KEYCEE'S POV Salubong ang kilay ko habang naglalakad papunta sa upuan namin nila Marian at Jezza, sa bandang dulo. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit tinawag akong bes ni Ace. Hindi kaya napuno na s'ya sa 'kin at nawalan ng pagmamahal kaya ngayon friends na lang kami? "Ba't parang pasan mo ang daigdig?" puna sa 'kin Jezza pag-upo ko sa gitna nila. Si Marian naman ay busy sa pag-scroll sa kaniyang cell phone, hindi man lang ako pinansin ng bruha. Wala rin akong nakitang pagkain na binilin ko sa kaniya, buti na lang ay nabilhan na ako ni Ace. "Tulalaers ka na naman! 'Wag mo masyadong isipin 'yon, mahal ka no'n!" "Palagay ko hindi na," walang gana kong sagot habang diretso ang tingin sa sahig. "Kaibigan na lang yata ang turing n'ya sa 'kin." "Oo nga. Tingnan mo 'tong story n'ya." Bumal

