Hindi mawari ni Marifer ang kirot na nadarama ng kanyang puso habang yakap siya ng lalakeng hindi man niya nakikilala nang lubusan, ay tila bahagi ng pagkatao niya. Patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha nang hindi niya namamalayan kung bakit at dama niya rin ang pagluha ni Valian dahil sa malalalim nitong paghinga. He's in so much pain, and she feels every bit of it. Tila wala siyang sapat na lakas upang igalaw ang kanyang katawan, habang ang binata'y mahigpit siyang yakap na animo'y wala na siyang balak pakawalan pa nito. Valian brushed the side of his face on her head, before he pecked a kiss on her hair. Humugot ito nang malalim na hininga saka niya ito marahas na pinakawalan. "I have never loved anyone but you...Amelia." The moment Marifer heard the name he called her, she sudden

