PROLOGUE
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, events, location and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Be aware of typographical and grammatical errors. Dialogues in this story contains strong and foul words. In addition, this story tackles sensitive topic like abuse and death. Any resemblance to actual person living or dead or actual events is purely coincidental.
This story has many similarities with other stories or writers. Plus, my characters are not perfect and If you don’t want that kind of novel, please do not proceed. Thank you.
___
“Doc, happy birthday!”
Masaya ang ngiting iginawad ko sa mga katrabaho ko. Kaming mga Filipino lang ang narito kaya naman ang iingay nila! Grabe, tinalo nila ang kaingayan ko!
“Thank you! Shot na!” Pabirong sabi ko, nakataas pa ang kamay.
Tumawa silang lahat pero natigil din ‘yon kaya naman nagtaka ako. Mukha silang mga takot ngayon, e hindi ko naman sila tinatakot!
“So unprofessional, Ms. Rivera.”
Agad kong binaba ang kamay ko at dahan-dahang tumingin sa likod. Ngumiti ako nang alanganin kay Doctora Lilly. Ano ba ‘yan, akala ko pa naman party time! That's so unprofessional nga, Saf!
“Doc!” Masayang bati ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay! “Tutti, tornate al lavoro!” Sabi ko bumalik na sila sa trabaho.
“Sì signora!” They uttered in chorus.
Naglakad ako palapit kay Doc. Huminga siya nang malalim at binati rin ako agad ng ‘happy birthday’. Well, matitiis niya ba ang pinakamagandang psychiatrist dito?!
“I heard that your twins wants to visit Philippines, wala ka bang planong bumisita?” She asked.
Napakagat ako sa ibabang labi habang nakikinig sa kaniya. Hindi naman na ako magtataka kung kanino niya nalaman ‘yon, si Kim lang naman ang sinabihan ko! Malamang ay nachika niya na agad!
Wala namang kaso ‘yon kung uuwi ako, pero ayoko pa talagang bumalik sa pilipinas. Ayoko pa silang harapin, ayoko pa siyang harapin. Napakaliit ng mundo, imposibleng hindi niya ako makita pag-uwi.
Tsaka, hindi lang ako ang uuwi. Ang hirap ipaliwanag kina Ate! Baka bigla akong kalbuhin no‘n! Ilang taon na rin ang lumipas, pero hindi pa rin nila alam. Baka ilibing nila ako ng buhay!
“Hindi ko pa po alam.” Sabi ko na lang kahit wala naman talaga akong plano umuwi.
“Well, it's up to you,” she smiled. “Tawagan mo lang ako ha, para masabay na kita sa flight. Plano ko rin umuwi, and mas mabuti kung sabay na tayo para may kasama ka rin mag-alalay sa kanila.”
Napangiti ako sa sinabi niya. She's very kind. Hindi lang ako ang iniisip niya, pati na rin ang kambal. Kahit naman hindi maganda ang tingin ko sa kaniya noon dahil ang taray-taray niya, naging kabaliktaran naman ‘yon sa nangyayari ngayon.
“You deserve a rest, Doc,” she held my shoulder. “Masyado mo nang nilunod ang sarili mo sa trabaho at sa kanila, kailangan mo rin nang pahinga para sa sarili mo ha?”
Napangiti ako nang marinig siya. I'm proud of myself. Masaya ako para sa sarili ko dahil lahat nang pinapangarap ko lang noon, narito na. May kasama pa nga!
Wala nga lang ‘yung kasamang gumawa.
Pero, hindi ko maiitatangging nakakapagod. Nakakapagod mag-aral. Nakakapagod kapag walang kasama gawin lahat ng mga bagay na dapat kaming dalawa ang gumagawa. Nakakapagod gumising ng madaling araw para lang patahanin ang kambal, na dapat sana‘y narito siya. Nakakapagod umiyak palagi. Lahat, nakakapagod lahat.
Pero, worth it naman lahat ‘diba? Nagawa ko naman lahat ng ako lang. Kinaya ko naman ng ako lang. Ganoon naman na kasi ako kahit noon pa.
Kasi kung hindi ko gagawin, sino ang gagawa no‘n para sa‘kin? Sino ang mag-aaral at bubuhay para sa‘kin?
Kung hindi ko kinaya lahat at sumuko ako, wala ako rito ngayon.
That's life. You‘re the one who will save yourself. At hindi ka dapat malungkot. You should know that people are just an extension of your life. Tutulungan ka lang nila magdala pero, ikaw at ikaw pa rin ang magtatayo para sa sarili mo.
Kung iwan ka man ng lahat, may isang tao naman para sayo.
Ikaw.
“Doc, ingat!” Bati ni Kim nang makita ako. “Happy birthday ulit! Thank you sa pakain!”
“Anong pang-uuto ‘yan? Ang daldal mo!” Pabiro ko siyang sinabunutan.
“Deserve mo naman kasi talaga umuwi!” She defends herself.
“Pang-uuto mo! Gusto mo lang uwian kita pancit canton, e!”
“Yes! Tapos pakidala na rin gf ko,” she dramatically held my hand. Tinaboy ko ‘yon agad dahilan para matawa siya.
Nagpaalam na ako sa kaniya dahil uuwi na ‘ko. Naroon naman ang roommate ko sa apartment kaya may bantay roon ang kambal. Mabuti ring Pinoy ang roommate ko. Natuturuan niya ang kambal na magtagalog, kaya tatlong lenguwahe ang alam nila.
“Here na si Mommy!” Masayang sigaw ko pagpasok ng apartment.
Nanonood sila ng TV pero agad ding nabaling sa‘kin ang atensyon nila. Nag-uunahan pa silang tumakbo papunta sa‘kin! Muntik pang madapa si Shandrei, mabuti na lang ay agad kong nahawakan ang braso niya!
“How‘s work, Mommy?” My seven years old daughter, Shandrea asked me.
Hinalikan ko ang pisngi niya kaya agad naman siyang kinilig. Natawa ako sa reaksyon niya bago halikan ang pisngi ni Shandrei.
“Mommy is fine!” Masayang sabi ko kay Drea. “How about my babies?”
“Good, Mommy!” She exclaimed. “Drei, let's give our gift to Mommy!”
“Wow, may pa-gift,” ngumiti ako. “Patingin.” They immediately pulled my hand to the couch. Muntik pa tuloy mahulog si Maricris sa couch dahil nabunggo ko siya.
“Takip mo mata mo, My!” Sabi ni Drei na agad ko namang ginawa. Grabe naman, may paganito pa sila! Baka maiyak lang ako! “Open mo na, My!”
I opened my eyes and I saw the colored paper they were holding.
“Happy birthday, My!” They shouted happily.
Nagtubig agad ang mata ko habang pinagmamasdan sila. Kinuha ko ‘yung papel bago sila yakapin. Kahit pala sobrang sama sa‘kin noon ng mundo, worth it naman ang mga anghel ko ngayon.
“Ouch, naiiyak ako! Teka alis muna ako rito!” Pabirong sabi ni Maricris. Humarap ako sa kaniya at pinakyu-han siya.
“Tangina mo,” I mouthed.
Tumaw siya‘t pumasok na sa kwarto niya kaya naiwan kaming tatlo rito sa living room.
Tinignan ko ang gawa nila at lalo lang akong naiyak. Family ang drawing nila, magkaiba lang ng style pero sa drawing ay naroon ang daddy nila. At may nakasulat pang ‘Mahal kita palagi, mommy!’ at ‘I lab u mami, hapi birthday!’.
Na-giguilty ako dahil hindi ko kayang ipakilala sa kanila ang daddy nila. Natatakot ako sa mangyayari, baka hindi niya tanggapin ang mga anak ko. At mas lalong baka ilayo niya naman sa‘kin kung sakaling tatanggapin niya. Parang hindi ko yata kaya. Iniisip ko pa lang na ilalayo sila sa‘kin, nadudurog na ang puso ko.
“Mommy, let's take a vacation in the Philippines!” Sabi ni Drea.
“Please, Mommy! Tita said it's beautiful there!” Si Drei naman.
Napaisip ako kung pagbibigyan ko ba sila. Hindi naman siguro masama kung magbabakasyon sila roon ‘diba? Ilang taon na rin sila sa Italy simula noong manganak ako. Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan ko sila. Saglit lang din naman kami tsaka hindi naman siguro magkukrus ang landas namin doon.
“Kapag natapos na ang school year niyo,” sabi ko sa kanila.
“Really?! Thank you, My!” Sabi ni Shandrea bago ako yakapin. Sumunod din si Shandrei kaya naman nasakal ako!
Pinaalam ko rin agad kay Doc Lilly ang plano ko dahil ‘yon ang sabi niya. Mabuti na rin ‘yon dahil baka maglikot silang dalawa sa eroplano at para na rin may kasabay kami. Mas masaya pa nga siya sa‘kin kaya kumuha na siya ng flight! Talagang pagkatapos na pagkatapos ng school year ng kambal ang kinuha niya! Tapos siya na rin ang nagbayad!
Mabilis lang lumipas ang dalawang buwan. Bukas ay aalis na kami at ngayon ang last day nila kaya nag-impake na ako ng mga gamit namin para bukas. Isinasama ko nga si Maricris pero bebe time raw siya sa jowa niya rito at doon muna siya sa condo no‘n.
Nang makasakay kami sa eroplano ay si Shandrei lang ang katabi ko at si Shandrea naman ang katabi ni Doc. Gusto pa nga sana ni Doc na doon kami sa bahay niya tumuloy! Nakakahiya na masyado kaya tumanggi ako! Doon naman ako matutulog kina Ate Alora dahil nasabi ko na sa kaniya last month na uuwi ako. Pero hindi ko pa nasabi na may kasama ako kaya magugulat siya kapag sinundo nila ako sa airport! Sasabihin ko pasalubong!
Hindi ko na napansin ang oras dahil nakatulog na ako sa byahe. Si Shandrei na rin ang gumising sa‘kin. Hindi siya natulog sa sobrang excited, habang ako rito kinakabahan! Ewan ko ba kung bakit! Pakiramdam ko may makikita akong hindi ko dapat makita!
“Sabay ka na po sa‘min, ihahatid ko po kayo sa bahay niyo, Doc!” Alok ko kay Doc habang naglalakad kami. Hawak ko si Shandrei at Shandrea. ‘Yung mga maleta namin ay nagpatulong na ako dahil hindi ko kaya dalhin lahat!
“No! It's fine, susunduin naman ako ng pamangkin ko!” She said.
Binalik ko ang tingin sa harap at ganoon na lang ang gulat ko nang makita sila. Napakagat na lang ako sa ibabang labi habang tinitignan sina Ate. Kinakabahan ako habang palapit kami nang palapit!
Nung tuluyan kaming makalapit ay agad nawala ang ngiti nila noong makita ang dalawang batang kasama ko. Awkward na ngiti ang ginawad ko sa kanila na ngayon ay nakakunot na ang noo sa‘kin. Tapos si Ate Gab ay gulat na gulat! Sa sobrang gulat ay inalis niya ang salamin na suot niya. Na para bang may hindi tama sa salamin niya!
Hindi ka nagkakamali, anak ko ‘yang mga kasama ko!
“Suprise?” Nahihiyang sabi ko.
“Gago, kidnapper ka na ba?!” Parang tangang tanong ni Ate Gabie kaya tinakpan ko agad ang tenga ng dalawa. May bata! Ang bunganga talaga!
“Gabie, your words!” Pinagalitan siya ni Ate Alora.
“Mommy, who are they?” Inosenteng tanong ni Shandrea.
“Mommy?!” Nag-iwas ako lalo ng tingin dahil gulat na napasigaw ang dalawang magkasintahan.
“Mamaya niyo na ako tanungin! Magpapaalam ako kay Doc!” Sabi ko sa kanila, natataranta na. “Papasukin niyo muna ‘yung anak ko riyan!”
“Hoy, Safarah Dwaine, kailan ka pa natutong magtago?!” Pinagalitan na ako ni Ate Alora. “Sige na, magpaalam ka na roon Saddy, mag-uusap tayo mamaya. Akin na ‘yang mga... anak mo.”
Binigay ko naman sa kaniya ang kambal, mabuti na lang at excited sila at talagang malapit sa tao kaya hindi na umiyak noong binigay ko kina Ate. Nilapitan ko ulit si Doc na ngayon ay mukhang may iniintay. ‘Yung pamangkin niya siguro.
“Samahan ko na po kayo habang wala pa sundo niyo, Doc.” Nakangiting sabi ko na parang hindi ako kinakabahan mamaya.
“Oh, no need, Saf! He‘s here!” Ngumiti siya sa‘kin bago tumingin sa harap. “Yohan!”
“Tita, sorry, traffic po.”
Nawala ang ngiti ko nang makita kung sino ang nagsalita. Napatingin din siya sa‘kin, seryoso lang ang mukha. Ang lakas ng dibdib ko habang nilalabanan ang titig niya.
Ang liit nga ng mundo!
Nakita ko agad ang tatay nila!
——— >