Chapter 17: And So It Begins (At Iyon Na Ang Simula)

6112 Words
"Alice, you cannot live your life to please others. The choice must be yours, because when you step out to face that creature, you will step out alone." -White Queen, Alice in Wonderland   "..unreasonable it may seem but this world needs one ruler to end this war..." "This could not be happening...we set ourselves to be devoured by our own fire! How can we douse this flame of hate?" "...hindi sa lahat ng bagay ay nasa gobyerno ang sagot! Dapat na tayong kumilos, mga kasama! Kung gulo ang hinihingi ng ibang bansa, ibibigay natin 'yon!" "...kapag nagsimula na ang gulong 'to. Saan tayo magtatago? Saan tayo pupunta? Wala namang ginagawa ang gobyerno natin!" "...sudden attacks of the troops of State of North Korea to the borders of Europe had spread. The European Union declared a state of war to protect what is left in the borders of Turkey. It was estimated that more than 1000 people died in the bombings..." "...while the United States of America had prepared their forces in case of any attacks from other countries..." "Allied forces are starting to break because of the MCM Program which is the root of all these unbearable events..." "CATASTROPHE! THIS IS WHAT MEMO HAS DONE TO US!" "...patuloy pa rin ang pag-ulan ng makakapal na niyebe sa buong bansa. Dahil na rin ito sa pag-hack umano ng ilang miyembro ng The Blood of One sa H.A.A.R.P. Main Facility sa Seattle. Patuloy din ang pagbantay ng puwersa ng Amerika sa mga karatig-siyudad nito at maging sa karagatang pasipiko..." "...well look at this? How would you picture this...this is not a world where peace reigns. This is a disaster. What we can see here, is we stand in the middle of another nuclear attack. This...this is war." "...pinuna naman ng European Prime Minister na si James Wellington ang hindi pagtulong ng ating gobyerno sa Europa. Idineklara ng European Union ang Pilipinas bilang mga rebelde sa bansang nagtatag at muling nagbangon dito..." "...kung may kaya man kayong gawin...ikilos niyo na...lalo na sa ating pinuno na si Helena. Kumilos ka na! Marami pa ang masasawi sa giyerang ito." "Helena! Nasaan ka na? Nasaan na ang lakas mo? 'Wag kang magtago diyan sa malaking palasyo mo!" "...this...is World War 4....there is no other reason. That program needs to be destroyed, before this world...ends..." ***** Nakatulala lamang si Edward habang naririnig ang iba't ibang boses sa kanyang ulo. Tila nanlaki rin ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kisame at sa ilaw ng kwarto kung saan siya nakahiga. Naglalaro na lamang ang iba't ibang imaheng kanyang nakikita. Katas ng dugo, putok ng baril, hampas ng mga electric rod ng mga pulis at militar na nakauniporme at naka-helmet ng itim, pagsabog, at gulo. Iyon ang kanyang nakikita. Pinagpapawisan siya nang malamig at animo'y nangangatal ang kanyang bibig habang nilulukot ang kumot na nakapatong sa kanyang katawan. "E-Edward?" Mag-isang bumukas ang bakal na pinto ng kwartong iyon at doon ay pumasok si Layla na may dalang malinis na pamunas. Agad siyang nagtungo sa lababong nasa gilid ng kwartong iyon. Sa harapan ng lababo ay isang malinis na salamin. Makikita pa ang repleksyon ni Layla habang binabasa ang puting pamunas. Tila nagmamadali siya at pinindot ang gilid ng salamin. Bumukas naman patagilid ang salamin at doon ay makikita ang ilang gamut. Kumuha siya nang kaunti at saka dumiretso sa nagdedeliryong binata. Muli namang sumara nang mag-isa ang salamin nang makalayo na si Layla. "Nuh!" "Uh!" "Hnuh!" Kakaibang ungol naman ang ginagawa ng binata nang makalapit si Layla. Tila siya'y humihikbi ngunit wala namang luhang pumapatak sa kanyang pisngi. Iba na ang nakikita ng binata. Iba na rin ang kanyang naririnig. "Edward, nandito ako." Hinawakan ni Layla ang kanyang kamay. Saglit na tumingin si Edward sa kanya ngunit muling tumingin sa kisame matapos ang ilang segundo. Sinimulan niyang punasan ng basang pamunas ang mukha ni Edward. Papikit-pikit naman ang binata dahil kakaibang lamig ang nararamdaman niya sa bawat haplos na ginagawa ni Layla. Isang tableta ang ipinasubo ni Layla matapos punasan ang kalahati ng kanyang katawan. Agad din niyang ihiniga sa kanyang hita ang kanyang ulo at pinainom ng malamig na tubig. Tila nangisay muna ang katawan ng binata bago tuluyang kumalma sa hita ng dalaga. Hinaplos na lamang ni Layla ang kanyang ulo matapos ipatong sa katabing mesa ang basong may lamang tubig. "Edward...kaya mo pa ba?" marahang tanong ng dalaga. Isang butil ng luha ang umagos sa kanyang kaliwang pisngi na agad naman niyang pinahid. "Kasi kung hindi mo na kaya..." "K-ka-kakayanin ko pa. Hindi pa ito ang oras ko, La-Layla..." nanghihinang sagot naman ng binata. Mayamaya pa’y hinimas na niya ang kanyang dibdib. Tila naninikip at nahihirapan na siyang makahinga. Agad namang hinawakan ni Layla ang dibdib ni Edward; maging ang kanyang kamay ay hinaplos niya nang dahan-dahan. "Kaya nating iwanan ang lahat ng ito, Edward. Ikaw lang ang makapagsasabi. Lalayo tayo sa mga tao. Kung ayaw mo na silang marinig. Kung ayaw mo na ng ingay. Lalayo tayo, basta sabihin mo lang...ayokong nakikita kang ganito." Napaluha na sa pagkakataong iyon si Layla habang kinakausap ang binata na kanyang inaakay. Pinilit naman ni Edward na huminga nang maayos, tila pinapatahan niya si Layla at pinipilit ipakita na hindi na siya nahihirapang huminga. "Ang mga boses...ang mga taong iyon...gusto ko silang iligtas. Pero, hindi ko nagawa," wika naman ni Edward habang nakatingin pa rin sa kawalan. "Hindi mo iyon kasalanan, Edward...'wag mo nang sisihin ang sarili mo." Inayos niya ang pagkakasandal ng binata sa kanyang mga hita papunta sa kanyang dibdib at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Tila nagiging magaan naman ang paghinga ni Edward dahil sa yakap at haplos niya. Mayamaya pa’y naging seryoso na ang mukha niya at tumingin sa kanyang mga paa na nakapatong pa rin sa kama. "Ang haba na ng kuko mo Layla...pwede mo na bang gupitan?" Pinahid na lamang ni Layla ang kanyang mga luha at tila napasimangot. Agad niyang ibinagsak sa kama si Edward at tumayo. "Siraulo ka talaga!" "ARAY!" Muli namang napakapit si Edward sa kanyang dibdib at tila ininda ito. "E-Edward? Sorry...ikaw kasi eh!" wika naman ni Layla. Nag-iba muli ang ekspresyon ng kanyang mukha na sa pagkakataong iyon ay nag-alala na. Niyakap niya ang binata habang nakahiga. Huminga naman nang malalim si Edward at muling tumingin kay Layla. Hinalikan niya na lamang siya sa noo. Pinakita niya na maayos na ang kanyang lagay kahit na patuloy pa rin ang mga ingay sa kanyang ulo at ang hindi magandang nararamdaman. Iba ang iniisip ni Edward sa pagkakataong iyon. Nakikita niya ang isang pinaghalong itim at asul na prototype. Nakatalikod siya at sa likuran naman niya ay ang isang samurai na nakadikit lamang dahil sa ilang bakal na frame na ginawa para lamang sa espadang iyon. Dahan-dahan itong humarap at makikita ang pulang ilaw sa mga mata nito. Makikita rin ang numerong “4” na nakaukit sa kanang dibdib. Ipinikit na lamang ni Edward ang kanyang mga mata at niyakap ang kanyang kasintahan na si Layla. *****   "Nakahanda na ang buong batalyon. Madam." "Ang AFP po ay nakahanda na rin. Napapalibutan na ang Circle." "Ang pwersa po ng Air Force ay nasa himpapawid na at patuloy na binabantayan ang galaw ng kalaban." "Ang marines ay nakastand-by na sa bawat pampang ng Pilipinas. Utos na lamang po ng commander ang kailangan." "Helena, ito ba ang tamang gawin? Paano ang European Union?" tanong ni Albert. Nakapwesto sila sa harapan ng 3D image blueprint ng Quezon City Circle at tila hindi nagustuhan ni Albert ang kawalan ng pakialam ni Helena sa European Union. "Hindi mo ba nakita ang ginawa nila Albert? Hindi pa man sila humihingi ng tulong sa atin eh pinaratangan na kaagad nila tayong rebelde. Kailan pa tayo naging parte ng European Union? Hindi ito ang hiningi natin sa kanila. Sila ang nagprisinta! Ngayon kung gusto nilang bawiin ang alyansa natin sa kanila eh ‘di gawin nila. 'Wag lang silang makikialam sa laban natin," matigas na tugon naman ni Helena. "Malaking bansa ang kinalaban natin. Kakaunti ang pwersa natin. Ano na lang ang laban natin sa kanila?" muling tanong ni Albert. "Hindi ikaw 'yan, Albert. Alam ko kahit sa kakaunting pag-asa ay nabubuhay ka at ang New Order. Hindi na tayo pwedeng umasa sa iba. Kailangan na nating kumilos. Tama ba?" sagot naman ng dalaga.  Napatingin na lamang ang propesor at si Maria sa dalawang nagtatalo. Napayuko na lamang si Albert at pagkatapos ay tumingin kay Helena at ngumiti. "Madam, handa na po ang sasakyan niyo," wika naman ng isang sundalong kakapasok lamang sa loob ng command center. "Albert, kapag natapos ito. Gusto ko magkakasama pa rin tayo. Maliwanag ba?" habilin ni Helena habang nakangiti. Lumapit naman si Albert at yumakap sa dalaga. Hinimas pa niya ang kanyang ulo saka bumitaw. "Malaki ang tiwala ko sa 'yo, Helena. Kahit noon pa. Sa desisyon mo ako maniniwala," tugon ni Albert. Muli na lamang siyang pumunta sa mga 3D hologram image at nagmasid. Ngumiti na lamang si Helena at naglakad palayo. Iniabot naman ni Maria ang kanyang helmet at saka sinundan ang dalaga. "Ang ilang unit ng Air Force ay magmatyag sa himpapawid at sa iba pang papasok sa border ng Pilipinas. Ang iba ay magmatyag sa Circle. Kung sakali mang subukan nilang tumakas, patamaan sila ng missile," wika naman ni Albert habang nakatingin sa hologram screen. "Opo, Commander," sagot naman ng heneral ng Philppine Air Force. Mula naman sa madilim at nagyeyelong himpapawid ay naghiwalay ang mahigit sa limampung jet fighter ng Pilipinas papunta sa iba't ibang parte at kapuluan ng bansa. Ang ilang mga heli ship naman mula sa Air Force ay lumipad na rin patungo sa pwesto ng mga sundalo ng AFP. Pawang mga nakauniporme naman ang mga sundalo sa ibaba ng pinaghalong itim at puting camouflage. Nakatutok lamang ang kanilang mga baril sa mga sundalong nakapaligid sa Circle. Nasa tabi nila ang ilang mga hover truck na may sakay na guttling gun at iba pang matataas na uri ng baril. Nilabas na rin nila ang kanilang mga tangkeng tumitira ng isang laser beam na nakakasunog ng kahit na anong tamaan nito. "Handa na po ang lahat, Commander," wika ng isang sundalo mula sa kanyang communicator. Pinagpag pa niya nang kaunti ang kanyang balikat dahil sa yelong dumadampi dito. "Hindi tayo ang mauuna sa pag-atakeng ito. Hihintayin niyo ang susunod na hakbang nila. Hihintayin niyo ang queen sa chess game na ito. Si Helena. Siya ang gagawa ng unang hakbang," utos naman ni Albert. Mula naman sa himpapawid ay nag-ingay ang ilang mga heli ship at lumipad sa kabilang bahagi ng Circle. Nag-landing na walang gamit na mga parachute ang daan-daang prototype mula sa himpapawid. Tila hindi naapektuhan ng pagbagsak ang mga ito at tumayo lamang nang normal habang nakaharap sa mga sundalo ng The Blood of One na naaaninag nila sa ‘di kalayuan. Nagulat naman ang mga sundalong nakapaligid sa Circle sa kanilang natunghayan. "Easy boys," wika naman ng isang binatang kararating lamang gamit ang isang magarang hover car. Binuksan niya ang pinto na pataas at lumabas ang isang binatang nakasalamin nang malinaw at nakakabit ang isang communicator sa kanyang tenga. Nakasuot siya ng isang itim na jacket at itim na leather pants na sinamahan pa ng tila disenyong bakal na boots. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga sundalo ng The Blood of One. "Ang Subject 1. Mga kakampi sila," wika naman ng sundalong nakapanig kay Helena. Muli nilang itinutok ang kanilang mga baril sa base ng The Blood of One. "Ang plano, Edward. Iyon pa rin ang gagawin natin," sambit naman ni Layla na sa pagkakataong iyon ay nakasakay naman sa isang heli ship na tila sarili niyang command center. Siya lamang ang nagpapagana sa lahat ng hologram computer sa loob at ang iba pang mga aparato. Tanging ang piloto lamang at siya ang lulan ng sasakyang gumagala sa madilim na himpapawid. "Oo Layla," sagot naman ng binata. Hinaplos niya ang kanyang dibdib dahil nahirapan na naman siyang huminga. "Edward, ayos ka lang ba? Namo-monitor ko ang vital signs mo dito. Kung hindi mo kaya hayaan na lang natin na si Helena ang unang gumalaw." "Ayos lang ako. Kailangan nating gawin ito. Hindi pa rin niya alam na nasa loob ng baseng ito ang kailangan natin. Ayokong sayangin ang pagkakataon." "Mauuna kang umatake? Susuwayin mo lang ang master ng larong 'to." "Hindi. Sabay kaming aatake. Alam na ni Albert ang gagawin niya, 'di ba?" tanong naman ni Edward. "Oo." Nakangiti naman si Layla habang nakatingin sa iba pang hologram screen. Sa isang iglap ay tila natulala naman si Edward. Tumingin siya sa himpapawid at nakita ang dalawang missile na patungo sa kanyang kinatatayuan. "EDWARD! UMALIS KA DIYAN!" sigaw naman ni Layla. Hindi naman ito nagawa ni Edward. Tila namangha lamang siya sa dalawang liwanag na kanyang nakikita. Palaki ito nang palaki sa kanyang paningin at tila nanlalaki rin ang mga mata niya habang papalapit ang dalawang missile na iyon sa kanyang kinatatayuan. "Fire at will!" bulyaw naman ni Albert mula sa command center na sa pagkakataong iyon ay nakita rin ang mga missile na paparating sa kanilang lugar. Isang jetfighter ang agad sumalubong sa dalawang rocket na iyon. Nagpakawala ito ng dalawa ring missile at tinamaan ang dalawang paparating. Sumabog ang mga ito sa ere at nagliwanag ang buong paligid. Bahagyang nagalusan ang ibang mga sundalo dahil sa nagbagsakang mga debris. Wala namang nangyaring masama kay Edward. Ngumiti lamang siya, na tila isang batang nakakita ng fireworks sa parke. "A-Ang ganda!" namamanghang sambit ng binata. "Saan galing 'yon?" tanong naman ni Albert sa katabi niyang babaeng nakaharap sa hologram screen. "Sir, nagpakawala ng missiles ang air craft carrier ng...ng Amerika." Nanlalaki ang mga mata ng babaeng iyon habang dahan-dahang itinutuon ang kanyang pansin kay Albert. Tila nagulantang naman ang mga tao sa loob ng command center at nagsimulang patunugin ang alarma. "H-Hindi ito maaari. Anong ginagawa nila?" Hindi makapaniwala si Albert. Nakikita lamang niya sa hologram screen ang isang mapa at ang dinaanan ng missiles mula sa Dagat Pasipiko. Isang aircraft carrier ng Amerika ang makikita sa kabilang hologram screen. Kuha ito ng satellite image mula sa itaas at makikita na muli nitong inaangat ang dalawang malaking kanyon sa gilid nito. "Helena, may sitwasyon tayo dito. Nagpapakawala ng missiles ang aircraft carrier ng Amerika!" wika ni Albert gamit ang communicator. "Oo nakita ko mula rito. Kailangan kong makausap si President Nixon ngayon na!" sagot ni Helena. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ng isang hover bike at nakikita pa rin ang makapal na usok sa kanyang pupuntahan. Sa likod ng dalaga ay ang iba pang mga hover truck at isa pang hover bike na sinasakyan naman ni Maria. Mula naman sa harapan ni Helena ay lumabas ang hologram image ng US President na si Robert Nixon. Agad tinanggal ni Helena ang kanyang helmet at kahit na umaandar ang kanyang sinasakyan ay kinausap niya ito. "Mr. President, what is the meaning of this?" tanong ng dalaga. "I warned you, Helena. It's either you surrender that program or your country dies with you," sagot naman ng US president. Tila nanggigil naman si Helena sa kanyang narinig. "This war is not yours for the taking, Mr. President. We have our own battle here. Stay out of this!" bulyaw ng dalaga. Patuloy pa rin siya sa pagpapatakbo ng kanyang hover bike palapit sa base ng Quezon City Circle. "No, you don't understand who your enemy is, Helena. Your enemy is my ally, my old friend, and he held my family as hostages. So please. This is you last warning, and another missile will be fired on your position if you will not give me that program." Tila lalong nainis si Helena sa sinabi ng US president. "What about peace, Mr. President? What about the order? Our creed to be a world as one nation?" "That creed...is broken. I'm sorry. I have to do this. The program? Or the lives of your countrymen," wika naman ng US president. "The lives of my countrymen, definitely. I will not give you that program. If that program will be in the hands of my father, the people of my country will suffer. Including billions of lives in the whole world, with you, and your family," sagot naman ng dalaga. Napakapit naman sa kanyang mukha ang presidente. Tila nalilito na siya sa kanyang gagawin. Tumingin siya kay Helena at saka nagsalita. "And so it begins...this war will emerge over the world because of you, Helena." Agad na namatay ang hologram screen sa harapan ng hover bike na sinasakyan ni Helena. Tila nabalot naman ng takot ang isipan ng dalaga. Hindi maipinta ang kanyang mukha habang nakatingin sa kanyang dinadaanan. "Helena, nagpakawala na sila ng dalawa pang missile, papunta sa paligid ng Circle," sagot naman ni Albert. Agad pinihit ni Helena ang gas at inunahan ang kanyang mga kasabay. Makikita naman sa mapa ng hologram screen sa command center ang pulang linyang pinupuntirya ng mga missile. "Edward! Gumising ka na ano ba?! May dalawa pang missile na parating!" bulyaw ni Layla mula sa kanyang communicator. Agad na tumingin si Edward sa himpapawid at inabangan ang mga missile na iyon. Unti-unti’y may nakikita siyang liwanag mula sa kalangitan at lalo pa siyang napangiti habang pinagmamasdan ang maningning nitong paglipad patungo sa kanyang pwesto. "Fall back! Lahat ng mga sundalo sa paligid ng Circle lumayo muna!" utos naman ni Albert. Agad nilang pinaandar ang kanilang mga hover truck at ilan pang tangke. Nagsitakbuhan naman palayo ang mga sundalo sa babagsakan ng mga missile. "Edward, umalis na ka diyan!" bulyaw muli ni Layla. Agad namang itinaas ni Edward ang kanyang kanang kamay at itinuro ang dalawang missile na iyon. "Boys! Simulan na!" bulyaw niya. Naglundagan ang mga prototype sa paligid at tinalon ang dalawang missile na parating. Sinipa ng isang prototype ang likod ng isa pa para magbigay ng momentum paitaas. Gamit naman ang kanilang mga braso ay sinubukan nilang hatiin ang isang missile. Agad itong sumabog at bahagya lamang naapektuhan ang mga umatake. Nakaligtaan naman nila ang isa pang missile. Malapit na ito sa pwesto ni Edward at hindi nila iyon napigilan. Sakto namang dumating si Helena at lumundag siya mula sa kanyang hover bike at kinapitan ang missile na iyon. "Lumayo ka na dito!" bulyaw ng dalaga. Tila sinalo niya ang missile at kinapitan ang magkabilang gilid nito. Hindi niya iyon pinatungtong sa lupa. Ginamit niya ang kanyang mga paa sa pagtayo sa nagyeyelong kalsada at inikot ang missile. Tila pinabalik niya sa kalangitan at hinagis ito palayo. Muli niya iyong sinundan at umamba ng sipa, umikot sa ere at hinati sa gitna ang missile. Agad itong sumabog at nabalutan ng liwanag at makapal na usok ang kalangitan. "Helena?" Mula naman sa gilid ay tumigil ang sinasakyan ni Maria. Napatingin siya sa pinagsabugan ng missile at nag-alala sa kaibigan. Ngunit, unti-unti ay nakita niya si Helena. Nag-free fall siya sa ere na nauuna ang paa at inaabangan ang kanyang pagbagsak. Sumakto siya ng landing sa magarang hover car ni Edward. Nayupi ang bubong nito at nabasag ang mga windshield ng sasakyan. "WHAAAT?!!" gulat na reaksyon ni Edward. Napangiwi na lamang siya sa ginawa ng dalaga. Dahan-dahan namang tumayo si Helena sa kanyang pinagbagsakan at lumundag sa semento. "A-Ang kotse ko...a-anong ginawa mo?" Tila nanlaki naman ang mga mata ni Edward at maluha-luha pa dahil sa ginawa ni Helena. Tiningnan na lamang siya ng dalaga at nginitian. "Mr. President, I'm warning you. If you keep doing this, I will visit you myself," pagbabanta ni Helena. Pinadala naman ni Albert ang mensaheng iyon sa air craft carrier ng Amerika at sumunod ay sa presidente mismo. Tila natuliro naman ang presidente sa sinabi ng dalaga. "Prepare for battle. Prepare the artilleries and the air force. We will bring them down. NOW!" bulyaw ng US President. "Helena? Sigurado ka ba rito?" tanong naman ni Albert. "Ikaw ang commander, Albert. Sabihin mo sa akin kung mali ang ginagawa ko maliwanag?" Napangiti naman si Albert at muling napatingin sa 3D hologram image. "Tama ang ginawa mo," sagot niya. "Bravo to Echo, salubungin ang mga jet fighter. Walang pwedeng pumasok sa border ng Pilipinas." utos ni Albert. "Masusunod po, Commander," sagot naman ng heneral mula sa hologram screen. "Handa ka na ba Edward?" tanong ni Helena. "’Y-yong kotse ko..." Patuloy naman sa pagdadalamhati si Edward sa kanyang nawasak na kotse. "Papalitan ko 'yan ng mas maganda, basta gawin na natin 'to." "Hmm. Sige na nga." Muling umamba ng pag-atake ang mga sundalo sa panig ni Helena. Umamba rin ng pag-atake ang mga sundalo mula sa The Blood of One. Unang nagpaputok ang sniper mula sa kalaban at tinamaan sa ulo ang katabing sundalo ni Edward. Tinuro naman ng binata ang sniper na iyon kung saan ito nagtatago. Isang prototype ang agad na tumakbo nang mabilis patungo sa itaas ng isang puno ngunit isang laser beam ang agad na tumira mula sa kanyong nakatayo sa isang gilid ng Circle. Agad natunaw ang prototype at bumagsak lamang sa semento. "Malas!" bulyaw ni Edward. Agad namang tumakbo palapit si Helena. Tumira ang laser canon at madali siyang nakaiwas sa linya ng dinadaanan nitong pulang ilaw. Agad siyang nag-landing sa semento at muling sinugod ang sniper. Lumundag siya nang mataas at kinapitan niya sa magkabilang braso ang isang sundalo na may hawak na sniper. "AAAAHHH!!" Dinurog niya ang balikat nito at saka ihinagis sa pulang ilaw ng laser beam. Agad nasunog at tila naabo ang sundalong iyon. Pinaputukan naman si Helena ng mga sundalo sa paligid ngunit sinasayawan lamang ni Helena ang mga bala at sumisirko sa ere. "Ngayon na!" Gamit ang dalawang daliri ng kanyang kaliwang kamay ay itinuro naman ni Edward ang destinasyong pupuntahan ng mga prototype. Animo'y mga langgam na sumugod ang mga prototype na sumusunod lamang sa kanyang mga utos. Naglalakad lamang si Edward sa gitna nilang lahat at tinuturo niya ang lugar kung saan sila aatake. Una niyang pinapuntirya ang mga kanyon sa paligid. Nagsisunuran naman ang mga sundalo ng AFP at pinaputukan ang mga sundalong nakapaligid sa Circle. Pinagana na rin nila ang mga tangke at pinasabugan ang iba pang kanyon sa paligid. "Masyadong madali ang isang ito...hindi ako nag-eenjoy," pagmamayabang ni Edward habang nakasimangot.  Isang sundalo naman ang tinutukan siya ng baril mula sa malayo. Agad niya lamang naiwasan ang bala ng sundalong iyon. Bahagya lamang niyang iginilid ang kanyang ulo at pagkatapos ay itinuro ang sundalong nagpaputok ng baril. Dalawang prototype naman ang humangos nang mabilis na takbo patungo sa sundalo. Kinapitan ng isa ang dalawang braso nito at ang isa ay sumuntok na agad ikinabutas ng kanyang dibdib at ikinamatay. Ilang heli ship naman ang umangat mula sa gitna ng circle. Agad itong nagpaulan ng bala sa mga sundalong papasugod. "AAH!" "OOOH!" Naghiyawan naman ang mga sundalong tinamaan ng mga bala mula sa heli ship ng The Blood of One. Agad itong tinitigan ni Helena at sinugod ang heli ship na iyon. "What the?!" Nagulat naman ang isang sundalo nang daanan lamang siya nito. Tiningnan niya ang dalaga at tila namangha sa bilis ng kanyang kilos. Agad niya rin itong tinutukan ng baril at nagpaputok. Binaril ng isa pang sundalo mula sa panig ni Helena ang sundalong iyon at agad itong bumagsak. Nang malapit na si Helena sa heli ship ay agad niya itong nilundag. Bigla namang naglabasan ang ‘di mabilang na mga prototype mula sa ilalim ng base. Wangis-tao ang mga ito dahil sa kanilang mga rubber sheet na nakadikit sa kanilang mga katawan. Agad nilang kinapitan si Helena at akmang sisipain pa ng isa mula sa ere. Nanlaki na lamang ang mga mata ng dalaga nang malapit na ito sa kanya. Pumikit na lamang siya dahil alam niyang tatamaan siya ng sipa nito pababa ngunit isang prototype naman mula kay Edward ang sumuntok sa prototype na iyon. Nabutas ang balikat nito at ipinalo naman ng prototype na iyon ang katawan ng kanyang biktima sa iba pa. Agad ding kumawala si Helena sa pagkakakapit at pinag-untog ang dalawa pang prototype na nasa kanyang harapan. Sakto siyang bumagsak sa semento hawak ang dalawang walang malay na prototype. Nakita naman niya sa kanyang harapan si Edward. Tila sinesenyasan si Helena. Nakataas ang hinlalaki niya at nakangiti. Hinagis naman ni Helena ang isang prototype na kanyang hawak sa binata. "B-Bakit?!" tanong ni Edward. Umilag na lamang siya at sa likuran niya ay ang isang sundalong balak siyang saksakin gamit ang isang patalim ang tinamaan ng hinagis ng dalaga. "Ay...ehe-ehe. Pasensiya na. Wala siyang memory gene eh," sambit ng binata. Lumapit si Helena at inabot ang kanyang kamay sa kanya. Kinapitan naman ito ni Edward at tumayo mula sa pagkakahiga sa nagyeyelong semento. "Paano na lang kung ang lahat ng mga sundalo dito ay walang memory gene?" tanong niya. "Matagal na sana akong patay, Helena, pero ito ang sumpa ng MEMO sa akin. Ang ubusin ang mga kalaban na mayroong memory gene," sagot ni Edward. Napangiti na lamang si Helena sa kanya at muling tumingin sa gitna ng Circle. Patuloy ang madugong labanan sa paligid. Nagkakaroon na rin ng mga pagsabog sa gilid ng pabilog na parkeng iyon ngunit hindi pa rin sila tuluyang umuusad sa gitna ng base ng The Blood of One. *****   London - 2:15 PM - -20°C "How was it?" tanong ni General Vash Linford sa isang lalaking nakasalamin at tila naka-tuck in pa ang kulay puting longsleeves. Kabado siyang nakaharap sa isang hologram screen habang nagpipipindot sa kulay berdeng hologram keyboard. "The system can only be breached by breaking the firewall. Well, i-in this case...we will have to breach 17 firewalls just to hack the whole system," sagot ng lalaking iyon na tila mangatal-ngatal pa habang nakikipag-usap sa Secretary of Defense ng European Union. "I don't care. Just get that program or everything we worked for will fail!" bulyaw naman ng heneral. "W-well I-I'm sorry General, I can't do that. You see, breaching a strong firewall will take a week at least. In this case we have 17 firewalls. It may take us months or...or even a year just to hack the system." "DAMN!" napasigaw na lamang si General Linford dahil sa sobrang inis. Saglit siyang tumalikod at huminga nang malalim at sinusubukan niyang kalmahin ang kanyang sarili. "W-well, that is Subject 2. The logical upgrade. No one can deny, her ability is really astounding. She can even monitor us right now...if she wants to." Alanganing ngiti at ngiwi na lamang ang nagawa ng lalaking iyon habang kausap ang heneral. "Y-yes...that's right. Her only ability is logical. She's not even that strong to protect herself," wika naman ng babaeng heneral, na tila kinakausap niya ang kanyang sarili. "Uhmm...General?" "It's settled then. Go back to your station, I will handle this myself," utos ng heneral saka siya naglakad palayo. "General?" Isang sundalo naman ang dahan-dahang lumapit sa kanya. Nakababa pa ang kanyang baril habang naka-helmet ng kulay itim at naka-uniporme ng pang sundalo. "Aye?" "We have a situation." "We always have. What's new?" "The forces of the United States are in Turkey..." "Good...they have joined us then," wika ng heneral. Patuloy pa rin siyang naglakad palabas ng puting kwartong iyon at patuloy pa ring sumunod ang sundalong kanyang kausap. "N-no.. Ma'am. They are firing at our forces and the forces of North Korea." "What?" tila nagulat naman si General Linford at napatigil sa paglalakad. "This way, Ma'am," wika naman ng sundalong iyon. Nauna siyang maglakad at sumunod naman ang heneral. Sumunod din ang iba pang mga sundalo sa paligid. Dinala ng sundalong iyon ang heneral sa kanilang command center. Hindi pa ito ang permanenteng opisina ng kanilang pwersa dahil nakakalat pa ang ilang kagamitan sa paligid at nagkakagulo pa rin ang ibang mga staff at technical crew. Nakapatong lamang sa mga bakal na kahon at malalaking case ang mga hologram computer. "M-'ma'am?" wika naman ng isang babaeng nakaupo sa isang bakal na kahon at nagpipipindot sa hologram screen. Sa pagkakataong iyon ay tumayo na siya at hinayaan niyang makita ng babaeng heneral ang mga pangyayari sa Turkey. Nagkalat ang mga prototype sa paligid mula sa pwersa ng Amerika. Kapansin-pansing malalaki ang katawan ng mga wangis-lalaking prototype. Malalakas ang mga ito at animo'y binubuhat lamang nila ang mga sasakyan sa paligid at hinahagis sa kung sinuman ang bumabaril sa kanila. Sobrang bilis naman ng mga babeang prototype na iyon na tila pinaglalaruan lamang nila ang kanilang mga kalaban. Hati ang bawat pwersa sa mabuhangin ngunit nagyeyelong lugar na iyon. Walang kinakampihan ang pwersa ng America. Binabaril din nila ang mga sundalo mula sa European Union. Walang kaalam-alam ang mga ito. Sinasabayan nila sa pakikipagbarilan sa pwersa ng North Korea ang mga sundalong iyon ngunit bigla na lamang nilang tinatadtad ng bala ang mga sundalo ng European Union habang nakatalikod. "W-what is happening?" Nanlaki ang mga mata ni General Linford. Nanginginig pa siya habang pinagmamasdan na isa-isang namamatay ang kanyang mga sundalo. "F-four...FOUR! Are you watching this? What is happening?" bulyaw ng heneral. "I'm here. Just waiting for your orders." "You know what to do! Wipe them out...NOW!" utos niya. Mula sa isang mataas na lumang gusali sa Turkey, nakaupo ang isang prototype na kulay asul at itim. Nakatatak sa dibdib nito ang numerong '4'. Nakabalabal ito ng kulay puti na natatakpan ang kanyang ulo at tila nilalaro lamang niya ang kanyang espada sa kanyang kanang kamay. Namatay ang hologram screen sa kanyang kaliwang bisig at itinayo niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang espada. Tinutok niya ang talim sa semento at siya'y tumayo. Umilaw naman ang kulay pula niyang mga mata. Sa ‘di kalayuan kung saan siya nakaharap ay makikita ang isang malaking apoy at ang makakapal na usok. Ito ang border ng Turkey. Binarikadahan na ito ng pwersa ng Europa ngunit nagdadatingan pa rin ang pwersa ng Amerika sa loob ng border. Inakala naman ng mga sundalo na kakampi ang pwersa ng Amerika sa kanila ngunit bigla na lamang silang tinadtad ng mga bala at nagpakawala pa ng daan-daang mga prototype. Agad tumungtong si Mark sa dulong bahagi ng gusaling iyon. Inikot niya ang kanyang espada sa likod. Ilang bakal naman ang nagsara sa kakapitan ng kanyang espada. Tumalikod siya at itinaas ang kanyang mga kamay. Nag-free fall siya hanggang sa maabot ang ibaba ng gusali. Naglapat ang kanyang kaliwang tuhod at kanang paa sa lupa nang maabot nito ang kanyang babagsakan. Isa pang heli ship mula sa pwersa ng Amerika ang dumating. Alam na ng ilang sundalo mula sa European Union na hindi kakampi ang mga ito sa kanilang laban kaya't isang rocket launcher ang nilabas ng isang sundalo at pinatamaan ito. Sumabog ang heli ship na iyon at nagbagsakan ang ilang mga piraso sa paligid ni Mark at isang sundalo naman ang babagsak malapit sa kanya. Agad niyang inangat ang kanyang kanang kamay at kinuha ang kanyang espada. Itinutok niya iyon paitaas at nasaksak naman ito. Sumirit na lamang ang dugo sa kanyang balabal at tila nahugasan ng pulang tinta ang magkabilang dulo ng kanyang espada. Agad niya rin iyon ibinagsak sa lupa at winasiwas paikot ang kanyang armas. "How would you like me to play this game?" tanong niya. "I want c*****e. Devour them all. No one should be left alive!" nanggigigil namang tugon ni General Linford. Tila nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang pinapanood ang mga pangyayari. Napapaluha rin siya sa sobrang inis. "It's been awhile since I felt your rage, General," wika ng prototype. Agad siyang tumakbo nang mabilis. Isang sundalo ang nasa harapan niya at agad niyang hiniwa ang paa ng sundalong iyon. "AAAHHHHHH!!!" Napasigaw na lamang siya sa sakit at napahiga sa sahig. Agad siyang sinaksak ni Mark sa dibdib at tinuluyang kinitilan ng buhay. Isa pang sundalo ang sumugod sa kanya matapos patayin ang isang miyembro ng European Union. Umikot ang Subject 4 mula sa kanyang pwesto at sa isang iglap ay natanggalan ng ulo ang sundalong iyon. "N-no. No. NO!" Isang sundalo naman mula sa kanilang pwersa ang nagmamakaawa. Nakahiga ito sa nagyeyelong parte ng lupa habang gumagapang palayo sa isang wangis-lalaking prototype na malaki ang katawan. Buhat-buhat pa nito ang isang malaking piraso ng bakal at ihahampas sana sa sundalong iyon. Agad tumakbo si Mark nang mabilis. Sakto niyang nasangga ang malaking piraso ng bakal gamit ang kanyang espada nang ipalo na ito sa biktima ng prototype. Tila nanginig pa ang mga braso niya dahil sa bigat ngunit hindi niya iyon ininda. Muling inangat ng prototype ang bakal para ihampas pa nang mas malakas ang kanyang hawak. Umikot naman at lumuhod si Mark habang nakausli ang kanyang espada. Nagspark naman ang tiyan ng prototype na iyon at unti-unti ay na-off balance. Dahan-dahang tumayo si Mark at muling tumalikod upang tingnan ang kanyang kaaway. Nakakakilos pa ito at inangat niya ang kanyang espada at itinusok sa ulo ng prototype. "Th-thank you, S-sir Dimitri," wika naman ng sundalong nakahiga sa lupa. "Go and tell the others to fall back. I will handle this alone," utos naman ng prototype na si Four. Inangat niya ang kanyang espada at saka naman tumakbo palayo ang sundalong kanyang tinulungan. Isang babaeng prototype naman ang humahangos ng takbo patungo sa kanya. Malayo pa lamang ngunit nakikita na niya ang pagkaripas ng takbo ng prototype na iyon. Tumingin si Mark sa paligid at nakita ang isang mahabang bakal na kadena sa gilid ng nakatayong base camp. Agad niya iyon hinila ngunit nakakabit ito sa isang sumabog na hover truck. Hinagis niya na lamang paitaas ang bakal na kadenang iyon para sumabit sa isang sirang radio antenna. Tinanggal niya ang kanyang balabal at ipinangkapit naman niya sa kadenang hawak. Hinintay niya ang prototype na iyon at nang malapit na ay agad siyang umilag. Pinulupot niya sa ulo ng prototype ang kanyang balabal. Sinunod niyang ipulupot sa leeg nito ang bakal na kadena. Hinampas niya ang kadenang nakalapat sa pader ng base camp. Nahulog naman ang ibang parte ng sumabog na hover truck at nagsilbi itong pabigat. Isang senaryo ang nakita ng lahat. Nagpupumiglas ang prototype na iyon habang nakatakip sa kanyang ulo ang balabal na puti at nakabitin na parang nagpapatiwakal. Hinahawakan nito ang bakal na kadena sa kanyang leeg na sinusubukan iyong sirain. Isang sundalo naman mula sa Amerika ang agad na sumugod sa Subject 4 gamit ang isang handgun. Nagsisisigaw siya at ipinuputok niya ang kanyang baril habang tumatakbo patungo sa kanya. Tumatama lamang ito sa dibdib ni Mark ngunit hindi man lang ito nagalusan. Ihinarang niya na lamang ang kanyang espada. Nasaksak sa tiyan ang sundalong iyon at inagaw niya ang handgun. Ipinutok niya iyon sa ulo ng nagpupumiglas na prototype na nakabitin at pagkatapos ay hindi na ito kumilos. Nanlaki naman ang mata ng mga sundalo sa paligid dahil sa kanilang nakita. Tila nakabitin na lamang ang patay na prototype na iyon. Mistulang tao ang makikita dahil sa puting balabal na nakakumot sa kanyang mukha, sumasayaw lamang ito nang pakaliwa at pakanan at walang malay na sumasabay sa kilos ng hangin. *****   "Nixon! you will pay for this!" bulyaw ni General Linford matapos lumabas ang imahe ng presidente ng Amerika sa hologram screen na kanyang tinitingnan. "Well, what do you know? Peace has collapsed over our creed. Let's just be fair, Linford. I will stop these attacks, just let me be sure that the program will be mine," wika ng presidente. Napangiti naman si General Linford sa kanyang narinig. "No. That is the answer. We will get that program, Nixon. And no one can threaten our force, including you, and The Blood of One." Tila natuliro naman si President Robert Nixon sa kanyang narinig. "Do you think you can fool us, Mr. President? The organization who needs the program is creating thousands of remote controlled soldiers for you. The only thing they need is the program, to kontrol them. Am I right?" tanong ng babaeng heneral. Hindi na nakapagsalita pa ang presidente ng Amerika. "I don't think can win this battle, Mr. President. Helena will not even try to hand it over to you. Better try your luck," galit na tugon ng babaeng heneral. Agad niyang pinatay ang hologram screen. "Alert the forces. We will attack Amerika. Any state or country who interferes with us will be our enemy. Understand?" wika ni General Linford.   "Yes General," sagot naman ng iba pang mga sundalo. "Ma'am, our ship is ready," wika naman ng isa pang sundalo. "Good, make sure that we stay low profile while flying to the Philippines. I will end this!" sagot naman ni General Linford.  Naglakad siya palayo kasama ang iba pang mga sundalo. Automatic na bumukas pagilid ang malabong salaming pinto ng malaking kwartong iyon at nagpatuloy pa rin ang pag monitor ng buong staff ng command center sa mga pangyayari sa Turkey.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD