Inilatag ni Elmont ang malaking mapa sa coffee table sa sala. Makulimlim ang umaga at ang langit ay nagbabadya ng pag-ulan, ngunit mas binabagabag ang magkapatid ng papalapit na blood moon. Kinalso ni Elmont ang kanyang mga siko sa magkabila niyang tuhod habang ang mga mata niya'y matamang pinasadahan ng tingin ang mapa. "Her last incarnation happened in Ramsey, as Theodora Lavine. She just had a few flash backs, unlike her last incarnation before Theodora. Tingin mo may kinalaman 'yon sa ilang beses niyang pagkaka-reincarnate?" Nahilot ni Bjourne ang kanyang baba. "Hindi tayo nakakasiguro. If Theodora died twenty four years ago, it means Mom's new body must be around twenty three to twenty four years old. Wala pa bang nakitaan ng sign?" Tanong ni Bjourne na ang tinutukoy ay ang marka sa

