02: Thirdy likes Safarah?

2000 Words
“Congrats, Saddy! Ikaw highest sa klase ko!” Masayang bati ng ginang sa‘kin noong inabot niya ang test paper ko. Napangiti ako dahil kumpleto na. Mataas na ako sa lahat ng subject! Maliban sa stats! Pero ako pa rin naman ang highest! 31 kasi ang highest, 1 to 50 ‘yon at naka-31 pa ako kahit hinulaan ko lang naman! Lumabas muna saglit si Ma'am sa kwarto dahil mayroong teacher na tumawa sa kaniya. At dahil lumabas siya, kani-kaniyang bulungan na ang mga kaklase ko. Na kesyo nag-cheater daw ako at sipsip! Jusko, talagang ginawa nilang personality ang pag-uusap tungkol sa‘kin! “Inggit na naman sa ganda ko,” I flipped my hair. “Matalino na, maganda pa?!” “Yes! Slay?!” Maarteng sabi ni Lori kaya natawa ako. “At least, may magulang ako,” bulong ng babae sa harap ko. Agad nag-init ang dugo ko nang sabihin niya ‘yon. Gusto ko na siyang sabunutan pero hindi ko ugaling manakit kapag hindi pa ako sinasaktan. Pero ang sakit sa dibdib. Tuwing iyon ang sinasabi nila tungkol sa‘kin, parang may kung anong sumasaksak sa dibdib ko. Napaka-insensitive naman kung ginagawa nilang jokes ang ganoon. Kahit hindi sa‘kin. Paano kung sabihin niya ‘yon sa iba? Hindi ba siya marunong makiramdam? Kung joke ‘yon, hindi nakakatawa. At kung goal niyang sirain ang araw ko, congrats. Dahil nagawa niya. “Ang yabang, may kabet naman tatay at mama mo!” Napakunot ang noo ko nang marinig si Lori. Natatawa pa siya talaga! Ayoko talaga ng joke kapag tungkol sa family, ang insensitive! “Tama na,” inawat ko siya. “Tindi mo mang-asar, Bella. May kabet naman pala pareho magulang mo!” Tumawa ‘yung kaibigan niya. “Masakit ‘diba? Itigil mo na bibig mo sa susunod kung ayaw mong bumalik sayo.” Umirap ang kaibigan ko. Sobrang lambing lang ng boses niya, at kilala siyang pinakatahimik. Kaya ayokong masira siya sa kanila ng dahil lang sa‘kin. “Itigil mo na ‘yan,” inawat ko siya. Bumuntong hininga siya‘t ngumiti. Inilagay ko muna sa bag ko ang test paper at nagpaalam ako kay Ma'am sa labas na mag-ccr muna ako. Pagkapasok ko sa cr ay umupo ako sa loob ng cubicle. Nakapikit lang ako, umaasang may luhang lalabas sa mata ko pero wala. Gustong gusto ko na umiyak pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang maiyak ngayon. Hindi ko na rin tanda kung kailan ‘yung huling beses na umiyak ako. Sobrang bigat ng dibdib ko, gustong gusto ko nang ilabas lahat ng ‘to. “Ah, tangina!” Mahinang sabi ko habang sinasabunutan ang sarili dahil hindi ko magawang umiyak. Inis akong lumabas ng cubicle at naghugas ng kamay para bumalik sa room namin. Ganoon na lang ang gulat ko nang magtama ang braso namin noong lalaki kaya nag-sorry ako. Kinamot ko pa ang ilong ko dahil ang baho! “Gago? Nagyoyosi-” Napatigil ako nang takpan niya agad ang bibig ko! Ang gago ni Thirdy! Sa school niya pa talaga napiling magyosi! Ngayon, uubo-ubo siya! “Hindi, ang ingay mo!” he whispered. “Mga kaibigan ko ‘yon! Nabugahan lang uniform ko!” Sabi niya naman. Mukhang nagpapalusot lang, e! Umuubo siya, e! Nagyosi talaga ‘to! “Weh? Paamoy nga ng hininga?” Pagbibiro ko pero ginawa niya naman! Na-estatwa pa ako saglit dahil sa ginawa niya. Ano ba ‘yan, 5 seconds lang?! Hindi man lang ginawang 10! Ang bango ng hininga niya, jusko! “Umiyak ka?” Tanong niya kaya nawala ang ngiti ko. Anong umiyak?! Hindi naman ako naiyak sa cr! “Hindi ha! Bakit ako iiyak?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Wala,” he shook his head. “Ang lungkot kasi ng mata mo.” I cleared my throat. Ang seryoso naman ng hitsura niya ngayon! Nag-iwas ako ng tingin at humalukipkip. “Share mo?” Natatawang sabi ko kahit ayoko naman talagang matawa roon. Hindi lang ako sanay. Mas gusto ko pang mag-joke na lang siya kesa sabihin sa‘kin na nahahalata niyang malungkot ako. “Tara na nga! Ang baho mo, Thirdy! Mag-alcohol ka roon!” Pinagalitan ko siya pero natawa lang siya sa‘kin dahilan para mapataas ang kilay ko! Iiwanan ko na dapat siya roon pero nakita kong naglalakad si Lori paakyat ng hagdan, nakita kami. Nawala ang ngiti sa labi niya nang makita niya si Thirdy. “Oh, tapos na si Ma'am?” Nilapitan ko siya. Naalis ang tingin niya kay Thirdy dahil napatingin siya sa‘kin. “Tapos na, DISS na subject natin ngayon,” she answered. Tumingin ulit siya kay Thirdy. Bakit ba panay tingin nito? Crush niya siguro. Sabagay, pogi naman talaga. “Magkaibigan kayo?” Tumingin ako kay Thirdy nang itanong niya ‘yon. Ano ba dapat kong sabihin? Hindi naman kami magkaibigan! Hindi nga kami close niyan dati, pero ngayon parang bff na! Pero syempre, hindi ko naman pwedeng sabihin na kaibigan ko ang lalaki lalo na‘t hindi niya alam. “Hin-” “Yes,” si Thirdy na ang sumagot. “See you, Saf!” Hindi nakatinging sabi niya paakyat ng hagdan. Naglakad siya paakyat ng hagdan kaya naiwan kami rito ni Lori. Ngumiti na lang ako at inaya na siyang bumalik sa room. Last subject namin ang Discipline and Ideas kaya naman sa school na ako nagpalit ng damit para sa trabaho. Hindi na ‘ko makakauwi dahil late na ako ng 10 minutes kasi nag-overtime si Sir! At tingin ko, mas lalo akong male-late dahil wala na akong pamasahe sa jeep! Naka-budget na ang pera ko at puro pambayad ‘to. Napakamot na lang ako sa ulo at sinimulan nang maglakad. “Hay, tanginang buhay.” Bulong ko. “Sabay ka na.” Napalingon ako sa likod nang makita si Thirdy. At... pareho kami ng uniform! Anong trip ng siraulong ‘to?! Kailan pa siya nagkaroon ng ganitong uniform?! “Gago, anong trip mo?! Bakit ganiyan uniform mo?!” Bahagyang natatawang tanong ko sa kaniya. “Naghahanap kasi ako ng trabaho kahapon, e... hindi naman ako tinanggap,” napakamot siya sa ulo niya. “Tas nakita kita sa ‘kape tayo’, ayon nag-apply ako.” “Gago?! Isang araw lang tanggap ka agad?!” Nung ako nag-apply, halos wala na yata silang balak padalhan ako ng email! “Edi surprise kasi katrabaho mo na ako!” Parang batang sabi niya. “Gago!” “Hindi mo ba kayang magsalita ng hindi nagmumura kapag nagkikita tayo?” He asked. Tumawa ako dahil may point siya. “Pake mo?” Tumawa ulit ako. “Tara na nga,” hinawakan niya ang palapulsuhan ko kaya napalapit ako sa kaniya. Hindi ako umangal habang pumapara siya ng jeep. Siya ang nagbayad kaya sabi ko tutulungan ko na lang siya mamaya kapag hindi niya alam ang gagawin. Mukhang maganda rin na dito siya nagtatrabaho. Pakiramdam ko ay tataas ang sahod namin dahil dumarami ang customer! Pero sa kaniya lang nakapila! “Umamin ka nga, boyfriend mo si Yohan ‘no?” Tanong ni Ate Cindy kaya nasamid ako. Jusko naman! ‘Yang lalaking ‘yan, boyfriend ko?! Sana nga! “Mukha bang type ako niyan?” Nakataas ang isang kilay ko. “Jusko, Saddy! Tinatanong pa ba ‘yan?! Ang ganda mo kaya!” Napairap siya. “Alam mo ba, minsan ‘yung mga babaeng customer, tinatanong din pangalan mo!” “Aware naman ako roon,” I flipped my hair, nagyayabang. “Pero ang tanong ko, type niya ba ako? Hindi ‘diba? Kaya huwag kang chumismis dito, Ate!” Napatingin ako sa glass wall at napangiti sa sarili ko. Maggagabi na. Ang ganda na ng kulay ng langit. Napatingin ako kay Thirdy na ngayon ay nakatitig sa‘kin. Hindi na nga iniintindi ang customer na umoorder sa harap niya! Naglakad ako palapit ang bahagya siyang tinulak para makuha ang order nila. Mabuti na lang at hindi sila umangal kahit halata sa mukha nila ang kagustuhang makausap si Thirdy. Nang makuha ko ang lahat ng order ay hinarap ko si Thirdy na nakahalukipkip. “Magtatrabaho ka ba or tititigan mo lang ako?!” Mahinang tanong ko, pinapagalitan siya. “Mukha ka kasing joke,” inirapan niya ako! Babatukan ko dapat siya kaso nagsalita siya ulit. “You‘re happy. Ganiyan ka dapat palagi!” “Hindi ako masaya, okay?! Maganda lang ‘yung langit!” Napairap naman ako sa kaniya. “Gawin mo na nga trabaho mo!” “Hoy! Mamaya na kayo mag-LQ, bigay niyo na ‘to roon!” Natatawang sabi ni Ate Cindy, may hawak na mga order. Gusto ko siyang batukan dahil nang-aasar siya! Hindi ko naman talaga boyfriend ‘to, bakit naman kami mag-LLQ?! Napairap pa ako lalo nang tumawa si Thirdy bago kuhain ‘yung mga order. Hindi man lang tinanggi! “Ano?” Nangingiting tanong sa‘kin ng lalaki. “Anonas,” I rolled my eyes which made him laugh. Nang matapos ang trabaho namin ay sa‘min na iniwan ang shop para kami na rin ang magsarado. Hinintay ko lang matapos si Thirdy maglinis ng trabaho niya dahil tapos naman na ako. I took the cigarette from my bag and lit it. I crossed my arms as I watched him. When he finished closing the shop, he looked at the cigarette I was holding so I offered it to him. “Nagyoyosi ka?” He asked. Tumango naman ako at nagsimula nang maglakad. Hindi ko naman palaging ginagawa ‘to. Nagyoyosi lang ako kapag pakiramdam ko‘y sasabog na ang dibdib ko. “Try mo?” Ngumiti ako‘t nilapit sa kaniya. Agad niyang nilayo ‘yon, umuubo-ubo na. “May asthma ako!” bahagya siyang natawa. I bit my lower lip. Tinapon ko agad ‘yon at inapakan pa. Hindi naman kasi niya agad sinabi! “May alcohol ka?” Tanong ko. May kinuha siya sa bag at inabot sa‘kin. Naglagay ako sa kamay ko at binalik sa kaniya. “Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na ha!” “Ihahatid na kita, delikado na sa daan,” sagot niya naman. “Wow, gentleman!” Pang-aasar ko. “Ako lang ‘to, Safarah!” Tumawa siya, hinampas pa ang dibdib. Marami na rin kaming napagkwentuhan, puro tungkol lang sa school. Hindi na rin kami nag-jeep dahil wala ng dumadaan ngayon dahil gabi na kaya naglakad na lang kami. Nakakabwisit nga, talagang pinagpipilitan niya na mas madali ang math! Mas madali kayang gumawa ng essay kesa mag-solve ng mga letcheng numbers! “Feel ko engineering kukuhain mong course, mahal ‘yon ‘no?” Tanong ko. “Bs Psychology,” he replied. “Sagot ng tita ko, at gusto niya para sa HR nila ako magtatrabaho. Gusto ko rin naman kaya tinanggap ko na lang.” Napangiti ako sa sinabi niya. Grabe ang swerte niya naman! Psychology rin kukuhain ko e, nag-HUMSS lang talaga ako dahil ayoko ng math. May math din naman sa grade 11, pero next school year, wala na! “Pareho tayo,” nakangiting sabi ko, hindi nakatingin sa kaniya. “Pero syempre, ako magpapa-aral sa sarili ko. Sana kayanin, ‘no? Ang daming gastos niyan!” “Kaya mo ‘yan,” he said. Tumingin ako sa kaniya at nginitian din siya. Ang saya lang dahil hindi naman talaga kami close, pero hindi awkward ang pakiramdam kapag magkausap kami. “Feel ko talaga gusto mo ako e,” bahagya akong natawa. Matagal siyang natahimik sa sinabi ko. Kaya napatigil ako sa paglalakad para harapin siya. Gago, seryoso?! Weh?! Mema lang siya, e! Nahihiya niyang inilagay ang kamay niya sa batok bago nagsalita. “Galing mo pala,” he chuckled. Tinaas ko ang isa kong kilay, nagtataka sa sinasabi niya. “Kung feel mo gusto kita,” tinignan niya ako. “Hindi ka nagkakamali.” ——— >
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD