Kinabukasan din ay umalis na kami sa Calaguas Island. Bumalik na kami kung nasaan ang mansyon ni Rafael. Nang maexperience ko ang lugar na 'yon, pakiramdam ko ay may hang over pa ako. I hate to leave pero wala na akong magagawa. Kailangan ko din umalis. At saka, kailangan ko ulit kumayod. Kailangan kong kumita ng pera para makabalik ulit ako sa lugar na ito. Pero, ang totoo niyan ay si Rafael paa ng gumastos ng lahat mula sa pagpunta hanggang sa pag-alis namin sa isla.
Nagtitili ako habang pagulong-gulong sa kama ng guest room pagdating namin. Hinayaan ko lang siyang ilagay ang mga gamit ko sa malapad na couch dito sa kuwarto. Kita ko pa ang pagngiti niya habang ginagawa niya iyon.
"Ang saya talaga!" sabi ko na may kasamang tili.
"Mukha nga," kumento pa niya saka lumapit sa akin. "Gusto mo bang kumain muna?"
Tumigil ako sa paggulong-gulong. "Mamaya na siguro. Ikaw, baka gusto mo. Kailangan mo din magpahinga dahil sa pagdadarive."
Ngumuso siya't umupo sa gilid ng kama. "Okay pa naman ako... Ikaw, kailangan mo na ng pahinga."
Tumingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata. "Thank you, Raf. This is one of the my wonderful experience. You bring me in a safe haven."
"It's my pleasure, missy."
Nang iwan na niya ako dito sa kuwarto ay agad kong binuksan ang aking cellphone. Ilang saglit pa ay sunod-sunod na text message ang natatanggap ko. Napasinghap ako maski sina Vibs at Cresha ay may text message na ipinadala sa akin. Agad ko 'yon binasa.
From Cresha :
Hoy, nasaan kang babaita ka? Hinahanap ka sa amin ng parents mo!
From Vibs :
Where are you, Angela? Please answer the phone! Pumunta dito sa unit ang parents mo. Naglayas ka ba?
From Cresha :
Alam kong may problema kang matindi ngayon, nasabi sa akin ng mama mo. Pero sana naman huwag mong balewalain na may mga nag-aalala para sa iyo.
From Cresha :
Kapag tatlong araw kang walang text o tawag sa akin, sinasabi ko sa iyo, ibabalita ko sa buong Pilipinas na isang sikat na Angela Dima, nawawala!
Pumikit ako ng mariin. Bumuga ako ng malalim na hininga. Balak ko sana siyang tawagan na muling may natanggap ulit akong text message.This time, hindi na mula kina Cresha o Vibs, hindi rin galing sa parents ko. Mula sa ahensya at sa manager ko!
From Mimi-san :
Good day, Angela. Hindi kita makontak. So I'll leave a text message for you. The fashion designer named Dafni Costa contacted me. She wants you to be one of her models for her next collection. I'll wait for you answer. The fashion show must be next week.
I pressed my lips and tapped the qwerty keypad as my answer.
To Mimi-san :
Sure po, pupunta po ako d'yan ng Saturday morning po para sa confirmation. Salamat po.
Then I hit sent. Pumikit ako saglit saka dumilat din. Sunod kong sasagutin ay sina Vibs o di kaya si Cresha. Pero tawag na ang ginagawa ko. Wala pang limang ring ay sumagot na ito.
"Angela!" bulalas niya nang masagot niya ang tawag ko. "Nasaan ka?!"
"Relax, Cresh. I'm safe, don't worry." tugon ko. Huminga ako ng malalim at sumeryoso ang mukha ko. "Nasa Camarines Norte ako ngayon."
"What are you doing there? Papaano ka napadpad d'yan?" seryoso na din ang kaniyang boses.
Bago ko sagutin ang kaniyang tanong ay binasa ng laway ko ang aking mga labi. Bumangon ako't nakapameywang. Dinaluhan ko ang balkonahe. "Unwind, Cresh. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa bahay nang nalaman ko na may kapatid pa pala kami ni Alita." paliwanag ko pa. "And luckily, nakilala ko ang isa sa mga pinsan ni Mikhail, si Rafael."
Saglit siya natahimik sa kabilang linya na dahilan para kumunot ng bahagya ang aking noo.
"Cresh, nar'yan ka pa ba? Ayos ka lang?" tanong ko.
"So how are you, Angela? Gumaan na ba ang pakiramdam mo?" I can feel the calmness within her voice.
Ngumiti ako kahit na hindi ko magawang ipakita sa kaniya 'yon. "Kahit papaano, nabawasan ang bigat, Cresh. And thanks to Rafael's words of wisdom."
"I'm glad and good for you. Sana ay tuloy-tuloy na iyan. So... What's your plan now?"
Ngumuso ako at sumandal sa railings. "Maybe... Magpapalamig pa rin ako. Hindi muna ako uuwi sa amin tutal ay nakatira pa rin naman ako sa unit. I don't mind kung naroon pa madalas si Clifford. Tapos na din naman ang isyu ko sa kaniya." saka humalakhak ako. "Wala na rin akong pakialam kay Jairus..."
Siya naman ang natawa. "And I'm too proud of you."
"And... Tingin ko ay mapapakasubsob muna din ako sa work. Tutal ay sunod-sunod na din ang offer sa akin para sa pagrampa at mag-endorse ng mga clothing line."
"Alright, tama 'yan. Pakasubsob ka muna. Palamig ka muna ng ulo. Oh well, ako na bahala magpaliwanag sa parents mo kung ano ang gusto mo. Isipin mo nalang ang trabaho mo for now. Siya, hahatiran ko pa ang pagkain si Mikhail sa opisina niya. Ingat!"
Ngumiti ako. "Yeah, ikaw din. Thank you." saka pinutol ko na ang tawag. Napabuntong-hininga ako. Sumagi sa isipan ko si Rafael. Kailangan ko muna siyang puntahan para sabihin ko sa kaniya ang mga importante bagay regarding sa trabaho ko.
Lumabas ako ng guesto room at hinahanap ko si Manang para itanong ko sa kaniya kung nasaan si Rafael.
"Ay baka nasa beach garden siya ngayon, nagpapahangin." sagot niya sa akin.
"Salamat po." tinalikuran ko na siya at ipinagpatuloy ko ang aking paghahanap sa kaniya. Medyo alam ko naman kung nasaan ang garden na sinasabi niya. Nasa likod lang ng mansyon na ito. Bumungad sa akin ang mga tropical plants dito pero wala ako makitang Rafael dito. Nasaan ang isang 'yon?
I put my hands on my waists. Saan ko siya mahahanap nito? Kailangan ko nalang siguro siyang hintayin.
Babalik na sana ako sa loob ngunit natigilan ako. I heard a sound from the sea that really coaught my attention. I saw a luxury speedboat approaching the beach bridge. Naniningkit ang mga mata ko nang matanaw ko kung sino ang saka n'on.
Si Rafael!
Tila nabuhay ang pag-asa sa aking sistema. Hindi na ako nagsayang pa ng panahon kungdi puntahan ko siya para makausap.
Naabutan ko siyang bumaba sa naturang speedboad at ibinigay niya ang tali ng sasakyan sa isang mama. Rinig ko pa ang pagpapasalamat niya doon. Ngumiti ako at sinalubong ko siya. Natigilan siya nang makita niya ako.
"W-why are you here, Angela?" he asked.
Hindi mabura ang ngiti sa aking mga labi. "Hinahanap kasi kita kanina pa. Eh buti nalang narinig 'yong speeboat at ikaw ang sakay n'on."
Tumaas ang mga kilay niya. "And?" then he smiled.
Napabuntong-hininga ako muling ngumiti sa kaniya. "Gusto ko sanang sabihin kasi na babalik na ako ng Maynila." diretsahan kong tugon.
Unti-unti nawawala ang mga ngiti niya. "Babalik ka na?" ulit pa niya.
Tumango ako. "Oo. Nakatanggap kasi ako ng mensahe mula sa manager ko. Mukhang kailangan ako para sa susunod na fashion show... So, kailangan ko na din bumalik sa trabaho."
Bakit parang nababasa ko ang lungkot sa kaniyang mga mata nang sabihin ko sa kaniya ang rason ko? Anong problema? "Is that so?"
"Hmm..." sabay tumango.
"San ka tutuloy niyan kung sakali? Uuwi ka na ba sa bahay ng mismong family mo?"
"Nooope. Nakatira pa rin naman ako sa unit kung saan nakatira din dati sina Mikhail at Cresha."
Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Instead, he's staring at me straight into my eyes. Parang may hinuhuli siya doon o kaya may gusto siyang matuklasan sa mga tingin niyang 'yon. After that, he sighs.
"B-bakit?" hindi ko mapigilang itanong.
"Can I visit you there, missy?" tanong niya.
Mahina akong tumawa. "Syempre naman. Wala naman masama sa pagbisita..."
"Kahit sa trabaho mo?"
"Oo naman."
"I want to be your boyfriend, Angela."
Doon ako natigilan. "R-Rafael..." ang tanging lumabas sa aking bibg. Kasabay na bumilis ang pintig ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabhihin.
"Kahit boyfriend mo na ako, araw-araw pa rin kitang liligawan, Angela..." namamaos niyang sambit. Nanatili pa rin kami nagpapalitan ng tingin. Namumungay ang mga mata niya na nakakatunaw.
May hinubad siya sa kaniyang leeg. Tingin ko ay kwintas iyon. Lumapit pa siya sa akin nang mas malapit at isinuot niya sa akin ang naturang kwintas na iyon. Sa lagay namin ito ay parang nakayakap siya sa akin. Ramdam ko ang malamig na bagay na iyon sa akin leeg. Nang lumayo na siya nang bahagya sa akin ay dumapo ang tingin ko sa kwintas. Dog tag?
"Take me...?" basa ko sa nakaukit na dog tag. Nilipat ko sa kaniya ang tingin ko, may pagtataka sa aking mukha.
Ngumiti siya. Masuyo niyang hinawakan ang aking kamay at dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad. "Your absence will be a disease that only your presence can heal... So please, whenever you're leave, take me with you, missy."
Lihim ko kinagat ang aking labi. Ramdam ko ang mga paru-paro sa aking tyan. Mas bumibilis pa ang t***k ng aking puso. "Rafael..."
Ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. Kita ko ang pagpikit niya hanggang sa isindal niya ang kaniyang noo sa akin. "You are so easy to be with, Angela but it's more hard to be without you."