwan gaya ng pangako nito sa kanya. “I am really sorry. If you don’t mind, Yasmin and I need to talk privately.” Pakisap ni July at puno ng paggalang ang tinig. Nagtinginan ang dalawang matanda at tila nagusap sa pamamagitan ng mga mata hanggang sa tumango. Mabuti na rin iyon. Gusto niya ang idea ni July. Gusto niya itong makausap. Nais din niya itong makausap, kung maaari lang na tuktukan ito para magising sa mga pinagsasabi nitong kasal. Isa pang nakakapagpainis sa kanya ay kung umasta ito ay parang napakasimple lang ng lahat. Pumasok sila sa kuwarto at naupo nang magkatabi. “Hindi ako sangayon sa mga sinasabi n’yo. Ang dapat sa’yo, ipinaliliwanag mo ang totoong nangyari!” gigil niyang banat dito. Sa kabila ng ipinakikitang inis ni Yasmin ay nakuha pa nitong ngumiti at ano ba ‘yan? Sumikdo ang puso niya! First time niya itong nakitang ngumiti kaya first time niyang napansing napaka-pogi pala nito! Wow naman. Pogi pala ang kanyang first kiss? Sa naisip ay napunta ang tingin niya sa labi nito. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Tila biglang naginit ang labi niya. Parang naramdaman niya kung paano ito humalik. Kung anu-ano ang tumatakbo sa kukote ni Yasmin hanggang sa napailing. Nasa bingit ng kamatayan ang pagiging single nila pero hayun siya, nadala ng isang poging ngiti. Nainis si Yasmin sa sarili. Nainis siya sa pagiging babaeng marupok! Agad niyang binura ang namumuong paghanga sa pisikal nitong anyo. “Ngingiti ka pa d’yan…” aniyang naiirita rito… o sa sarili niya? Ang guwapo kasi talaga. Pati tuloy siya ay hindi makapagisip ng matino! “Huwag kang sang-ayon ng sang-ayon sa kanila. Sabihin mo ang totoo para matapos na.” Naiinis na saad niya rito. Hindi na nga siya makabuwelong magpaliwanag, ayaw pa siyang tulungan nito? At ano naman ang inaasahan nito? Sa ganoon na lang kabilis, maikakasal sila agad? Nevah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD