KEYCEE'S POV “I…I missed you, too...Ace.” Bumitaw sa 'kin si Ace at tiningnan ako, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "What did you say?" tanong niya habang nagpipigil ng ngiti. Kinilig ba siya? "Wala." Tinalikuran ko siya at bumalik ako sa bed ko, naupo ako sa gilid dahil medyo mahapdi ang paa kong may sugat. "Gusto ko ng magpahinga." “Sige na, magpahinga ka na. Alam kong pagod ka. Bukas tayo mag-uusap 'pag okay ka na.” Lumapit siya ulit sa 'kin at yumuko para halikan ang noo ko. “Good night.” Then he left my room. Naiwan naman akong nakaupo pa rin sa gilid ng kama. Ano na ang gagawin ko ngayon? Alam na ni Ace ang totoo. Wala na 'kong lusot. Siguro, kailangan ko ng makausap si mama. Kailangan kong sabihin sa kaniya ang nangyari. At kung kinakailangan na pilitin ko si mama na is

