Chapter 15: Eternal Fear (Walang Hanggang Takot)

5409 Words
"When truth is replaced by silence, the silence is a lie."   -Yevgeny Yevtushenko   "Tumayo ka, Four," utos ni Edward. Patuloy na nakaluhod gamit ang isang tuhod si Mark Dimitri sa semento. Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang mga kamay sa kanyang memory gene ngunit panaka-naka’y naaalala niya pa rin ang malaking pagsabog na naganap sa Paris, France. Iba naman ang nakikita ng katawang prototype ng Subject 4. Nakasulat ang mga kakaibang letra sa screen nito: “Detecting Language...” “Downloading from the world wide web...” “Country: Philippines.” "S-Sinungaling ka Victor..." Isang computer-generated audio ang narinig ni Edward mula kay Mark. Kinuha niya ang kanyang espada na hitsurang samurai. Muli namang tinutok ng prototype na dala ni Edward ang kanyang sniper. "Hindi ko na alam kung ano ang nangyari matapos ang lahat. Basta na lang pumunta sa akin si Layla. Hindi na niya ipinaliwanag kung ano ang nangyari. Nabasa ko na lamang sa iniisip niya," wika ni Edward. *****   "Get him on the heli ship quickly!" bulyaw ni Dr. Freuch. Ang pwersa ng militar at ang iba pang kapulisan ay nasa ibaba ng gumuhong gusali. Tila naging warzone ang lugar na iyon. Nagdatingan naman ang ilang mga kamag-anak ng mga nasawi. Nag-iiyakan ang mga ito at humahagulgol sa labas ng dilaw na kurdong nakapaligid sa gumuhong gusali. Ang ilang mga medic naman ay inaakay ang isang lalaking sunog na sunog. Sunog ang dalawa niyang paa maging ang kanyang kanang kamay. "NOOOO! NOOO!" Hindi naman maawat sa pagsigaw ang lalaking iyon habang nakahiga siya sa isang stretcher na binibitbit ng buong medic team upang isakay sa heli ship. "Is he the only survivor?" bulong ng doktor sa isang pulis na nakauniporme ng kulay itim at puti. "There are other five civilians, Sir. All of them are in critical condition," bulong din ng pulis. "Good. Kill them all. Make it look like they never made it alive. All witnesses must be eliminated or everything will be wasted." "Y-Yes, Sir," tugon naman ng pulis. Agad siyang pumasok sa dilaw na kordon at kinausap ang iba pang mga kasama nito. "How is he?" tanong naman ng doktor sa isang medic. Dahan-dahan namang inaakyat ang lalaking iyon na nasunog sa heli ship na nasa ere gamit ang ilang kable na nakakabit sa apat na sulok ng stretcher. Automatic itong umaangat dahil sa tali na nakakabit sa makina sa itaas. "He suffered a third degree burn. We would have to cut his legs and his right arm, or we should give him another body to transfer his memory gene," sagot naman niya. "No, don't give him another body. Give him a life support," utos ng doktor. "B-but Sir...he..." "I don't care what happens. Just give him a life support. He must forget everything that has happened here. Do you understand?" tanong ng doktor. "Yes, Sir." Upang hindi na humaba ang diskusyunan ay iyon na lamang ang sinagot ng medic. Agad namang sumakay si Dr. Freuch sa isang magarang hover car kasabay ang ilan pang mga sundalo. Tila convoy ito dahil lumipad rin patungo sa iisang direksyon ang mga heli ship at saka lamang umandar ang hover car na kanyang sinasakyan. *****   Mula naman sa laboratoryo ng MEMO ay makikita ang isang kwarto. Salamin ang malaking bintana nito na naghihiwalay sa mga taong tinutunghayan ang pag-oopera kay Mark. Hiwalay pa ito sa kabuuan ng laboratoryo. May tatlong doktor sa loob ng kwartong iyon habang si Dr. Freuch naman ay nanonood mula sa labas kasama ang isa pang doktorang naka-medical mask.   Bahagyang nakatayo at nakahiga ang pwesto ni Mark habang siya'y inooperahan. Sa pagkakataong iyon ay wala na ang kanyang mga paa at maging ang kanyang kanang kamay. Tuluyan na itong pinutol alinsunod sa utos ni Dr. Welder Freuch. Nilagyan na lamang siya ng benda ng mga doktor sa kanyang mukha, sa kanyang naputol na braso at sa mga paa. Kitang-kita naman ang pagluha ng binata habang nililinis ang kanyang mga sugat. Hindi na siya makilala dahil sa sobrang pagkalapnos ng kanyang mukha. Halos dumikit pa ang kanyang labi sa ilalim ng kanyang baba. Patuloy ang kanyang pag-ungol sa bawat pahid ng gamot sa kanyang katawan. Nang matapos ang pagpahid ng mga gamot at paglalagay ng benda ay agad ding lumabas ang tatlong doktor. Bago tuluyang lumabas ang mga doktor ay tila umusok muna sa loob ng kwartong iyon. May halong gamot ang usok na iyon upang matanggal ang mikrobyo na maaari nilang makuha galing kay Mark. "Decontamination Activated," wika naman ng isang computer-generated na boses. "Were done, Sir," sambit ng isang doktor. "Good...leave us," utos ni Dr. Freuch. Agad namang nagsilabasan ang mga doktor na iyon sa loob ng kwarto at naiwan lamang si Dr. Freuch at ang Subject 4. Tanging salamin na harang lamang ang naghihiwalay sa dalawa. "Mark?" Agad namang tumingin si Mark kung saan nakatayo ang doktor. Tila bumuhos ang mga luha ng binata nang makita siya. "I know how it feels. To lose the one you love, to lose a friend..." "Y-You don't know what I feel. You don't know my sorrow. All you know is your business, your money, a-and ma-manipulating everyone," sagot naman ng binata. "What are you talking about? You are here Mark. I saved you. Your memory gene isn't damaged at all. Can you believe that? You will still live," paliwanag ng doktor. "Th-The attack. You planned this. You want to d-d-destroy us all because w-we know the t-truth." Kahit na nahihirapang magsalita ay pinilit pa rin ni Mark para lang komprontahin ang doktor. "No. It's not me, Mark. Why would I sacrifice my best men?" Napakamot na lamang ng noo ang doktor at naglakad nang kaunti. Tila nadismaya siya sa kanyang narinig. Isang hologram stick namang nakabukas at nakapatong sa isang mahabang upuan ang kinuha ng doktor. Binasa niya iyon at muling humarap sa binata. "W-we found out that the terrorist group was not a group. It's just him. Subject 1. Victor Torres. He used some prototypes to take over the whole building..." "YOU'RE LYING! YOU'RE LYING!! NOOOO!!" sigaw naman ng binata habang patuloy na lumuluha. Sinusubukan niyang igalaw ang kanyang katawan ngunit wala siyang nagawa dahil bawat paling niya ay sakit lamang ang kanyang nararamdaman. "Sshh. Sshhh...l-listen to me, Mark. How did he know where those bombs came from? And how did he know about the whole place? He is under manhunt for 61 years. How would he know a place that he has never gone to before? It was his plan to...to confuse you. He wanted you and Three to be on his side; to take revenge against me," paliwanag naman ng doktor. Bahagya namang kumalma si Mark ngunit patuloy pa rin ang kanyang luha sa pag-agos at patuloy pa rin siya sa pagsigaw. "Y-you're lying...huhu...you're lying," panaghoy ng binata. "Mark, I gave him what he needed. I gave him everything. Look what he did to the company? He just wanted the program. After receiving that telepath program, he has gone mad," wika ng doktor na tila pailing-iling pa at hinahawakan ang kanyang noo. "H-he can't control his ability, Mark. The ability controls him. He's crazy. He wants to create a real mess and now look what happened. H-he even said that the real server is in MEMO? Layla can't find it. So why MEMO? I can't kill anyone, Mark. Look at this," sambit ng doktor habang pinapakita sa binata ang hologram stick na kanyang hawak. Makikita dito ang isang live news telecast na nagre-report sa pinangyarihan ng delubyo. Nilalabas ng mga medic ang mga katawan ng ilang mga bangkay na sunog na sunog at hindi rin makilala. "Look, Mark. Do you think I would do this? The memory gene is for the people. I have created it because the people needed it to live. Why the hell would I do this Mark?" bulyaw ng doktor. Sa pagkakataong iyon ay tila mas naging kalmado ang binata habang nakatingin sa kanya. "You are the only survivor in this catastrophe. I saved you and yet you gave me this nonsense accusation." Muling naglakad ang doktor at tumalikod sa kausap. "W-where is he? Where is Victor?" tanong ng binata. "He's gone. After what happened, he's gone and I don't know what kind of crazy activity he would do next," sagot ni Dr. Freuch. "I want him..." tugon niya. Napangiti naman ang doktor habang nakatalikod sa kanya. Sinubukan muna niyang baguhin ang kanyang ekspresyon bago tumingin sa binata. "W-What?" tila nagtataka niyang sagot habang nakasimangot. "I w-want h-him. I will h-hunt him down. He will p-pay for the lives of every...everyone he killed. I will avenge m-my friend..." wika ng binata. "...and Jenny..." dagdag pa niya na nasundan pa ng kanyang pagluha. Naglakad naman patungo sa salamin na harang ang doktor. "Huuuh." Napabuntonghininga na lamang siya. "You need a new body." "N-No. I don't need a body made of flesh. I need a st-strong body, doctor." "W-what do you mean?" pagtataka naman ni Dr. Freuch. "It's possible...I know. Put my memory gene on a pro-prototype." "No, you know I can't do that. The prototypes were designed for artificial memory genes. Not for us..." "Just give me what I need!" bulyaw naman ng binata. "If your memory gene is on a prototype, how would you eat? How would you drink? I-It's impossible. The procedure might kill you," sagot naman ng doktor. "I'm already dead, Doctor. There's no re-reason to live anymore. I just wanna kill him. Let me be a killing m-machine," tugon ng binata. Napabuntonghininga naman ang doktor. "If that is your wish, Four. But don't tell me that I didn't warn you. As a solution, I will make you another memory gene. The one that can fit for you as a human...and a-as a prototype." Tumango lamang si Mark at humiga nang maayos. Pumindot naman ang doktor sa isang hologram keyboard sa gilid ng salamin na pader na iyon at tila naging normal ang porma ng higaan ng pasyente. "H-hurry Doctor..." pahabol ni Mark bago tuluyang lumabas ang kanyang kausap. Bumukas naman ang salamin na pintuan nang lalabas na ang doktor. "How is he?" tanong ni General Vash Linford. "We don't need to erase his memory. He wants to take revenge. He wants to kill Subject 1," paliwanag ng doktor. "Well then, let's give him another body." Napatigil naman ang doktor matapos iyon sabihin ng heneral. "He wants to have a body of a prototype." "What? That's impossible," gulat na gulat na tugon naman ng heneral. "I think that is possible. If we could only transfer his memories to a different memory gene; a memory gene that could fit for a prototype. But there is a consequence." Muling naglakad ang doktor kasabay ang babaeng heneral.   "Once his memories are transferred to that memory gene, he can no longer be human. I cannot let him feel hunger, thirst...or even pain. He's alive but he will feel...death," sagot ng doktor. Isa namang babaeng nakapormal na blouse ang lumapit sa kanila. "Sir, Layla is gone. She didn't leave any note," wika ng babae. Nagkatinginan na lamang ang doktor at ang heneral. "Find her. Track her down. Make sure that she's dead before anyone else knew what we're doing here," utos naman ng doktor. *****   November 17, 2300 - London - 6:15PM - -15°C "Sir, your ship is ready. Bound for the Philippines," wika ng isang sundalong nakamaskara at may dalang isang machine gun. Kausap niya si Dr. Freuch sa isang heli pad sa tuktok ng mataas na gusali ng MEMO. Kasama niya ang ilan pang mga CEO, ito ang panahon kung kailan naging alerto ang mga tao sa kakayahan ng MEMO upang sila'y kontrolin. Ito rin ang panahon nang mabuksan ni Johan Klein ang kaisipan ng mga tao tungkol dito. Sa pagkakataong iyon ay inimbitahan sila ni Johan para sa isang pagtitipon at negosasyon. "Cher, take care of Four. He's ready for the procedure." Kausap niya ang isang babae sa kanyang tabi. "It's been 19 years, yet now is just the time to wake him up. If only I knew this would happen," wika ng doktor habang umiiling-iling. "His new memory gene is in my room. The red one. Transfer his memories on that device. Give him the strongest prototype. The blueprint for his augmentation process and software are on my table. You can find it on my green flashdrive." "Ye, Sir." Matapos ang ilang paalala ay sumakay na ang doktor maging ang ilang CEO ng kompanya. Dahan-dahan itong umangat nang sumara ang hatch. Naiwan ang babaeng iyon sa heli pad habang tinutunghayan ang pag-angat ng heli ship. Napatingin ang doktor sa kanya at tila nag-aalala sa mangyayari kay Subject 4. Manaka-naka pa rin ang pag-ulan ng nyebe sa lugar na iyon kaya't agad ding pumasok ang babaeng doktor sa loob. ***** November 20, 2300 – Paris, France - 10:30 PM - -20°C   "Is it ready?" tanong ng isang babaeng naka-lab gown na puti habang naglalakad sa hallway ng isang malawak na opisina. Nakatali ang kanyang brown na buhok at nakasuot ng salamin habang kausap ang isang lalaking nakasuot ng ballcap sa kanyang ulo. Dala niya ang isang hologram stick na ipinakita naman niya sa doktor. "Made in 100% titanium alloy. Lightweight but strong in its form. Can deflect bullets because the team had soaked it in a chemical compound that could resist heat, force, and even cold. Now all we need is your thumb mark here and your signature, Ma'am," wika ng lalaking iyon. Gamit naman ang isang stylus ay pumirma ang doktor at nilagyan pa niya ang hinlalaki sa hologram screen upang kopyahin ng aparato ang kanyang thumbmark. Matapos ay agad niyang inabot ang hologram stick sa lalaki. Tumigil naman ang dalawa sa ilang mga kalalakihang nagbababa ng isang malaking kahon gamit ang isang maliit na hover truck sa garahe ng gusali. Nang maibaba ang dala ng mga lalaking iyon ay agad nilang tinanggal ang harapan ng bakal na kahon. Agad kumalat ang alikabok sa paligid nang bumagsak ang bakal na takip. "Uhmm...sorry," wika ng isang lalaki. Hindi naman nagpakita ng emosyon ang doktor na iyon at patuloy na pinanood ang kanilang ginagawa. Isang makapal na plastik lobo pa ang nakabalot sa prototype na nasa loob ng bakal na kahon. Tinanggal naman iyon ng isang lalaki at nakita ang isang prototype na kumikintab pa. "Specially designed from Japan. As requested by the late, Dr. Freuch. May he take this one as his last request, and as a gift. We also included his sword as the only weapon for him. But it's up to you if you will give him a gun," wika naman ng lalaking katabi ng doktor. Kapansin-pansin ang kakaibang ukit sa dibdib ng prototype na “Number 4.” Kakaiba ang sulat nito. Kakaiba rin ang wangis nito dahil kung ang ibang prototype ay wangis tao dahil sa mga rubber sheet na nilagay sa paligid ng kanilang katawan o minsan naman ay naka-helmet lang, ang prototype na iyon ay hitsurang robot. Tila galit ang porma ng mga mata nito at makikita na wala itong bibig. May takip lamang na bakal na plate sa bandang bibig nito at dalawang maliit na speaker sa magkabilang panga. Namangha naman ang mga kalalakihan nang makita ang prototype na iyon at napatingin sa doktor. "Take it to the vault. All doctors, we have an operation to do." Isang lalaking naka-long sleeve naman ang lumapit sa doktor. Isang kahon ang bitbit nito na kanya namang binuksan. Makikita dito ang isang pulang memory gene. Agad namang tumango ang babae at muling naglakad papasok. Sa kaila-ilaliman ng opisinang iyon ng MEMO ay pasikreto nilang dinala ang prototype. Nagsisimla na kasing alisin ang mga gamit ng MEMO dahil tuluyan na itong ipinapasara ng gobyerno. Kumikilos na rin ang iba't-ibang sangay ng gobyerno ng Europa upang tanggalin ang sistema ng memory gene sa buong mundo at tanggalin ang malaking harang sa buong sangkatauhan. Anuman ang mangyayaring eksperimento o paglilipat ng memorya na magaganap sa lugar na iyon ay lubha nang ipinagbabawal o kung hindi man ay ito na ang huli. Dala nila ang prototype gamit ang isang maliit na de-gulong na sasakyan. Sinusundan lamang nito ang babaeng doktor na naglalakad. Sa likod naman ng prototype ay nakahiga ngunit gising si Mark. Naghilom na ang kanyang mga sugat ngunit kalunos-lunos pa rin ang kanyang kalagayan. Nakahiga siya sa isang de-gulong na stretcher at tinutulak na lamang ng ilang mga doktor. Mula sa isang tila makapal na bakal na pinto ay huminto ang doktor at tumingin sa dulo ng hallway. Agad niyang tinapat ang kanyang mata sa retinal scanner ng pintuan at agad din naman itong bumukas. Pumasok ang mga doktor at maging ang ilang mga kalalakihag nagdala ng prototype. Pinuwesto nila iyon sa isang bakal na pabilog na platform kung saan nag-aabang ang ilang mga kable nito sa itaas. Ang Subject 4 naman ay tila namamangha sa prototype habang siya ay dinadala sa isang mechanical chair kung saan nag-aabang din ang ilang mga kable at mga hologram computer. Nang iupo na siya dito ay agad na umilaw ang bawat sulok ng kwarto. Tila aligaga ang lahat at nagmamadali sa kanilang mga kilos. Agad nilang kinabitan ng kable ang memory gene ni Mark nang siya'y makaupo na. Ikinabit naman sa prototype ang pulang memory gene at agad din itong pinasukan ng mga kable sa port. Nang gumana ang hologram computer ay kumuha ang babaeng doktor ng isang injection mula sa tray na nakapatong sa isang maliit na mesa. Isang gamot ang kanyang kinuha at hinigop ng injection ang likidong nasa loob. Agad niya iyong itinurok kay Mark sa kanyang braso. "This will make you sleepy, Mark. When you wake up, you'll find yourself living in a body of steel. Are you ready?" tanong ng doktor. "R-Ready..." sagot naman ng binata. Ilang segundo lang ay napapikit na siya. "All right, we’re all set. Get ready," wika ng doktor. Agad namang naglabasan ng mga baril ang ilang mga kalalakihan at lumabas ng vault upang magbantay. Maging ang ilang mga kalalakihan sa loob ay naglabas din ng baril. "Activating stimulus, 15%" wika naman ng isang doktor. "Heartbeat normal. Breathing is normal. Blood pressure. Never better. All is set. He's ready," wika ng isa pa. "Okay then. Let's begin the memory transfer." wika ng babaeng doktor. Tila isang 3D-diagram ng utak ang pinapakita sa mga hologram screen ng computer. Makikita dito ang iba't ibang numero at ang ilan pang mga porsyento at statistics. "Stimulus is 78%. The prototypes’ response to the brain cortex is fine but were running a bit slow," sagot ng isa. "Just continue the process. Software for the prototype must be prepared," wika ng babae. "Ma'am, we've got glass shield cloaking system for invisibility. Night vision mode. X-ray vision and thermography for radiation and body heat detection," wika naman ng isa pang doktor habang nagpipipindot sa kanyang hologram screen katabi ng prototype. "Good. Install them now," utos naman ng babaeng doktor. "Ma'am, we have reached 100% stimulus," sagot ng isa pa. "Right then. Begin the transfer." Tila nangisay naman nang bahagya ang ulo ni Mark nang pumindot ang isang lalaki sa kanyang hologram computer. Makikita naman ang ilangmga kataga sa hologram computer na iyon. “Memory Transfer Sequence_12%...” "Ma'am? Looks like we have a problem," wika ng isang lalaki. Napatingala siya sa isang gilid ng pader kung saan makikita ang ilan pang mga hologram screen. Makikita dito na nire-raid ng ilang mga sundalo ang buong gusali. Marahil ay nalaman na nila ang kanilang operasyon. Dala rin nila ang iba pang mga prototype upang galugarin ang buong lugar. "s**t! Defend the whole vault. Don't let them find us," utos ng doktor. Sa pagkakataong iyon ay napakunot-noo siya habang pinapanood ang ilang mga eksena sa hologram screen. "Yes, Ma'am." Agad nagsilabasan ang ilang mga kalalakihang may dalang mga matataas din na uri ng baril. Inakyat nila ang Basement 9 ng gusali at inakyat din ang sumunod pang palapag. Inabangan nila ang pagdating ng mga sundalong iyon. “Installing pogram_37%” “Memory Transfer Sequence 59%” "Too slow, too slow!" bulyaw naman ng babaeng doktor. Tila nagpa-panic na siya nang makita ang ilang detalye sa hologram screen ng mga computer. Sunod-sunod na putok naman ng baril ang kanilang narinig. Lahat sila ay napatingin sa nakasarang pintuan ng vault. Muling napatingin ang babaeng doktor sa CCTV footage at doon ay nakita niyang nagkakaroon na nga ng komosyon sa labas. "Hurry. Take the transfer to Phase 2!" "B-but Doctor, that much power might kill his brain cells!" wika ng doktor.   "Just do it!" Agad namang nagpipindot ang lalaking iyon sa isa pang hologram computer. Muling nangisay nang bahagya ang ulo ni Mark. "AAH!" sigaw ng isang lalaki na tinamaan ng bala sa dibidb. Napapasok na ng militar ang kabuuan ng gusali ng MEMO. "Ma'am, you need to hurry! They are starting to reach Basement 5!" sagot ng katabi niyang lalaki na nagtatago sa isang kumpol na bakal na mga kahon. Muli siyang nakipagsagutan ng putok sa mga sundalo. Ikinagulat na lamang niya ang pag-landing ng isang prototype sa kanyang harapan. Pinagpawisan siya nang malamig. Hawak niya ang isang handgun ngunit ginamit nito ang kanyang kaliwang kamay upang sakalin siya at iangat. Nang mawalan siya ng malay ay agad siyang ibinagsak ng prototype at nagsibabaan naman sa hagdan ang mga sundalo. "Damn it! They're on Basement 6!" bulyaw naman ng isa pang doctor mula sa loob ng vault. “Installing progam_79%” “Memory Transfer Sequence 64%” "Come on, come on!" bulyaw naman ng isa pa. Nang makarating sa Basement 6 ay agad na napaligiran ang mga kalalakihang nagbabantay. Nakipagpalitan din ng bala ang mga ito sa mga sundalo habang nakaharang sa pababang hagdan ng gusali. Ngunit hindi rin nila ito kinaya dahil may mga prototype na agad sumusulpot at sila'y sinasakal. "No. They have reached the 7th. Hurry! Guard the entrance!" utos ng babaeng doktor. Agad na lumabas ang ilan pang natitirang kalalakihan sa palapag na iyon at nag-abang. “Software Complete." “Memory Transfer Sequence 82%” Nagsimulang magkaroon ng mga putok ng baril sa labas ng vault na iyon. Tila pinagpawisan ang lahat at nanginig naman sa takot ang ibang doktor. Naubos ang mga kalalakihang namaril. Nakahiga na lamang ang mga ito sa sahig nang matigil na ang putukan. "W-were done here," wika naman ng isang lalaking doktor na mangiyak-ngiyak pa sa kanyang kinatatayuan. Nagsimulang mayupi ang mga bakal dahil sa pagsuntok na ginagawa ng mga prototype sa labas. “Memory Transfer Sequence 96%”   "T-too late..." bulong naman ng babaeng doktor. Tumalsik ang bakal na pintuan. Ang ilan pang mga kalalakihang nakaabang mula sa loob ay nagsimulang magpaputok ng kanilang mga baril. "AAAAAAHHHH!" sigaw ng isa habang nakadiin ang kanyang daliri sa gatilyo ng kanyang machine gun. Sumagot naman ang mga sundalo sa pag-atakeng iyon at nagpaulan din ng bala. Mausok sa lugar dahil sa alikabok kaya't kung saan-saan na lamang nagpaputok ang mga sundalo. Tinamaan sa ulo ang ibang mga doktor. Maging ang ilang mga aparato at hologram computer sa loob ay agad ding namatay dahil sa mga tama ng baril. Tanging natira lamang ay ang babaeng doktor at ang isa pang lalaking may hawak na handgun. Binitiwan niya iyon nang magpasukan ang mga sundalo at agad tinaas ang kanyang mga kamay. Maging ang babaeng doktor ay ginawa din ito. Lumapit naman ang mga sundalo sa sunog na sunog na katawan ni Mark. Agad nilang pinigtal ang mga kable sa memory gene nito. "This is illegal! You should know this by now. MEMO will be closed down entirely!" wika ng isang sundalo. Napatingin naman ang babaeng doktor sa prototype dahil agad na umilaw ang kanyang mga mata. Bahagyang iginalaw ng prototype ang kanyang mga kamay habang tinitingnan ito. Agad nitong inihakbang ang kanyang kanang paa at hinila ang sundalong nasa harapan ng doktor. Sinuntok niya iyon sa mukha, na ikinadurog naman ng kanyang bungo. Agad naman nilang itinutok ang kanilang mga baril sa nabuhay na prototype. Tumakbo naman ang doktor sa isang sulok kung saan nakasandal ang isang espada na hitsurang samurai. Tinangka niya iyon buhatin ngunit siya ay nagulat dahil hindi siya makapaniwala sa sobrang bigat nito. Kinaladkad na lamang niya ang espada habang nakayuko at pinadausdos sa sahig. Patuloy ang mga putukan ngunit hindi man lang nagagalusan ng mga bala ang katawang prototype ni Mark. Agad niyang kinuha ang samurai sa sahig at tila naging invisible. "What the?" sambit ng isang sundalo habang dahan-dahang ibinababa ang kanyang baril at nanlalaki ang mga mata. Palinga-linga lamang ang mga sundalong iyon sa loob ng vault. Tila hinahanap ng kanilang mga mata ang nawalang prototype. Isang iglap lang ay lumusot ang blade ng espada sa isang prototype sa dibdib nito. Nagpakita ang prototype na katawan ni Mark at agad naman siyang pinaputukan ng mga sundalo. Pinangsangga niya ang kanyang sinaksak at tumakbo patungo sa isa pa. Akmang babaril ang prototype na aatakihin ni Mark ngunit naputol sa isang iglap ang kamay ng prototype at nasunog ang kalahati ng kanyang katawan. "H-he's f-fast..." Hindi naman makapaniwala ang babaeng doktor sa kanyang napapanood habang nagtatago sa isang gilid ng mesa. Patuloy na nagpaulan ng bala ang mga sundalo. Gamit naman ang espadang hawak ng prototype na katawan ni Mark ay winawasiwas niya ito. Sa kanyang paningin ay nakikita niya nang mabagal ang mga balang iyon at nasasangga niya gamit ang kanyang espada. Ilang segundo ding nakatayo ang binata habang sinasalo ang mga bala. Matapos ng walang humpay na putukan ay nagpitikan na lamang ang mga baril ng mga sundalo. Senyales na wala na itong mga bala. Naubos ni Mark ang mga prototype kaya't sila na lamang ang natira. Bumunot naman ang isa ng handgun at sinubukang itutok sa binata. Isang iglap lang ay nasa harap na niya ang prototype. "I wouldn't do that if I were you." Isang computer-generated audio ang lumabas mula sa speaker na nakakabit sa magkabilang panga ng prototype. Agad naman nilang binaba ang kanilang mga baril at dahan-dahang nagtaas ng mga kamay. Matapos noon ay nagsitakbuhan ang mga sundalo palabas. Tila nagkakandarapa pa sila upang makaalis lamang sa lugar. "Amazing. This is what I want," wika ng binata habang tinitingnan ang kanyang mga bisig. Unti-unti namang sumilip ang babaeng doktor mula sa sulok at nakita niya ito. Tinitigan lamang siya ng doktor at pagkatapos ay tumalikod na. Lumabas ang Subject 4 sa vault na iyon at naiwan na lamang ang isang lalaki at ang babaeng doktor habang tulala na nakatingin sa pag-alis nya. *****   "Ngayon ay nandito ka para sa isang misyon lang. Ang patayin ako, 'di ba?" tanong ni Edward matapos malaman ang ilang impormasyon base sa pagkakabasa niya sa iniisip ni Subject 4. Agad tumayo nang diretso ang prototype. Hinawakan niya ang kanyang espada nang patalikod at tila umamba na aatake. "Walang awa mong tinanggalan ng buhay ang mga taong walang kamuwang-muwang. Pati ang kaibigan ko at ang taong mahal ko. Idinamay mo," wika ni Mark. "Ngayon ay napaniwala ka ng MEMO dahil sa mga kasinungalingan nila," sagot ni Edward habang napapangiti, na tila itinatago ang takot. Alam niyang hindi niya kayang harapin ang prototype na iyon dahil wala naman siyang ibang kakayahan. "Magbabayad ka, Victor..." mahinahong sambit ni Mark. "Alam kong iyon lang ang dahilan kaya't ginusto mong mabuhay sa ibang katawan. Ang paslangin ako. May isa lang akong kahilingan bago mo iyon gawin..." wika ng binata. Nakatigil pa rin ang prototype na iyon ngunit nakaamba pa rin sa pag-atake. "Sana hindi ka makialam sa lugar na ito. Labas na ito sa ipinaglalaban mo. Pumunta ako rito para ayusin ang signal ng komunikasyon. Isang giyera ang muling magaganap at alam kong alam mo na rin ang tungkol doon," dagdag pa ng binata. "Sa MEMO lang ako nakapanig. Iyon lang ang pinaniniwalaan ko. Kaya't hindi ako makikialam. Ngayon...iyon lang ba ang kahilingan mo?" tanong ng prototype. "Hindi ako mamamatay na hindi nakikipaglaban, Mark. Dapat alam mo 'yan." Ngumiti ang binata at agad na tumingin nang masama dito. Agad namang tumakbo ang prototype patungo sa binata. "AAAAHH!" bulyaw ng prototype. Isang EMP Grenade naman o Electro-Magnetic Pulse Grenade ang agad na tumama mula sa labas ng gusali. Isa itong uri ng granadang naglalabas ng electric impulse upang maparalisa ang isang bagay na pinapagana ng kuryente o makina. Agad na tumakbo palayo si Edward upang makaiwas sa pagsabog. Tumalon naman patalikod ang prototype na kasama ng binata na may hawak na sniper upang hindi ito madamay sa pagsabog. Kumalat ang kuryente sa paligid, senyales na sumabog na ito. Tila nablangko naman ang paningin ni Mark dahil sa pagsabog na iyon. Nag-spark ang iba't ibang parte ng katawan ng prototype at tila nasira ang reception ng kanyang paningin. "Nakalimutan mo ang isang bagay, Mark. Kaya ko pa ring basahin ang iniisip mo. Kaya kong alamin ang mga susunod mong desisyon dahil naririnig ko iyon mismo mula sa 'yo," wika ni Edward. Umiling-iling ang prototype na iyon upang maging malinaw muli ang kanyang paningin ngunit sira pa rin ito gawa ng pagsabog ng EMP grenade. "Mas malala pa ngayon dahil isa ka na ring makina. Anumang uri ng electro-magnetic pulse ay pwedeng makaapekto sa 'yo. Tama ba?" Ngumiti ang binata habang nakatayo sa malayong harapan niya. Agad namang nagdatingan ang ilang mga prototype na ginamit ni Johan noon na kinokontrol na ni Edward. Naglundagan patungo sa pwesto ni Edward ang mga ito at sa paligid din ni Mark. Animo'y nakatingin lang ang lahat sa prototype na kalaban. "Nagkamali ako ng kalkulasyon ko. Akala ko ay kailangan ko lamang ng dalawang prototype. Kulang pala. Buti at natawag ko pa ang iba," sambit ni Edward. Dumagsa ang pagdating ng Mangilan-ngilang pang prototype. Nagsipasok ang mga ito sa salamin na bintana. Ang iba ay sumirko na lamang at tumayo sa bakal na harang sa paligid. Ang iba sa mga ito ay may dalang mga EMP Grenade na kinalkal lamang nila sa paligid at mula sa mga sundalo ng The Blood of One. "Makakalaban ka pa kaya sa lagay na 'yan, Mark?" Agad niyang itinuro ang prototype at agad naman itong sinugod ng isa mula sa kanyang pwersa. Sinipa ng prototype na iyon ang ulo ni Mark. Lumipad ang katawan ni Mark at nasira naman ang ilang bahagi ng paa ng prototype dahil sa lakas ng pagsipa nito. "Uyy...naiintindihan ko na. Hindi ka na nga pala nasasaktan sa ganyang paraaan. Paano kaya kung taniman ko ng bomba ang paligid mo? Ikatutuwa mo kaya?" tanong ng binata habang nanlalaki ang mga mata at nakangiti. "AHAHAHAHAHA!" Tumawa siya nang malakas, na animo'y nasisiraan ng bait. Muli namang umamba ang prototype na sumipa. Agad itong umikot at muling nag-somersault. Pagkatapos ay sinipang muli ang prototype nang tatayo na ito. Muling nakalas ang ilang parte ng prototype na iyon at gayundin ang ilang parte ng ulo ng katawang prototype ni Mark. Sa isang iglap ay naging-invisible ito. "Aba. May itinatago ka pa pala. Pero wala ring silbi 'yan! Nakikita kita dahil sa memory gene mo!" Isa pang prototype ang agad na sumugod patungo sa naka-invisible na si Mark. Sa pagkakataong iyon ay sasaksakin na dapat niya si Edward ngunit sinipa niya ito palayo at dinikit ang isang EMP mine sa kanyang likuran. Nagsilayuan ang mga prototype sa kanya at sumabog ito. "AAHH!" sigaw naman ni Mark bago napaluhod. Tila nanghina ang enerhiya ng subject 4. Muli niyang nabitiwan ang espada at dumapa na lamang sa sahig. Hindi na niya maigalaw ang kanyang katawan. "Gusto kong baliktarin ang sitwasyon, Mark. Ako naman ang magbibigay ng kondisyon. Aalis ako dito at mabubuhay ka? O magtatagal tayo dito habang ganyan ang kalagayan mo at paglalaruan kita magdamag. Marami akong oras ngayon para maglaro. Mamili ka," wika ng binata. Dahan-dahan namang inangat ng prototype na iyon ang kanyang ulo at pilit na inabot ang kanyang espada. Nag-iba naman ang mukha ni Edward. Tila nalungkot siya at napasimangot. "Alam mo, Mark. Naaawa ko sa 'yo. Hindi mo na nailigtas ang mga taong malapit sa 'yo, nalinlang ka pa. Hahayaan kitang mabuhay dito. Hahayaan din kitang patayin ako. Pero hindi ngayon." Agad namang tumalikod si Edward sa kausap at itinaas ang kanyang kamay. Inikot-ikot niya ito senyales na kailangang sumunod sa kanya ang lahat ng prototype. Nag-iwan naman ng EMP mine ang ilan pang mga prototype sa hati ng posisyon kung saan nakadapa si Mark upang hindi ito sumunod sa binata at pagkatapos ay sumunod na rin ang mga ito sa kanya. "M-magkikita rin tayong muli, Victor. At sa pagkakataong iyon. Hinding-hindi na kita bubuhayin pa. Mararamdaman mo ang kamatayang nararamdaman ko!" pagbabanta naman ni Mark.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD