KEYCEE’S POV FLASHBACK "Bye, bes! Bye, hot sauce!” Hinaplos pa ni Marian ang tiyan ko nang tuluyan na kaming makalabas sa department. Hindi pa naman talaga oras ng uwian, sadyang maaga lang nag-dismissed ang teacher namin sa huling subject dahil may hahabulin daw siyang meeting. Namilosopo pa nga ang magaling kong kaibigan na si Marian, sumagot ba naman na may paa na raw pala ang meeting dahil kailangan na habulin. Buti na lang ay mabait ang teacher namin at may pagka-joker din kaya tinawanan lang siya nito, pero siguro kung si Ace ang ginano'n niya—iiyak 'to habang tumatawa. “Bye, Labuyo!” Pati rin si Jezza ay nakigaya na. Humaplos din sa tiyan ko. Pero bahagya akong nainis dahil sa mga imbento nilang pangalan. Parang mga tanga! “Tigilan n’yo nga ang pagtawag ng kung anu-ano sa bab

