Nakakapagpahinga naman nga ng maayos si Makoy dahil walan mga istorbo sa pagtulog niya. Walang mga nurse na maya't-maya na kumukuha ng blood pressure o kaya naman ay kung may lagnat ba siya. Kalahating oras lang yata ang nakalipas pag-uwi namin ng bahay niya ay muling nagbalik ang driver at nagpadala pala ng kung anu-anong pagkain si Mommy. Pinadala niya rin ang mga bagong damit ni Makoy at ang kinagulat ko ay ang mga damit ko. Isang maleta na punong-puno ng mga damit ko ang ipinadala na ni mommy at talagang gusto niya na yata talagang huwag na akong umuwi sa bahay. Napapaisip nga ako na totoo na ba talaga ito? Talaga bang kami na ni Makoy ang magkakasama habang buhay? Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi ko lang kasi akalain na talagang darating ang sandaling ito. Kung nariri

