KEYCEE'S POV Buong klase akong tulala dahil sa pag-iisip sa naging resulta ng pregnancy test ko. Kahit saan nga yata ako tumingin ay puro dalawang linyang pula ang nakikita ko. At noong matapos ang huli naming klase, doon pa lang parang nag-sink in sa akin ang baligang buntis ako. Magkakaanak na kami ni Ace? Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko at parang gusto kong umiyak at maglupasay sa sobrang saya. Oo, alam kong hindi pa rin kami goods ng asawa ko pero hindi na ako makapaghintay na makita siya at ibalita ang pinakaaasam-asam din niya. "H'wag ka umiyak, beshywap. Lalo na ngayon na...alam mo na...bawal sa'yo ma-stress. Hindi makakabuti sa inaanak namin," baling sa 'kin ni Marian sabay abot ng panyo. Naglalakad na kasi kami sa hallway dahil tapos na ang klase at hindi

