KEYCEE'S POV Itinabi ko sa bag ko 'yong card na binigay sa 'kin noong lalaki na Zen ang pangalan, na muntik makasagasa sa 'kin. Bumalik na 'ko sa apartment, at swerte dahil wala si Ace, mukhang pumasok na siya sa school. Kanina nagdesisyon ako na hindi muna papasok. Pero naisip ko na mas lalo lang akong malulungkot kung magmumukmok ako dito sa apartment mag-isa kaya naman naligo na 'ko at gumayak. At least malilibang ako nang kaunti kapag kasama ko si Marian at Jezza. *** Pagdating ko sa school, abot ang tanong ni Jezza at Marian sa 'kin kung bakit daw ako naka-shades. Oo, nag salamin ako para hindi nila makita ang mugtong-mugto kong mga mata. “May sore eyes ako," sagot ko sa kanila. Umupo na 'ko sa upuan ko sa dulo at tumabi naman sila sa 'kin. “Dapat hindi ka na lang pumasok at na

