KEYCEE'S POV "Good morning, wifey..." nakangiting bati sa akin ni Ace habang humahaplos ang kamay niya sa tagliran ko. 'Wag niya sabihing gusto pa ulit n'ya? Nilumpo na nga n'ya ako kagabi! Kung makabira pa naman ang turon n'ya akala mo isang buwan hindi pina-change oil samantalang dalawang araw lang naman! 'Yon pa nga ang dahilan kung bakit hindi ko naituloy ang sasabihin ko kagabi noong ipapaalam ko na sana sa kaniya na buntis ako. Sa sobrang tindi pa nga ng pagbira niya ay halos magiba ang kama ko. 'Yong dating matino kong kama ay biglang lumangitngit kagabi at halos abot yata hanggang kanto ang tunog no'n kaya napilitan pa akong ikonekta ang cell phone ko sa malaking speaker para lang makapagpatugtog nang malakas at hindi mahalata ni Ryan na may nangyayaring delubyo sa kwarto ko.

