CHAPTER 2 (ANG PAG-AGAW SA TRONO AT PAGSAKOP SA ALCONA)

998 Words
ANG PAGSAKOP SA ALCONA "Agorn, saan ba tayo pupunta?" tanong ni Pagudpot kay Agorn nang mapansin niyang papalayo na sila ng Alcona. Ngumisi si Agorn at biglang nag-alulong nang malakas. "Howl." Pagkatapos ay nag-anyong lobo si Agorn. Dahilan upang biglang kilabutan si Pagudpot. Nakaramdam din siya ng takot nang biglang dumagsa ang mga itim na lobo pati na rin ang mga puting lobo. "Hasila, Agorn," bati ni Romulus, ang matalik na kaibigan ni Agorn. "Ano ang 'yong kailangan? At bigla mo kaming tinawagan?" Napatingin si Romulus kay Pagudpot. "Bakit mo kasama ang magaling na manghuhula?" tanong ni Romulus sa kaibigan. Nagkislap ang mga mata ni Agorn at muling nag-anyong tao. Tumingin siya kay Pagudpot. "Ipinatawag ko kayo. Dahil may gustong ipaalam sa inyong lahat. Ang mata ng Wolverland," makapangyarihang salita ni Agorn. "Pagudpot, ano ang iyong nais ipaalam sa amin?" tanong naman ni Alamid, ang puting lobo na may lihim na inggit kay Haring Magnus. Tinapik-tapik ni Agorn ang pakpak ni Pagudpot. "Ano pang hinihintay mo? Sabihin mo na sa kanila. Ang tungkol sa iyong nakita," makapangyarihang utos ni Agorn kay Pagudpot, gamit ang kanyang buo at malagong na boses. Napalunok si Pagudpot at wala nang nagawa. Kung 'di ang magsalita. "Nais kong ipaalam sa inyo, ang tungkol sa aking nakita mula sa magiging supling ni Haring Magnus," pasimula ni Pagudpot. "Ano ang tungkol sa magiging supling ni Haring Magnus?" seryosong tanong ni Alamid kay Pagudpot. Huminga muna nang malamin si Pagudpot bago muling magsalita. "Nakita ng aking mga mata na ang magiging supling ni Haring Magnus, ang sinasabi sa propesiya. Ang puting lobo na magsisilang ng isang lobo na may dugong bampira. Sa madaling salita, ang supling ni Haring Magnus. Ang magsisilang ng pulang pangil na siyang kinatatakutan ng lahat na mangyari, dito sa Lunaria. Dahil ang pulang pangil ang sasakop sa buong Wolverland at buong sangkatauhan," pagtatapat ni Pagudpot na labag sa kaniyang loob. Dahil nangako siya sa harig ililihim niya ang tungkol sa kaniyang nakita. "Kaya ipinatawag ko kayong lahat. Dahil planong ilihim ni Haring Magnus. Ang tungkol sa kaniyang magiging supling," seryosong wika ni Agorn. "Kailangang tuparin ni Haring Magnus, ang kaniyang salita," makapangyarihang salita ni Alamid. "Hindi kami makakapayag na manatili dito sa Lunaria ang supling ni Haring Magnus," segunda naman ni Romulus. Samantalang ang ibang lobo naman ay nagkaisa nang isinigaw. "Kailangan silang paalisin dito sa Lunaria." Kumislap ang mga mata ni Agorn. Dahil nakuha na niya ang simpatya ng lahat ng lobo sa Lunaria. Hindi na siya mahihiralang kunin ang trono mula sa hari ng mga lobo. Samantalang sa isang tabi naman ay nanlumo na si Pagudpot. Halatang sinisisi niya ang kaniyang sarili. Dahil nakita niya sa kaniyang mga matang— magiging magulo ang Lunaria. Dahil mas mangingibabaw ang kasamaan ng mga itim na lobo. Maghahasik din ang mga ito ng kasamaan sa mundo ng mga mortal. "Patawarin mo ako, Haring Magnus," bulong ni Pagudpot sa kaniyang sarili. Habang nagsisisi si Pagudpot ay isang plano ang nabuo mula kay Agorn. "Kukunin ko ang trono mula kay Haring Magnus. Dahil hindi na siya dapat manatili dito sa Lunaria bago sumapit ang kabilugan ng buwan. Dahil masasakop ko na ang Alcona at ako na ang magiging hari ng buong Lunaria," malakas na sigaw ni Agorn. "Howl," sabay-sabay na alulong ng mga lobo. Habang ang lahat ay sang-ayon sa plano ni Agorn. Si Alamid naman ay may naramdamang inggit. Dahil matagal na niyang gustong maging hari ng Alcona. Samantalang sa isang tabi ay nag-iisip ng paraan si Pagudpot. Kung paano niya, makakausap ang hari. Kaya habang abala sina Agorn sa pagplano ay nag-anyong kwago na siya. Upang makatakas kay Agorn na hindi siya nito mapapansin. *** Dumating na ang pinakahihintay na araw ni Haring Magnus. Dahil mamayang gabi’y isisilang na ni Helena ang kanilang supling. Kasabay ng kabilugan ng buwan. Sa gitna ng kaligayahang nararamdaman ni Haring Magnus ay wala siyang kamalay-malay na ang araw din na ito ang magiging katapusan ng kaniyang pagiging hari. Nagtataka naman si Haring Magnus. Kung bakit? Wala ni isang lobo sa Alcona. Habang naghihintay ng oras si Haring Magnus ay biglang dumating si Pagudpot. Mabilis siyang nagpalit ng anyo mula kwago ay nag-anyong taong-ibon na siya. "Hasila, Haring Magnus," bungad ni Pagudpot habang hinihingal. Tumango si Haring Magnus. "Hasila, Pagudpot, ano't bigla kang sumulpot ng Alcona? Hindi naman kita pinapatawag," malagong na tanong ni Haring Magnus. Huminga muna nang malalim si Pagudpot, upang kumuha ng buwelo para magsalita. "Haring Magnus, kailangan n'yo nang lisanin ang Lunaria. Bago pa tuluyang makuha sa iyo ni Agorn ang mahiwagang bato na 'yong pinanghahawakan bilang hari ng Alcona," pagtatapat ni Pagudpot kay Haring Magnus. Hindi naman maalis ang pagtataka sa mukha ni Haring Magnus nang dahil sa ipinagtapat ni Pagudpot. "Ano ang iyong ibig sabihin, Pagudpot?" makapangyarihang tanong ni Haring Magnus. Tumungo si Pagudpot at lumuhod. "Mahal na hari, narinig po ni Agorn ang tungkol sa inyong anak. Gagamitin niya ito upang mapaalis ka ng Lunaria. At nang makuha ang mahiwagang bato mula sa ‘yo. Dahil gusto niyang masakop ang Alcona. Upang siya ang maging makapangyarihan sa buong Lunaria.” muling saad ni Pagudpot. "Ako nang bahala ang kumausap sa kaniya," mabilis na tugon ng hari ng mga lobo. Umiling si Pagudpot. "Haring Magnus, kailangan ninyong lisanin ang Lunaria. Dahil kung hindi ay tuluyan kang mawawala sa iyong pwesto bilang hari." Tinitigan niya si Haring Magnus at muling nagsalita. "Patawarin n'yo po ako. Nang dahil sa akin, alam na ng lahat ang tungkol sa inyong supling. Kaya kailangan n'yo nang lisanin ang Alcona. Mas mabuting isilang ni Helena, ang inyong anak sa Tranavana. Nang hindi nila kayo masundan." mungkahi ni Pagudpot. Natigilan naman si Haring Magnus, dahil sa mga sinabi ni Pagudpot. "Haring Magnus, kailangan na nating magmadali. Bago pa nila tayo maabutan.” Tumingin siya sa mahiwagang bato. “At huwag mo pong kakalimutan na dalhin ang inyong mahiwagang bato. Upang sa muli mong pagbabalik ay mabilis mong mabawi ang 'yong trono," paalala ni Pagudpot kay Haring Magnus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD