KEYCEE'S POV Nang imulat ko ang mga mata ko, sumulyap agad ako sa suot kong relo. Alas dose na. Hindi ko namalayang nakaidlip ako nang umiiyak at hindi man lang kumain dahil sa sama ng pakiramdam ko. Bumangon ako sa couch dahil kahit papaano naman ay hindi na ako masyadong nahihilo. Paano 'ko nasabi? Nagawa ko na kasing humakbang at lumapit sa desk ng asawa ko para tirahin 'yong mga pagkain na iniwan niya ro'n. Inuna kong kainin 'yong kanin at chicken. Sa sobrang gutom ko, pati ang para dapat kay Ace ay nilantakan ko na rin. Isinunod ko pa ang buger at fries. Nang maubos ko ang lahat ay tinungga ko naman ay softdrinks, kasunod ang pagkalakas-lakas kong dighay. Thanks, God. Muli akong lumapit sa couch para kuhanin ang uniform kong nakasablay ro'n. Kailangan ko na magbihis dahil ala-una

