Chapter 16: The Unexpected (Ang 'Di Inaasahan)

3213 Words
"It is an unfortunate fact that we can secure peace only by preparing for war."   -John F. Kennedy   Isang heli ship ang lumapag sa isang heli pad sa tuktok ng isang mataas at abandonadong gusali sa Bulacan. Nakailaw ang paligid nito ng neon green upang makita ng piloto ang kanyang lalapagan. Naglundagan naman palabas ng heli ship na iyon ang mahigit dalawampung prototype. Agad pumila ang mga ito na nakaharap sa bababaan ng heli ship. Umakyat naman si Layla sa heli pad. Inunahan niya ang mga prototype at pumuwesto sa harapan. Hinahangin pa ang dilaw niyang buhok habang nakasuot ng isang kulay puting jacket. Muli na namang umuulan ng nyebe sa pagkakataong iyon. Nang lumapag ang heli ship at bumukas ang hatch ay tulalang bumaba si Edward. Agad humangos ng takbo patungo sa binata si Layla at siya'y niyakap. Malakas ang kabog ng dibdib ng binata at tila nanginginig pa ang kanyang kalamnan. "A-ayos ka lang ba Edward?" tanong ni Layla, halata sa mukha niya ang labis na pag-aalala. "P-papatayin niya ako, Layla. H-hindi siya matatahimik hangga't hindi iyon nangyayari. Iyon lang ang dahilan niya para mabuhay gamit ang katawan na iyon," wika ni Edward. Tila naninibago naman si Layla dahil sa ilang taon niyang kasama si Edward ay ngayon lamang siya natakot nang husto. Inakay niya si Edward pababa ng hatch at pababa ng hagdan. Agad namang sumunod ang piloto ng heli ship na iyon na kanila ring sundalo. Maging ang mga prototype ay sumunod din sa kanila. ***** "Buhay ang Subject 4, 'yon ang malinaw," wika ni Layla sa harap ng isang hologram computer. "A-ano?!" Nabigla naman si Helena sa kanyang sinabi maging ang mga staff at ilang sundalong nasa loob ng Malakanyang. "Mahabang kwento, Helena. Marami ang nangyari noon sa ilalim ng European Union. Mga nangyari na maaaring hindi pa nabanggit sa 'yo ni General Vash Linford." "Pero ano ang dahilan? Bakit siya nagpakita?" tanong naman ni Helena. "Para patayin ang Subject 1. At protektahan ang kung ano pa mang natitira sa MEMO," sagot muli ng dalaga. "Si Edward? Bakit?" "Matagal na iyon nangyari. Gustong himukin ni Edward ang mga natitirang subject experiments. Gusto niyang buksan ang mga mata namin sa totoong adhikain ng MEMO. Bagay na hindi niya nagawa kay Subject 4 dahil mas naniwala siya sa MEMO. Ibinigay nila ang gusto niya para makaganti at para mabuhay ulit. Nabuhay na lang siya sa kasinungalingan," paliwanag niya. "Pasensiya na pero...ayaw ni Edward na humarap sa kahit na sino sa ngayon. Hindi siya makausap nang maayos. Ngayon ko lang siya nakitang takot na takot. Marami siyang nakita. Nakita niya ang dinanas ng Subject 4. Isang malalim na dahilan kung bakit siya gustong patayin nito. Ganoon na lang ang takot niya," dagdag pa niya. "Ang mahalaga ay nagawa niya ang kailangan niyang gawin," sagot naman ni Helena. "Oo. Nailipat niya ang signal ng satellite sa TV Station na iyon at mare-receive lamang ng system ng Malakanyang," wika ni Layla. "Ibig sabihin handa na ang lahat," wika naman ni Albert. Agad siyang nagtungo sa 3D blueprint. Kitang-kita ang malinaw na live feed ng mga maliliit na tao at iba pang bagay sa buong lugar. "Magsesend pa ako ng ilang data para sa iba pang 3D image. Hindi lang ang lugar na iyon ang dapat ninyong tutukan. Maging ang Malakanyang at ang iba pa. Magsisilbing command center ang buong techno hub. Kami naman ang bahala sa komunikasyon at ang mga back-up. Mayroon na lang tayong 28 hours," paliwanag ni Layla. "Hindi ako papayag na ibigay ang MCM Program na 'yon. Maliwanag ba Layla?" tanong naman ni Helena. "Maliwanag. Ligtas ang program." "Magaling," sambit ng dalaga. Matapang ang kanyang mukha habang nakatingin sa 3D image blueprint na nakalatag sa salaming mesa. Umangat naman ang isa pang mesa sa kaliwa at ang isa pa sa kanan. Pinakita naman dito ang blueprint ng Malakanyang at sa isang mesa naman ay makikita ang kabuuan ng mga kalye sa Metro Manila at ang iba pang lugar. Sky view ito mula sa itaas at nakikita ng satellite ang lahat kahit na nagsisimula nang kumapal ang mga butil ng niyebe na bumabagsak mula sa kalangitan. ***** "Madness isn't your best choice. Aye?" sambit ng isang babae. May kalakihan at kalaliman ang boses niya habang nakaharap sa isang bintana. Napapalamutian ang bintanang iyon ng kulay pulang makakapal na kurtina at tila nanlalabo naman ang paligid ng salamin ng bintanang iyon dahil sa lamig. Patuloy pa rin ang pag-ulan ng niyebe sa labas. Isang hologram computer naman ang nakabukas at iyon lamang ang nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. "Forgive me. I failed," wika naman ni Mark. Mula sa isang tuktok ng gusali ay nakatayo siya. Nakaangat ang kanyang kaliwang bisig at doon naman ay lumalabas ang video call ng kanyang tinawagan. "You see, Four. No goals can be reached if you keep your madness and nonsense desire burning. I warned you. This isn't the time. Now they know that you exist. They will be even more ready for you than their enemy," wika naman ng babae. Dahan-dahan siyang humarap ngunit natatakpan ang kanyang mukha ng anino. Hawak niya ang isang baso ng red wine habang nakatitig kay Mark. "We are still their enemy. As long as the memory gene exists, we will still rule them all." "How would you do that? Tell me." Isang lalaki naman ang pumasok sa loob ng kwartong iyon. Hindi rin makita ang kanyang mukha dahil sa sobrang dilim. Tumawid lamang siya kung saan nakatayo ang babae. "I will get that program. That is my mission," sagot naman ni Mark gamit ang computer-generated audio. "You've been discovered, Four. There's no sense in hiding since we will reveal ourselves soon. This mission will be harder for you. That is your punishment for being hasty." Agad namang lumapit ang babaeng iyon. Unang tinamaan ng ilaw ang kanyang boots na kulay itim at mayroon pang mataas na takong. Sumunod ang kulay fatigue na palda. Sumunod naman dito ang kanyang unipormeng sinabitan at dinikitan ng iba't ibang medalya. "Do you understand?" tanong niya. "Yes, General Vash Linford. I understand," sagot naman ni Mark. "Good," sagot ng babaeng heneral. "America will start a war using The Blood of One. North Korea is almost here. They had violated our deal. It's time to eliminate them. We need you here, Four," wika naman ng lalaki. Lumapit din siya at nakita ang isang lalaking naka-long sleeves ng asul at itim na slacks. Ayos na ayos ang kanyang maikling buhok habang nakaharap sa hologram monitor. "Yes, Sir Wellington. It will be my pleasure to eliminate them all," sagot ni Mark. Ang European Prime Minister ang kanyang kausap sa pagkakataong iyon na si James Wellington. Agad namang namatay ang hologram screen matapos ang kanilang maikling pagpupulong. "We have to divert all attacks to America. We will use North Korea to do that," wika ni General Vash Linford. "And how about the Philippines?" tanong naman ng European Prime Minister. "Philippines is still under our control. We will use their anger to The Blood of One. After all, they are allies with America," tugon ng heneral. "I love the plan. But I fear soon that they will discover who we are." "They already have. Subject 1 can read minds. If Subject 4 is still loyal to MEMO, they will conclude that we are still an organized institution. It will lead them to us," paliwanag ni General Linford. "Then we have to dispose them. Soon." "That would be the hard way. They have Helena, Subject 2: Layla, and Subject 1: Edward. This war is impossible to be won. All we have to do is to make them believe that we are allies. They will create war for us," sagot naman ng heneral. Napangiti naman ang prime minister at tumingin sa kanya. "Smart move. But make sure that Helena dies in the end. I cannot forgive her. Since Johan is already dead. She will bear the weight of my revenge. The death of my son, Jonas, will never be in vain," wika ng prime minister. Tila napuno siya ng poot na puminta naman sa kanyang ekspresyon. Salubong ang kanyang mga kilay at dala-dala ang matinding galit dahil sa pagkamatay ng kanyang anak na si Jonas. "It will be done when the time is right. For now, we have to use her as a weapon to our enemy," sagot naman ni General Linford. "The same plan MEMO had eight years ago. But I don't care. I just want her dead." Umalis ang prime minister sa kwartong iyon. Binuksan niya ang kahoy na pinto at saka lumabas. Naiwan naman si General Vash Linford sa loob ng kwarto. Muli siyang nagtungo sa bintana ng kwarto at uminom ng kaunting red wine. "I'm sorry, Helena. MEMO can't give up just yet. The alliance of this world will soon be broken. I hope you could see that. And I hope you are ready," bulong niya. *****   "Ang buong pwersa ay handa na. Utos mo na lang ang hinihintay," wika ni Albert. Kausap niya si Helena sa techno hub na ginawang command center ng buong pwersa ng Pilipinas. Mula naman sa mga hologram screens ay makikita ang iba't ibang kuha ng mga media at ng mga CCTV camera sa buong Circle. Makikita din dito na unti-unti ring naglalabasan ang mga sundalong nakapila at nakauniporme ng itim at puti. Nakahanda na rin ang ilang built-in cannons sa paligid ng malaking pabilog na plaza. "Nasa 'yo ang bawat desisyon, Albert. Pinagkakatiwalaan kita," sambit naman ni Helena na sa pagkakataong iyon ay nag-aayos ng kanyang itim na gwantes. "Helena, sa tingin ko ay kailangan ninyo itong makita." Bumukas naman ang isang panel ng hologram screen at doon ay makikita ang mukha ni Layla. Mula naman sa main screen ng techno hub ay makikita ang kalunos-lunos na pangyayari sa border ng Turkey at Iran. Gamit ang pang-lupang transportasyon ay sinugod ito ng mga sundalo mula sa North Korea ang Europa. Pinagbababaril lamang nila ang mga madaanang tao sa loob ng bansang Turkey. Nagsidapaan ang ibang mga walang kalaban-laban. Nagdatingan ang mga sundalo mula sa European Union at binarikadahan ang buong lugar. Walang takot namang sumugod ang napakaraming sundalo mula sa North Korea. Ilang prototype din ang dala ng mga ito at tila hindi ito napaghandaan ng gobyerno ng Europa. "Ano’ng nangyayari?" gulat na reaksyon ni Helena. "Ang pag-atake ng North Korea ay umabot na sa Europe. Iyon talaga ang target nila." "P-pero hindi ito pinayagan ng North Korean President? Paano ito naging posible?" tanong naman ni Maria. "May kakaibang nangyayari dito. Hindi ko maintindihan pero alam ko, may mali dito." "Wag mong sabihing sinuportahan na ng North Korean Government ang kanilang mga aksyon. Hindi ito pwede. Magsisimula sila ng mas malaki pang gulo," tugon naman ni Albert. "Hindi iyon ang tinutukoy ko. Ang kahandaan ng European Union. Kumalat na ang balita sa pag-atake ng teroristang grupo na ito sa North Korea pa lang. Bakit hindi nila ito napaghandaan?" sagot naman ni Layla. "Dahil ang alam nilang aatakihin ay ang Pilipinas dahil sa MCM Program, tama ba?" tanong naman ni Albert. "Hindi. Matalino si General Linford. Hindi niya hahayaang makapasok ang kahit na sinumang kaaway sa border ng Europe. Tingin ko ay may iba silang binabalak." "A-ang MCM Program. Kung kailangan din nila ang programang iyon ay bakit nila inatake ang Europe at hindi tayo?" tanong naman ni Helena. "Hindi rin nila kailangang humingi ng tulong sa Pilipinas dahil masyado ring maliit at mas mahina ang pwersa natin kumpara sa kanila," sagot naman ni Layla. "Inaasahan nilang makikialam tayo sa gulong 'yan, 'di ba?" tanong ni Helena. Napatingin na lamang ang lahat sa kanya. "Dahil sa kakampi nila tayo ay inaasahan nila ang tulong natin," dagdag pa niya. "Pero kung gagawin natin 'yon ay mangangaunti ang pwersa natin. Ano ang magiging desisyon mo?" tanong naman ni Albert.   "Hindi ako kaagad maniniwala sa sitwasyong 'yan. Pasensiya na. Hindi ko alam kung palabas lang ang lahat." Tila napakunot-noo naman ang lahat at tumingin kay Layla. "Hindi ganito kumilos si General Linford. Kilala ko siya," wika naman ni Layla. "Kung ano pa man ang nangyari, maghihintay muna tayo ng utos mula sa kanya. Kung kailangan niya ng backup ay saka na lamang tayo magpadala," sagot naman ni Helena. "Ahmm, Helena. Tingin ko ay kailangan mo rin itong makita," sabat naman ni Professor Marco. Nag-iba naman ang reception ng hologram screen at dinala ang kanilang panonood sa Amerika. "...The United States has declared its defensive state after the kidnapping of the wife and children of President Robert Nixon. The Department of Defense suspected that one of the organizations seeking for the MCM program is behind the kidnapping." Isang balita ang kanilang natunghayan. "...an open speech was sent to us an hour before. Let us hear our President," wika ng reporter. "Citizens of America and of the world. Truly it is alarming to know that the MCM program is beginning to destroy our creed and our peace among countries. Once again it became a threat to us...pertaining to...to my family and also to your families. This organization...who...who kidnapped my family wants the MCM program. They are threatening me...they...they will kill them. The only option is the program. They need it. You may call me selfish but, anyone whose family is in danger will do everything to save them. To the Philippines. We need the program. Please surrender it to me. I know you are listening and I know that the program is in your hands. Any means of force will be used to obtain that program. I'm sorry." Nanlaki ang mga mata ng mga tao sa Malakanyang dahil sa napanood. Live telecast iyong pinapalabas sa buong bansa. Lalong nabalot ng takot ang mga tao sa kanilang mga kabahayan. "A-ano bang nangyayari?" tanong ng isang babae mula sa isang tahanan habang mangiyak-ngiyak na pinapanood ang balitang iyon sa kanilang telebisyon. Tila napaluha naman ang iba pa niyang mga kasama sa bahay. "M-magulo na naman ang sitwasyon...ano na ba ang nangyayari sa atin? Bakit hindi pa kumikilos si Helena?" tanong naman ng kanyang asawa. "Nagkumpulan naman ang mga tao sa paligid ng isang malaking hologram billboard sa NMRT. Pinapanood din nila ang balitang iyon. Napatakip na lamang ng bibig ang iba at ang iba naman ay napaluha. Nagsimulang magpanic ang mga tao at unti-unting umatras at tumakbo palayo upang makauwi nang maaga sa kanilang mga pamilya. "N-Nagsisimula siya ng giyera? Ano bang nangyayari?!" bulyaw naman ni Albert.     "Ang pangyayari sa Turkey. Siguradong may kinalaman din ang pangyayaring ito sa kanila. Sasabog nang muli ang giyera sa buong mundo," tugon naman ni Layla. Napakapit na lamang si Maria sa kanyang braso habang mangiyak-ngiyak sa kanyang napapanood na balita. "Sasabog ang giyera. At ano ang mangyayari sa atin? Maiipit tayo sa gulong ito!" bulyaw naman ni Helena. "Mukhang kailangan mong pakawalan ang program na iyon, Helena. Iyon lang ang tanging paraan para matapos ito," wika naman ni Professor Marco. "At ano propesor? Kapag napunta sa maling kamay ang program, pwede niyang kontrolin ang buong mundo!" "Pero iyon lang ang paraan para matapos 'to. Kung maibigay man ang program sa organisasyong tinutukoy ni Nixon, baka makapagplano pa tayo ng susunod na gagawin," sagot ng propesor. "Hindi magiging posibleng kontrolin ang mga tao dahil si Johan lang ang makakagawa no’n. Nakalimutan niyo na po yatang wala na siya," sagot naman ni Helena. Natahimik na lamang ang propesor dahil sa kanyang sagot. Napailing na lamang si Layla mula sa hologram screen, napangiti nang bahagya at muling tumingin sa kanyang hologram computer. *****   "Sweet move, Mr. President. That's the way it should be." Mula sa base ng The Blood of One ay kausap ni Dr. Matthews Konning ang presidente ng America. Tila nanginginig pa siya dahil sa pinaghalong galit at takot. "Release my family, Konning! I'm warning you!" "I will, after you get that program for me. And if you get it, please. Send it to me," utos naman niya. "You're insane! You can't control everyone because Johan is already dead!" bulyaw naman ng presidente. "Just do it, Mr. President. Your family will be safe as long as you obey me. Now, for your next move. Will you kindly get your soldiers to Turkey? Kill every European soldier and detonate your bombs at their battle stations. Will you do it to save your family?" tanong naman ng doktor. "Are you trying to create a world war, Konning? ‘Cause if you do, I won't tolerate it!"       "War is the start of progress, Mr. President. Believe me.” "N-no, this can't be happening!" "Your family? Or the world, Mr. President? It's your choice." Pinutol ni Dr. Konning ang kanilang usapan. Naiwan namang tulala at tila pinagpapawisan nang malamig ang US president. Gulung-gulo na ang kanyang isipan. Alam niyang may kaukulang kaparusahan mula sa ibang bansa ang kanyang ginagawa na ipinag-uutos naman ng dating kaibigan. Tumayo na lamang si Dr. Konning mula sa mechanical chair. Mula naman sa kanyang likuran ay bumukas ang isang bakal na pinto. Makikita sa loob ang daan-daang mga taong nasa loob ng isang tangke ng asul na tubig. Pumasok siya sa loob at umilaw naman ang mga glass container na iyon. Sa dulo naman ng lahat ng container ay may nag-iisang bukod-tangi sa lahat. Nag-iisa lamang siya sa gitna. Automatic ding bumukas ang ilaw nang malapit na siya sa container na iyon.  Isang lalaki ang nakababad. Tila natutulog lamang at lumulutang sa loob ng glass container na may lamang asul na tubig. Mayroon siyang tubo sa kanyang bibig bilang daluyan ng oxygen. Sa dibdib naman niya ay makikita ang ilang maliliit na mechanical arm. Tila ginagamot ng mga ito ang isang malaking sugat sa dibdib ng lalaki. Napalitan na rin ang ilang bahagi ng kanyang dibdib ng bakal upang suportahan ang kanyang puso sa pagtibok. Makikita naman sa gilid ng container ang isang maliit na hologram screen. “Healing Process, 87%.” “Estimated Time of Recovery - 2 day(s) - 3hours - 52 minutes.” Iyon ay ilan lang sa mga nakalagay na impormasyon sa hologram screen. Makikita pa ang ibang impormasyon; ang kanyang vital signs, ang kanyang heartbeat, paghinga at blood pressure. Lahat ng ito ay unti-unting nagiging normal. "Sir, the forces of Helena are starting to invade our perimeter," wika naman ng isang sundalong kakapasok lamang sa loob ng malaking basement na iyon. "So it started. They have decided to fight rather than giving up the program to save humanity. What a heroic move, my daughter. Prepare all the soldiers and our remaining prototypes. We will expand our grounds." "Yes, Sir!" sagot ng sundalong iyon at tumakbo siya palabas ng basement. "As for you..." wika naman ng doktor at muling tumingin sa glass container na nasa kanyang harapan. "You will soon face the world again. I have given you plenty of choices to decide. I hope you will choose what is greater for mankind, fallen hero," wika ng doktor. Patuloy pa rin ang pagbula ng hangin mula sa bibig ng binatang iyon dahil sa kanyang oxygen mask. Matapos ang ilang segundo ay lumabas na rin ang doktor. Muling namatay ang ilaw sa ilalim ng glass container na iyon. Maging ang ibang ilaw ay muling nagsara. Nabalot ng kadiliman ang buong lugar. Matapos naman ang ilang segundo ay binuksan ng binatang iyon ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD