Ospital ang bagsak ni Makoy. Sa ginawang pananakit sa kanya ni Daddy ay ewan ko lang kung kailan siya ulit makakatayo at makakalakad. Narito rin si mommy dahil nga nawalan ng malay ng malaman ang tungkol sa hinala nila tungkol sa amin ni Makoy. Gusto ko sana siyang bantayan ngunit pinagbawalan ako ni Dad. Si Makoy daw ang bantayan ko at kaya niya naman asikasuhin si Mommy. Bakit pakiramdam ko naging masama akong anak sa isang iglap? Sumasakit ang sintido ko sa totoo lang. Pumipitik-pitik ang maliliit na ugat sa ulo ko sa lahat ng nangyari kanina. Tumingin ako sa nakahigang katawan ni Makoy. Putok ang ibaba at itaas niyang mga labi ganun din ang kaliwang kilay niya. May mga pasa siya sa katawan dahi sa malalakas na pagsipa ni Daddy sa kanya. Salamat na lang at wala siyang tinamong b

