"You realize that our mistrust of the future makes it hard to give up the past." -Chuck Palahniuk, Survivor Dinig na dinig ang mga pagsabog at mga putok ng baril mula sa labas ng underground base ng Quezon City Memorial Circle. Mula sa loob ng isang malaking vault ay nakaupo lamang sa isang lumang kalawanging upuan ang ama ni Helena na si Dr. Matthews Konning. Nakaharap siya sa isang tangke ng kulay asul na likido kung saan naroroon ang isang binatang nakalutang lamang sa loob ng tangke. Nakadilat ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kanyang harapan kung saan nakalabas ang ilang panel ng hologram screen. "Is this what you really want?" tanong ni Dr. Konning. Napapikit naman ang binatang iyon at muling dumilat. "You tell me. You're the one who's outside. All I can do is command,"

