Pinapalitan ni Makoy ang kama niya na kasya lamang para sa kanya. King size na ang sukat para raw maraming space at hindi ako malaglag dahil nga ang sabi ko sa kanya ay malikot akong matulog. Bumili rin siya ng bagong sala set at mga bagong applinces. Pinipilit ko nga na magbigay ako ng ambag ay hindi niya talaga kinuha ang pera ko. Ayaw niya raw na gagastos ako dahil siya raw ang lalaki. Talagang pinapanindigan niya ang naging pangako niya kay Daddy na hindi niya ako pababayaan. Pero alam ko naman na maliit lang ang kinikita ni Makoy. Kaya nga pinilit ko rin si Dad na huwag mo na akong alisin sa trabaho ko. Saka na lang ako aalis sa trabaho kapag malaki na ang tiyan ko at hindi ko na kaya. Katwiran ko na lang ay baka mabored ako ng husto kapag wala akong ginagawa. At alam naman n

