"Death comes to all, but great achievements build a monument which shall endure until the sun grows cold." -Ralph Waldo Emerson Ilang segundo ring nakatayo ang mga sundalong naiwan sa kalsada patungong Circle. Activated pa rin ang tila napakalaking dome ng shield ng The Blood of One sa paligid ng buong parke. Maski ang mga sundalong nasa loob ng shield ay nag-aabang din sa kung ano nga bang nangyari kay Helena at sa kanyang kasama. Pigil-hininga ang lahat habang unti-unting inaapula ng nyebe ang apoy sa paligid ng pinagsabugan ng missile. Ang apoy sa paligid ay unti-unting napapalitan ng maitim na usok. Isang sundalo naman ang nagturo sa kinaroroonan ng pagsabog. Sa isang gilid ay naaninag niya ang dalawang babaeng nasabugan ng missile. Nakita na lamang nilang nakapatong si Helena

