Narito pa rin kami sa ospital dahil wala namanh ibang magbabantay kay Makoy. Wala siyang kahit na sinong kamag-anak. Hindi pwedeng si Mommy ang magbantay sa kanya dahil hindi na pwedeng napupuyat si Mommy. “Grabe, Makoy. Hindi ako makapag-isip ng paraan kong paano tayo lulusot dito. Kung bakit naman kasi agad kang nagsalita na ikaw ang tatay ng pinagbubuntis ko?!” yamot kong sabi habang inaayos ang pagkain ni Makoy. Kailangan ko siyang tulungan na kumain dahil hindi niya pa maiangat ang kanang braso. “Sorry, Erin. Pero kahit sabihin mo pa na hindi ka buntis ay hindi na sila maniniwala lalo na si t**i Eduard sa mga larawan na nakakalap niya na magkasama tayo,” ani Makoy na bahagya pang nakapikit ang kaliwang mata pero hindi na pareho noong isang araw na hindi niya talaga maimulat. Na

