“Ano? Tanginang ‘to, nababaliw ka na ba?” Galit na sabi ko, gusto ko na siyang sabunutan! Kung hindi lang ako niyayakap ni Thirdy, sigurado akong nasabunutan ko na siya ngayon! “Ginawa mo ‘yon?” Kalmadong tanong ni Thirdy pero alam kong galit na siya. “Thirdy I was... Inlove with-” “Bullshit,” galit na sabi ni Thirdy. “Huwag na huwag mo akong hahawakan kung alam mo sa sarili mong ginago mo girlfriend ko.” Bahagya kaming lumayo kay Lori. “Tangina, now I know kung bakit palaging nag-iiba mood mo kapag nababanggit ko dati si Thirdy,” napatango ako habang nagpupunas ng luha. “Anong klaseng tao ka... P-Para ipapatay ako?” “Hindi! I just told him to scare you! Not to hit you!” “Eh, putangina! What‘s the difference, Lori?!” Sigaw ko kaya napaatras ang babae. “Pinatanggal mo ako sa trabaho

