Concentrated ako habang nasa harap ako ng mga camera. Iba't ibang pose ay ginawa ko. Pagkatapos ay change outfit na ulit. Sinusunod ko din ang mga utos ni direk kung anong klaseng shots na isasagawa. Kung magbibreak man, ay lalapit sa akin ang dalawang make up artist para iretouch ang make up ko. May lumapit din na stylist para dagdagan na damit sa suot ko ngayon.
Umabot ng dalawang oras ang pictorial. Nakapagpahinga din sa wakas. Nilapitan ako ni Mami-san kung saan ako nakaupo ngayon. Sinabi niya sa akin ang sunod kung pupuntahan—sa boutique ng isa sa mga sikat na fashion designer ngayon, si Dafni Costa. Dahil ilang araw nalang daw ang nalalabi ay fashion show na.
May lumapit na isang babae na may dalang styro.
"Miss Angela, may nagpapabigay po." sabi niya sabay abot niya sa akin iyon.
Taka ko siyang tiningnan. "Kanino daw galing?"
Ngumiti siya na tila kinikilig. "Hindi ko po siya kilala, Miss Angela. Basta chinitong guwapo po, eh." sagot niya.
Parang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Bumaba ang tingin ko. Tumaas ang isang kilay ko nang may nakita akong maliit na papel na nakadikit sa styro.
Take your lunch, don't be starve, miissy.
PS. Can I see you tonight? I'll wait for your reply thru text. Please, take care
- R
Awtomatikong sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang mabasa ko ang maiksing mensahe na 'yon. Tumingala ako sa mga tao na nasa harap ko. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka dahil sa aking kinikilos, siguro. Nagkatinginan pa sila sa isa't isa para hanapin ang kasagutan sa malaking katanungan sa kanilang isipan.
Hindi ko sila pinansin. Itinabi ko muna ang pagkain saka nilabas ko ang aking cellphone. Tinipa ko ang message at hinahanap ko ang numero niya sa aking phonebook.
TO : RAF
Sure. Sunduin mo nalang ako sa unit. Available na ako ng 6:30.
I hit send. Ibinalik ko ulit ang cellphone sa aking bag. Sunod kong kinuha ang pagkain. Bago ko 'yon buksan ay muli ako tumingala sa kanila. Mas lumapad ang ngisi ko. "Kakain muna ako, hindi ayaw niyang malipasan ako ng gutom. Kain tayo."
Ang iba sa kanila ay napangiwi at napangiti dahil sa kilig. Alam kong naninibago na sila sa aking kinikilos. Alam na din nilang nabasted ko na din si Jairus. Misteryoso ngayon para sa kanila kung sino si Rafael. Wala rin akong pakialam kung anuman ang sasabihin nila.
-
Pagkatapos kong kumain ay 'yon na din natatapos ang pictorial. May iba pang aasikasuhin na shoot si direk pati na din ang team niya kaya mas mapapaaga pa ang punta ko sa boutique ni Dafni Costa na sa palagay ko ay nakausap na iyon ni Mami-san.
Nagpalit na ako ng damit. Floral off-shoulders top, white pants and pink color stilettos ang suot ko. Nakasabit sa aking braso ang white leather bag ko. Messy bun ang buhok ko ngayon at naka-aviator ako nang lumabas ako ng building kong saan ang pictorial kanina. Nakasunod lang sa aking likuran si Mami-san.
Siya ang nagbukas ng pinto ng van at inaalalayan niya akong pumasok doon. Nakahinga din ako ng maluwag nang nakaupo na ako. Ipinatong ko sa aking kandungan ang bag at inilabas ko ang aking cellphone. Nag-iwan ako ng mensahe para kay Raf.
TO : RAF
On the way to Ms. Dafni's boutique. Whatcha doin'?
Inalapat ako ang aking mga labi habang naghihintay ako ng mensahe mula sa kaniya. Wala pang dalawang minuto ay nagreply siya! Nabubuhayan ako ng loob habang binubuksan ko ang message niya.
FROM : RAF
Here at the meeting, my missy. Don't worry. I can text you while listening here.
I twisted my lips. Pilit kong itago ang aking ngiti. Muli ako nagtipa ng mensahe para sa kaniya.
TO : RAF
Ayos lang naman kahit mamaya na tayo mag-usap?
FROM : RAF
Argh, meeting kills me. I miss you so bad right now, missy.
Pumikit ako ng mariin at hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapangiti nang sobra. Hindi ko na alam kung ano nang isasagot ko. Sa puntong ito, parang wala na akong pakialam pa sa paligid ko!
Kinagat ko ang aking labi at sumagot sa kaniyang tenxt message.
TO : RAF
I miss you... too.
Pumikit ako ng mariin. Mabuti nalang talaga naka-aviator pa ako para hindi ako masyado mahalata ng mga kasamahan ko dito. Jusme!
FROM : RAF
Oh f**k, Missy! I want to pick you up right now! I would rather get outta here in this conference room! My missy misses me! s**t.
Dahil sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay humalakhak ako na ikinagulat ng mga kasamsahan ko. Pinagpapalo ko pa ang aking hita dahil sa aking pagtawa. OMG, why you're so adorable, Rafael?!
-
Nang makarating na kami sa boutique ni Dafni Costa ay sinalubong niya kami. She's a brunette girl! Maganda ang katawan niya na maihahambing ko kay Jennifer Lopez.
"Good afternoon, Miss Angela! Finally, nakilala din kita!" bulalas niya sabay nakipagkamay siya sa akin.
Medyo nagulat pa ako dahil nagtatagalog pala siya?! "G-good afternoon din... You made me surprise... Nagtatagalog ka pala..."
Mahina siyang tumawa. "Well, my fiancé is a filipino. I've learned everything about him. Filipino languages and cultures, so.. That's it. Oh, have a seat." sabay turo niya sa couch na malapit sa amin.
Saay kaming umupo. Nasa tabi ko lang si Mami-san.
"Thank you so much, Miss Angela, pinaunlakan mo ang paanyaya ko na isa ka sa magiging modelo ng mga koleksyon ko. Well, matagal ko na talagang plano ito." nakangiti niyang sambit sa akin. "Well, maraming beses na akong nakapanood ng mga runway mo... And I think this is my chance to tell you this, I wish you could wear one of my collections."
Ngumiti ako at tumango. "That'll be honor, Ms. Costa."
Sunod namin pinag-usapan tungkol sa mga damit na susuotin ko para sa bubuksan niyang fashion show. Sassy and sexy ang tema ng gaganapin na show. Ipinakita niya sa akin ang iilang damit na gawa niya na isusuot ko.
Pinasukat niya iyon sa akin.
"Sabihin mo sa akin kapag maluwag masyado, ha?" she told me before I enter in the fitting room.
Malapad akong ngumiti. "Sure, thank you." saka pumasok na ako sa loob. Dalawang long dress ang ipinasukat sa akin. Dapat ay tatlo 'yon pero hindi pa daw tapos ang isa which is isa iyon sa magiging highlight ng show.
Una kong sinuot ang red backless dress. May slit iyon sa gilid. Sakto ang sukat na iyon sa aking katawan. Hapit iyon sa aking katawan pero hindi masikip.
Sumagi sa isipan ko si Rafael. Ang unang beses niya akong hinalikan... Sa fitting room.
May isang nakakalokong ideya na sumagi sa aking isipan. Nilabas ko ang cellphone ko at binuksan ko ang aking data. I tapped the f*******: messenger application. Ngumuso ako nang makita kong online si Rafael. Aba... Pero hindi iyon ang hadlang para sa aking nakakalokong plano.
Well, noong hinatid niya ako sa unit kung saan ako nakatira ay nagpalitan na kami ng contact details. Even f*******:. Pero nakakaloka lang dahil hindi daw uso sa kaniya ang f*******:. Hindi daw kasi siya mahilig sa social site. Tanging viber at skype lang daw ang account niya for a business purposes. Kaya ako na mismo ang gumawa ng account niya pati na din ng i********:.
So I tapped his name and leave a message.
Me : Hi, pretty boy...
Then I took a selfie with this dress. Sinadya ko talagang ipakita ang legs ko sa picture pati na rin ang likod ko. Bale dalawang picture ang ipinadala ko sa kaniya.
Ilang saglit pa ay nagreply siya.
Raf : f**k s**t, Angela...
I put a smile emoticon as my answer. As my expected, nagreply ulit siya.
Raf : Why are you killing me at this moment, my missy, huh?
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang aking ngiti habang nagtitipa ng maisasagot ko sa kaniya.
Me : But, I want to show you... Ito ang isusuot ko para sa fashion show.
Raf : s**t. You made suddenly change my mind, lady in red... We're not going to have dinner in a fancy resto... I want to have dinner with you in my bed.
Napasinghap ako sa aking nabasa. What the f**k?
Me : Are you serious?!
Raf : Yes, I am serious, missy. Why?
Napalunok ako at napatampal sa aking noo. Mukhang mali yata ang move ko, ah. Bigla tuloy ako nagsisi sa ginawa ko! Hindi ko ito inaasahan! s**t. Ano na naman katangahang ginawa mo, Angela? Babawiin mo ba o hindi ba? Ano, sagot!
Bago man ako sumagot ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya.
Raf : So change of plans. We're going to have a dinner in my unit. So be ready, my missy. Which do you like? Sweet or hot?
Biglang kumalabog ang puso ko sa huling pangungusap. Like, what the hell?!