Chapter 18: Pool of Blood (Lawa ng Dugo)

3853 Words
"Look Curtis, beyond the gate. Section after sections precisely where they've always been and where they'll always be, all adding up to what? The Train. And now the perfectly correct number of human beings all in their proper places all adding up to what? Humanity. The train is the world. We the humanity. And now you have the sacred responsibility to lead all humanity. Without you Curtis, humanity will cease to exist. You've seen what people do without leadership, they devour one another."   -Wilford, Snowpiercer   "We're about 40 thousand feet above the Pacific Ocean, General. About nine thousand kilometers away from the Philippines," wika ng piloto ng heli ship na sinasakyan ng Secretary of Defense ng European Union kasama pa ang mga sundalong nakaupo sa magkabilang gilid ng heli ship. Nakaupo lamang ang babaeng heneral sa gitna at sa harapan niya ay isang puting bakal na nakausli na animo'y mesa kung saan nakapatong ang isang tasa at isang mainit na tubig at tsaa. "Good. Make sure that every ship scatters before we reach the Philippine islands. Helena must not know that we're here," tugon naman ng heneral. Kinuha niya ang kanyang tsaa at nilagay ang mga himulmol nito gamit ang isang kutsarita sa kanyang tasa. Binuhusan niya iyon ng mainit na tubig at kinanaw. "Sugar...Madam?" tanong naman ng lalaking tagasilbi. Nakaputi siyang uniporme at tila isang puting tuwalya pa ang nakasampay sa kanyang bisig. "No, I like it bitter. Thank you," sagot ng heneral. Saka lamang umalis ang lalaking iyon at nagtungo na lamang sa likod upang pagsilbihan ang iba pang mga sundalo. Nagyeyelo na halos ang dagat sa mga oras na iyon dahil sa walang humpay na pag-ulan ng nyebe. Dumungaw ang heneral sa bintana. Makakapal na puting nyebe at malakas na hangin lamang ang kanyang nakikita. Matagtag din ang byahe sa mga oras na iyon ngunit kinakaya naman ng heli ship. Kasama nito ang mahigit sa apat pang heli ship sa himpapawid. Laman din nito ang mga sundalo mula sa Europa. "Did the Americans see us?" tanong ng babaeng heneral. "Negative, Ma'am. We took a turn from Australia. We will be engaging the borders of Singapore before we reach the Philippines. That way we can land there safely and unnoticed," sagot ng sundalong kanyang katabi. "Good. The ship will land in Palawan," sagot naman ng heneral at muling humigop ng kanyang mainit na tsaa.   "Uhmm. That's far from our target site, General. A-and Palawan is their only protected area." "Just do what I say. They will not suspect anyone going there because the battlefield is in Manila. They have a lesser force in the south by now. Expect that place to be empty," sagot naman ng heneral. Tila namangha na lamang ang sundalong katabi niya at napangiti. "The general plans well," bulong ng isa pang sundalong nakaupo sa gilid ng heli ship. "She will never be the European Union's General of Defense for nothing," sambit naman ng isa pa. "We have 30 minutes to prepare for landing. Get ready, everyone!" wika ng isa sa dalawang piloto ng heli ship. Agad umupo ang ilang mga sundalo sa kanilang mga pwesto, ang iba namang mga tagasilbi ay umupo na rin at ginamit ang seatbelt na nasa kanang bahagi ng kanilang kinauupuan. Sumilip muli si General Linford sa kanyang bintana ngunit wala pa rin siyang makita kundi ang puting yelo na bumabagsak mula sa langit at ang malakas na hangin. Pinindot na lamang niya ang isang boton sa gilid nito at dahan-dahang lumabas ang pangsara ng bintanang iyon mula sa itaas. "General?" Isang boses ang kanyang narinig mula sa kanyang hologram stick. Agad niya iyon kinuha mula sa bulsang nasa kanyang dibdib. Pinindot nya ang button sa itaas at agad lumabas ang isang hologram image. Isang video call ang lumabas mula dito at makikita ang Subject 4 na si Mark Dimitri. Nag-aapoy at tila may nasusunog na kung anong bagay sa kanyang likuran. Kapansin-pansin naman ang mga bahid ng dugo sa bakal na katawan ng prototype. Maging ang ilang parte ng kanyang ulo ay napinturahan din ng kulay pulang tinta. "How was it?" tanong ng babaeng heneral. "Deliciously done...I've killed all of them. Hundreds...no, maybe thousands of them. I am the only one around. Want to see what happened?" wika ni Mark. Inangat niya ang kanyang kaliwang braso kung saan nakalabas ang hologram screen at inikot ito sa paligid. Animo'y ipinapakita kung ano ang nangyari sa kanyang mga biktima. Halos hindi na makilala ang mga mga sundalong nakatikim ng kanyang espada. Hati ang mukha ng iba sa mga ito. Ang iba naman ay tila nagkalasug-lasog na lamang ang katawan. Ang kulay puting yelo ay nabahiran ng pulang dugo na nagiging kulay rosas kapag pumatak na ito sa nyebe. Animo'y isang malaking strawberry ice cone ang lugar dahil sa pinaghalong yelo at dugong kumalat mula sa mga sundalo sa pwersa ng Amerika. Sunod naman niyang ipinakita ang apoy na kanina lamang ay nasa kanyang likuran. Makikita dito ang patung-patong na mga katawan ng mga prototype na kanyang nabiktima. Inapuyan niya ang mga ito para hindi na muling magamit pa ang kanilang mga parte. "I like what you've done to the place," biro ng heneral. Muli namang ipinakita ni Mark ang kanyang imahe. "What happened to your other arm?" tanong naman ng heneral nang mapansin na bahagyang nayupi ang kanang braso ni Mark. "It's nothing. Just needs a little repair, but I'm fine," sagot naman ni Mark. "Alright, go back to London and fix yourself. I'll send some reinforcement to guard the area," utos naman ng heneral. Tumango na lamang si Mark at saka pinatay ang video call. Isang sundalo naman ang buhay pa at ginagapang ang kanyang sarili palayo sa lugar na iyon ang napansin ni Mark. Dahan-dahan siyang lumapit sa sundalong iyon at umupo. Napahiga naman siya at kahit na wala nang mga paa dahil sa paghiwa ng espada ni Mark ay nagawa pa rin niyang lumayo sa prototype. Takot na takot ito habang gumagapang sa madugong yelo. "What are you doing?" tanong ng prototype. Tumagilid ang kanyang mukha at tila lalong tinatakot ang natitirang buhay na biktima. "I-I...please..I-I want to live!" nagmamakaawang tugon ng sundalong iyon. "What is the feeling of being alive? Tell me," tanong ni Mark. "Wh-what?" takot na takot na tugon ng kanyang kausap. "What do you feel right now? Do you feel cold?" muling tanong ni Mark. Lalo namang natakot ang sundalong iyon at nagpatuloy sa paggapang patalikod. "It's been 21 years since I last felt the world, since I felt alive. What do you feel right now?" "F-f-fear..." ang nasambit na lamang ng sundalong iyon. "Fear...ohh yes. Fear. I want to feel it someday. But it cannot be. I'm already dead. Tumayo ang prototype na si Mark at inangat ang kanyang kanang kamay. Kinuha niya mula sa kanyang likod ang kanyang espada. Bumukas naman ang mga bakal na plate nito na nagsasara upang maging intact ang kanyang espada sa kanyang likod. Kinuha niya ito at itinusok sa nagyeyelong buhangin. "N-no...no please." Tumingin sa magkabilang gilid ang sundalong nagmamakaawa habang dahan-dahang gumagapang patalikod. "You shouldn't fear death. You see, death is just the beginning of everything." Inangat ni Mark ang kayang espada at tumayo. Tumatama naman dito ang liwanag na mula sa apoy sa ‘di kalayuan. "P-please...I-I have a family...please...l-let me live," mangiyak-ngiyak na sambit ng sundalong iyon. "Choices, that's what makes you human. In your case, you chose to come here...just to die," wika ni Mark. Ibinaba niya ang talim ng kanyang espada at tumusok naman ito sa dibdib ng kanyang biktima. Inabot pa niya ang kanyang kanang kamay sa prototype habang nakahawak naman ang kanyang kaliwang kamay sa talim ng espada. Pinipigilan niya ang pagbaon ng talim sa kanyang dibdib ngunit nahihiwa naman ang kanyang mga kamay. "N-no...uh...nuh..." sambit ng sundalong iyon. Unti-unti siyang nanghihina hanggang sa namatay na lamang nang dilat ang mga mata. Muli namang inangat ni Mark ang kanyang espada at iwinasiwas ito paikot upang ipagpag ang dugo ng kanyang biktima. Muli niyang inangat ang kanyang kamay upang ilagay ang kanyang espada sa kanyang likuran. Naglakad na lamang siya na parang walang nangyari.     "General, we are fit for landing," wika ng piloto ng heli ship. Agad na binuksan ni General Linford ang kanyang bintana. Nakita niya sa ibaba ang isang islang napapalibutan ng mga matataas na pader mula sa baybayin. Naglalakihang mga puno naman ang nasa loob ng matataas at makakapal na pader na iyon. Isang protected area na ang Palawan ngunit mas pinaigting pa ang pagbabantay dito kaya noon pa man ay ang gobyerno na ang nagsulong ng pagpapalawig ng pagiging protected wildlife ng buong isla. Gaya ng inaasahan ni General Linford, wala ngang mga bantay sa paligid. Kung magkakaroon man ay marahil nasa bandang siyudad pa ng Palawan ang mga iyon. Nag-landing sila sa magubat na parte ng isla. Isa-isa ring nagbabaan ang apat pang heli ship sa madamo ngunit nagyeyelong paligid. Bumukas ang hatch ng heli ship na sinakyan ni General Linford at naunang bumaba. Napansin agad niyang unti-unti nang namamatay ang mga halaman dahil sa walang tigil na pag-ulan ng yelo. Muli siyang naglakad palabas at sumunod naman sa kanyang likuran ang mga sundalo. Mula sa likod ng malalaking heli ship na iyon ay naglabasan ang mga amphibian vehicles. May gulong ang mga ito at kaya rin nitong lumutang upang gawing sasakyang pandagat. Apat na katao lamang ang pwede sa amphibian vehicle na iyon. Naunang sumakay si General Linford at ang apat pang mga sundalo. Sumunod naman ang iba pang mga sundalo sa iba pang amphibian vehicles.   "Team 4 to 5, you know what to do. This place will serve as our command center. Coordinate with others in London. We need a live feed on this one," utos ng babaeng heneral. Matapos ang ilang mga paalala ay umandar na ang mahigit sa dalawampung amphibian vehicles. Una itong tumakbo sa nagyeyelong lupa at sumunod ay sa buhanginan at saka sa dagat. Bumukas naman ang mga hologram screen at makikita dito ang isang mapa at ruta patungong Maynila. "ETA: 2 hours, 7 minutes," sambit ng isang computer generated audio. Bahagya nang nagyelo ang iba pang parte ng karagatan kaya't iniiwasan na lamang ng mga ito ang mga namuong yelo. Tinahak nila ang malawak na kadiliman patungo sa kanilang destinasyon. *****   "Commander, napapaligiran na namin ang air craft carrier," wika ng isang piloto ng jet fighter na sumugod sa air craft carrier na nagpapakawala ng missile sa Pilipinas. Ilang jetfighter pa ang kasama nito ngunit nanlaki ang kanilang mga mata nang makitang napakaraming mga battleship ang nakakalat sa gitna ng Dagat Pasipiko. Isang laser beam ang pinakawalan ng ilan sa mga ito. "AAHH!" sigaw na lamang ng isa nang makita sa kanyang harapan ang isang pulang linya ng ilaw na palapit. Nahati ang jetfighter na kanyang sinasakyan at pagkatapos ay sumabog. Nakailag naman ang iba pa at sinubukang lumapit sa malaking barko ng aircraft carierr. "Pakawalan ang lahat ng missiles. Lock target sa aircraft carrier. Huwag niyong pansinin ang iba pa!" bulyaw ni Albert mula sa command center. Isang 3D hologram image ulit ang kanyang nakita mula sa isa pang salamin na mesa at makikita dito ang mga pangyayari sa Dagat Pasipiko kung saan higit sa labinlimang barko ang nakakalat at ang nasa gitna ang pinakamalaki sa lahat. Nagpakawala naman ng missile ang ilan sa mga jet fighter ngunit sinasangga ito ng mga pulang ilaw mula sa mga battleship at sumasabog na lamang sa ere ang mga ito. "Mahihirapan kami sa isang 'to, commander. Masyadong maraming nakabantay sa carrier," sagot ng isang piloto. Napakagat na lamang sa labi si Albert at tila nainis. Bahagya pang nagdugo ang kanyang labi. Nakakunot ang kanyang noo habang pinapanood ang lahat. Ilang jet fighter pa ang lumipad mula sa air craft carrier na iyon. Nakita ito ni Albert kaya napapikit na lamang siya habang patuloy na naiinis. Hindi siya makapagdesisyon nang maayos dahil sa sobrang kaba. "Commander?" wika ng isa na tila naghihintay ng utos mula kay Albert. Isa na namang jetfighter ang sumabog sa kalangitan matapos itong barilin ng mga guttling gun ng mga jetfighter mula sa pwersa ng America. "C-Commander, ano na po ang susunod naming gagawin?" Kabado na ang pilotong iyon. Patuloy siya sa pag-ilag sa mga missile mula sa tatlong jetfighter na humahabol sa kanya. Pinaikot niya ang kanyang sinasakyan upang maiwasan ang mga missile na paparating at nagpatuloy siya sa paglipad palayo. H-hindi ko kaya, bulong ni Albert sa sarili. .Tila napanghihinaan siya ng loob. Muli niyang idinilat ang kanyang mga mata at nakita niyang kakaunti na lamang ang mga jet fighter na sumugod sa lupon ng mga battleship na iyon mula sa pwersa ng America. H-hindi, hindi ko ito kayang gawin. Hindi na ito tulad ng dati. Muli niyang kinausap ang kanyang sarili habang dilat na dilat na nakatitig sa 3D hologram image. "Commader, kailangan na po namin ng utos niyo!" bulyaw ng isa pang piloto. "Fall back. Hindi natin sila kaya. Kulang ang pwersa natin." Tuluyan naman siyang napanghinaan ng loob. "P-pero, commander. Paano kung magpakawala pa sila ng mga missile sa Maynila?" tanong ng isang piloto. "Salubungin niyo ang mga parating na projectile. Huwag niyong hayaang makarating ang mga iyon sa Circle. Maliwanag ba? Kakaunti ang pwersa natin. Hindi natin kakayanin ang ganitong sitwasyon," sagot ni Albert. Lumipad palayo ang mga jet fighter na iyon ngunit isang boses ang kanilang narinig: "Bumalik kayo." "S-Sino ‘yon?!" pagtataka ni Albert. Napatingala naman ang lahat ng staff sa techno hub command center at tila nagtataka din kung sino ang nagsalita. Boses iyon ng isang lalaki ngunit garalgal at tila napuputol ang kanyang linya ng komunikasyon. "Bumalik kayo at sundin niyo ang iuutos ko," wika ng boses. Mula sa Dagat Pasipiko ay nagtinginan na lamang ang mga piloto na naka-formation at pabalik na sana sa baybayin ng Pilipinas. Tumango na lamang ang isang piloto at saka pinaikot ang kanyang sinasakyan. Sumunod din ang iba pa sa kanya at muling sumugod sa grupo ng mga battleship ng Amerika. "V-fromation, ngayon na. Ipunin niyo ang inyong mga sarili. Hayaan niyong salubungin kayo ng mga jet fighter," utos ng boses. "S-sino ba ang isang ito?" pagtataka naman ni Albert. "Hahanapin ko ang signal kung saan nanggagaling," tugon naman ni Professor Marco. Pitong jetfighter na lamang mula sa pwersa ng Pilipinas ang natitira sa labanang iyon. Nagformation nga ito ng hugis 'V' at patuloy na lumipad palapit sa mas marami pang jetfighter mula sa pwersa ng America. "Lahat ng piloto bumalik kayo! Mapapahamak kayo sa ginagawa niyo!" bulyaw naman ni Albert. Ngunit hindi siya narinig ng mga piloto. Patuloy pa rin sila sa pagsulong palapit sa mga battleship. "C-commander. Putol po ang linya natin sa kanila," sagot naman ng isang babaeng staff. "Ano?" "Unit A-15, pumuwesto ka sa likod ng iyong mga kasama. Units A-4, B-8 at- C-20 lumipad kayo paitaas kapag malapit na sila. Ang iba pa, lumipad paibaba sa taas na limang metro. Lilipad kayo sa ibabaw ng karagatan at hahayaang dumiretso doon ang kalaban. A15, dumiretso ka lang. Puntiryahin mo ang mga kanyon ng aircraft carrier." Detalyado ang ginawang utos ng boses na iyon. Wala namang nagawa si Albert kundi ang panoorin ang mga mangyayari. Pinagpawisan siya nang malamig. Napatayo naman ang iba pang staff ng Malakanyang at nanood sa malaking hologram screen. "A-15, ready." Pumasok naman sa likod na bahagi ng paletrang V ang jetfighter na iyon. Nakasalubong sa kanila ang mahigit sa dalawampung jetfighter. "Alam kong hindi ang commander ang isang ito. Pero pakiramdam ko may magandang mangyayari," wika ng pilotong nasa unahan. Nang malapit na nilang masalubong ang mga jetfighter ng kalaban ay agad na nagpakawala ng mga bala ang mga ito. Umangat paitaas ang jetfighter sa dalawang gilid at sa unahan. Sinundan naman iyon ng mga jetfighter ng Amerika. Ang tatlo namang natira pa ay nagpatay ng engine at bumulusok paibaba. Sinundan din ito ng mga jetfighter ng kalaban. Dahil sa pagiging kabado ay sinundan ng lahat ng kalaban ang mga jetfighter na bumulusok paitaas at paibaba at naging libre ang A-15 unit na lumilipad palapit sa aircraft carrier. Patuloy na bumulusok pababa ang tatlong jetfighter. "Ngayon na!" utos ng boses. Agad na nagbukas ng engine ang tatlong jetfighter. Sumabog naman ang tubig dahil sa pwersa ng paglipad ng mga ito. "NOOO!" Napasigaw naman ang ilang piloto ng jetfighter mula sa Amerika. Tuluyan silang bumangga sa nagyeyelong tubig at saka sumabog. Nagliwanag ang parte ng karagatan na iyon at kitang-kita ang pagbulusok ng tubig dagat dahil sa pagsabog na naganap. Napangiti naman ang ilang staff ng command center habang pinapanood ang maaksyong mga pangyayari. "Unit C-10 at ang iba pa. Sumuot kayo sa pagitan ng mga battleship. Hayaan ninyong patamaan nila ang isa't isa," utos ng misteryosong boses. Sumuot ang mga jetfigher mula sa gitna ng mga battleship. Nakasunod pa rin sa kanila ang marami pang natitirang jetfighter. Nagpakawala naman ng laser beam ang mga battleship na iyon. Tinamaan nito ang ilan sa mga jetfighter ng sarili nilang pwersa. Sumabog naman ang ilan pang mga battleship dahil tinamaan ng kani-kanilang mga laser beam. "A-4, B-8 at C20. Paabutin niyo sa taas na 70 thousand feet," utos ng boses na iyon. "P-Pero magyeyelo ang mga pakpak at engine namin," sagot naman ng isa sa pilotong nauuna at patuloy na pinapalipad pataas ang kanyang jet fighter. Nakasunod pa rin sa kanila ang mangilan-ngilang mga kalaban. "Sundin mo lang ang inuutos ko. Walang mamamatay sa inyo. Pangako," sambit naman ng boses na iyon. Tila nagkaroon naman ng kumpyansa sa sarili ang pilotong iyon. Mas binilisan pa niya ang kanyang paglipad paitaas. Umiilaw na nang pula ang kanyang hologram screen sa kanyang harapan habang tumutunog ang alarma. “DANGER!”   “DANGER!”   “ENGINE MIGHT FAIL AT THIS LEVEL!”   Iyon ang mga nakasulat sa kanilang mga hologram screen. "Patayin niyo na ang mga engine niyo," utos ng boses at ginawa naman iyon ng mga piloto. Nag-freefall ang mga ito paibaba. Patuloy naman sa pagbulusok paitaas ang mga jetfighter mula sa pwersa ng Amerika. Dahil sa kapal ng yelo at lakas ng hangin ay hindi nila napansing bumubulusok na pala paibaba ang kanilang mga sinusundan. "Pakawalan ang mga missile," utos ng boses. Agad naman itong ginawa ng mga piloto habang bumubulusok pababa ang kanilang sinasakyan. Sinalubong nila ang mga kalaban kasabay ang mga missile na kanilang pinakawalan. Nagkaroon ng pagsabog sa kalangitan. Tinamaan ang mga jetfighter na kanilang kasalubong. Labis namang nag-alala si Albert nang makitang puro apoy lamang ang lumalabas sa 3D holographic image na kanyang tinitingnan. Walang bakas ng mga kalaban at maging ang kanilang sariling pwersa. "Buksan niyo na ang engine," kalmadong utos ng misteryosong boses. Mula sa malaking apoy na iyon ay lumipad paibaba ang tatlong jetfighter mula sa Pilipinas. "WWOOOOO!!!"   Naghiyawan naman ang mga tao sa loob ng techno hub. Maging ang propesor ay napatalon din sa labis na galak. Patuloy ang paghahanap niya ng linya sa kinaroroonan ng boses na iyon mula sa kanyang hologram computer. "W-What is this?!" Tila nanlalaki naman ang mata ng kapitang nakasakay sa loob ng aircraft carrier ng Amerika. Nakikita niya sa hologram screen sa loob ng kanyang command center ang mga pagsabog na nagaganap sa labas. Nakita rin niya na biglang nawala ang komunikasyon sa ilan pang mga jetfighter na kanyang pina-deploy. "S-sir, their p-plans...we can't contain them. They are organized," sagot naman ng isang lalakingnakaupo sa harap ng isang hologram screen at may nakakabit na communicator sa kanyang tenga at bibig. "They're making us look like we’re a bunch of idiots! ATTACK THEM! All fighters should be deployed now!" bulyaw ng kapitan. Nagliparan naman galing sa aircraft carrier ang ilan pang mga jetfighter mula sa pwersa ng America. "Units C-10 at ang iba pa. Ipagpatuloy niyo lang hanggang makarating kayo sa aircraft carrier. Ang sinumang jetfighter na susugod sa mga unit na nasa itaas, patamaan ng missile. Magpatuloy lang kayo sa ganyang altitude," utos ng boses. Patuloy na pinalipad nang mabilis ng mga pilotong iyon ang kanilang mga jetfighter sa altitude na limang metro lamang mula sa karagatan. Nahalata na ng kanilang mga kalaban ang kanilang taktikang ginagawa kaya't hindi na nagpakawala ang mga ito ng laserbeam ngunit nangalahati ang kanilang pwersa dahil sa ganoong paraan. Makikita naman ang mga nag-aapoy na mga battleship sa paligid. Tila namamangha na lamang si Albert sa kanyang natutunghayan. Nagpakawala ang mga jetfighter na iyon ng mga missiles nang makita nilang palayo na ang mga jetfighter mula sa aircraft carrier ng Amerika. Hindi pa man nakakalipad nang malayo ay sumabog na ang mga ito. "A-15, ikaw ang mauna. Patamaan ang mga kanyon ng aircraft carrier." "Roger that." Agad binuksan ng pilotong iyon ang button na natatakpan para maglaunch ng kanyang missile. Iyon din ang ginawa ng tatlo pang nakasunod sa kanya. "C-10 at ang iba pa. Lumayo na kayo sa area. Tapos na ang labang 'to," wika ng misteryosong boses. Agad namang nagpulasan at umikot ang tatlong jetfighter palayo sa aircraft carrier. Dahan-dahan namang tinutok ng aircraft carrier na iyon ang kanilang apat na naglalakihang kanyon sa apat na paparating na jetfighter mula sa itaas. "Isa..." Nagsimulang magbilang ang boses na nag-uutos sa mga piloto ng jetfighter. Tila nagpigil naman ang unang piloto ng jetfighter na pindutin ang button ng kanyang missile. "Dalawa..." Mula naman sa hologram screen ng command center ng aircraft carrier na iyon ay ni-lock nila ang kanilang mga target. Naging berde ang pabilog na targetting system nito sa apat na jetfighter ng Pilipinas. "Tatlo..." Mabagal ang lahat. Inaabangan ng lahat ang mga susunod na mangyayari. Nakasara pa ang mga palad ng ilang kababaihan at nakahawak sa kanilang mga bibig. "Fire!" utos ng boses sa mga piloto. "FIRE!" bulyaw naman ng kapitan ng malaking battleship ng Amerika. Pinindot ng mga piloto ang kanilang launch button. Agad nagpakawala ng walong missile ang mga ito at pagkatapos ay nagpulasan na sa ere at bumalik. "Checkmate," sambit ng misteryosong boses. Tinamaan ang mga kanyon ng aircraft carrier bago pa man nito mailabas ang kanilang missile. Nag-backfire ang missile ng aircraft carrier na iyon at hindi lang ang kanyon ang sumabog. Ang buong battleship ay nagliyab mula sa loob at tuluyan na itong nagkapira-piraso. Nagkulay-dugo naman ang dagat na iyon dahil sa liwanag ng apoy mula sa sumabog na aircraft carrier. "YEAAAH!" "WOOOOHOOOO!" "HAHAHA YESS!" "GALIIINGGG!!" Nagbunyi naman ang mga tao sa loob ng Malakanyang. Napahanga ang mga ito sa ginawang plano ng 'di kilalang lalaking nagbibigay sa mga piloto ng utos. Napatingin ang propesor sa mga taong nagbubunyi, nagyayakapan at nagtatatalon sa sobrang tuwa at tumango-tango na lamang sabay ngumiti. Hindi rin makapaniwala si Albert sa kanyang natunghayan. Kahit na kakaunti ang kanilang pwersa ay nagawa pa nilang manalo sa labang iyon. "H-hindi...hindi ito maaari..." wika naman ng propesor matapos mapatingin sa kanyang hologram screen. "P-propesor?" Lumapit naman si Albert at tila nagtaka dahil sa pinapakitang reaksyon ni Professor Dela Paz. "Ang boses, nanggagaling sa signal ng Circle. S-sino ang isang 'to?" Napatingin na lamang ang propesor sa mukha ni Albert. Naghalong pagkamangha, takot at tuwa ang nararamdaman ng dalawa dahil sa natunghayan. Walang kaalam-alam ang iba pa na patuloy pa ring nagsasaya sa loob ng command center ng Malakanyang.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD