DOSE 7 Steam of TRUTH

1748 Words
Dose 7 Nakatitig lang ako sa bill ng tubig at ileco na nasa kamay ko. Panibagong bill nina Asia sa bahay nila, nakuha ko ito ulit kanina ng dumaan ako roon, umaasa na baka maabutan ko ang Papa niya at mapakiusapan ko. Bill ito last month, nong March. "Baka alam din ni Euro na nagtatago talaga ang kapatid niya. Kaya hindi na siya nag alala ng hanapin mo ito sa kanya." Saad ni Salome. "Sa katunayan na gulat siya ng sinabi kong nawawala si Asia." "Hello, maaring alam niya rin ang lahat. Bakit naman magsisinungaling ang Papa niya sa kanya diba?" Napasandal ako sa upuan, tama si Salome. . . Pero may punto rin na baka pati si Euro ay walang alam. Isa na lang ang pwede kong pagtanungan. Si Tita Italya. Ang Mama ni Asia. Siya na lang ang tanging pwede kong pagtanungan, siguro naman ay hindi siya magsisinungaling. Kahit ano pa ang malaman ko, kahit gaano pa kasakit tatanggapin ko. Hindi ako tuluyang matatahimik kung hindi ko malalaman ang tunay na dahilan. Kung tinatago lang nila sa akin si Asia, maiintindihan ko naman. Kung ayaw na saakin ni Asia, pagbibigyan ko na siya. Ang gusto ko lang ay matahimik na ako sa mga tanong ko. "Tulungan mo ako, Salome." Bigla kong turan. Napatingin naman ito sa akin na tila hindi makapaniwala, alam ko ang iniisip niya. . . Pero kahit anong gawin ko hindi na ako matatahimik pa. "Dennis, nangako ka na kay Tita!" "Last na 'to, please Salome." Napabuntong hininga ito at mataman akong tinitigan. "Promise me to manage your expectation and control your breakdown kapag na failed ka ulit sa paghahanap sa kanya. Ayaw ko na muling pulutin ka sa barangay hall, Dennis." Marahan akong tumango at niyakap siya. "Hahanapin natin si Italya Lope Plaridel." Saad ko na punong puno ng pag-asa. Wala na akong inaksayang oras, mabuti at nakakuha ako ng numero ng telepono ng siminary school kunh saan pumasok si Euro. Nabanggit niya na nasa abroad si Tita Italya. Doon siya nagtuturo. Gusto kong makasiguro, sana naman ay ibigay ni Euro ang ang numero ni Tita. Nag paload ko at tinawagan ang numero, unang sumagot ay ang sekritarya ng Kura. Pinaghintay pa ako mg ilang minuto, Kaunti lang ang load ko kaya hindi na ako nag paligoy ligoy pa ng sagutin ito ni Euro. "Euro, si Dennis to." "Oh! Dennis, nagkita na kayo ni Asia?" "Euro saka na ako magpapaliwanag, bitin ang load ko. Pwede ko ba makuha ang numero ni Tita Italya? Importante lang." "May problema ba diyan sa bahay, Dennis?"" "Saka na ako magpapaliwanag, pakiusap kailangan kong makontak si Tita." "Kumuha ka ng papel at ilista mo ang numerong babanggitin ko." Dali dali akong kumuha ng papel panulat, nanginginig ang mga kamay ko habang itinatala ang mga numerong binabanggit niya. "Dennis, ano ba ang nangyayari?" "Hindi ko pa rin nakikita si Asia, Euro. Makinig ka, hindi na sila nakatira sa bahay niyo sa Jaro. Kung na saan si Asia ay talagang hindi ko alam. Kaya kung alam mo, parang awa mo na Euro, sabihin mo na lang sa akin." "Na sa bahay sila ni Papa sa Jaro, 'yan ang alam ko Dennis." "Pwes, mali ang alam mo." "Uuwi ako diyan ng mapatunayan ko ang sinasabi mo." Saad nito. Ng maputol ang tawag ay agad akong lumabas para muling mag pa load para ma contact ko si Tita Italya sa labas ng bansa. Hindi ko alam pero tila hindi ko na kayang palampasin pa ang bawat segundo. . . Agad kong tinawagan si Tita Italya, ni hindi na sumagi sa isip ko kung nag tra-trabaho ba siya sa oras na ito, o baka bawal ang tawag sa kanila ng ganitong oras. Nakailang ring pa bago sumagot ang kabilang linya, ramdam ko ang pamamawis ng aking mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa cellphone. "Hello?" "Hello po, Tita Italya. Si Dennis po ito, Dennis Cercado." "Oo kilala kita, bakit ka napatawag?" "Tita, itatanong ko lang po kung saan na ngayon nakatira sina Asia?" "Sina Asia? Naiwan siya sa Papa niya sa Jaro. Doon pa rin sa bahay namin, Dennis." Tila masisiraan na yata ako ng bait, bakit ba ipinipilit nilang nandito lang sa Jaro sina Asia?! "Tita, two years na pong walang tao sa bahay ninyo. Dalawang taon ko na po kayo hinahanap, hindi po nakarating si Asia ng graduation namin ng high school. Hindi ko na po siya nakita after ng sixteenth birthday niya." "Dennis, impossible ang sinasabi mo. Nasa Jaro lang sina Asia. Hindi ko man siya nakakausap sa telepono, pero nagsusulatan pa kami." Hindi ko na naman mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Nagsisinungaling din siya, nagkakampihan sila lahat para itago sa'kin si Asia. "Tita, parang awa niyo na po. Matagal na matagal ko na po hinahanap si Asia." Garalgal ang boses na pagmamakaawa ko sa kanya. "Nagsasabi ako ng totoo, Dennis! Anong dalawang taon ang sinasabi mo, nakarating si Asia sa graduation niyo! Siya mismo ang nag kwento ng sulatan niya ako dito. Hindi kita maintindihan, h'wag mo naman akong bigyan na alalahanin dito sa abroad." May mali na sa mga nalalaman ko. May mali na! "Tita, kailan kayo umalis?" "After ng sixteenth birthday ni Asia." Si Euro ang unang umalis sa kanila, mali mali ang mga nakakarating sa kanila. I hope, hindi nila ako pinagkakaisahan. "Wala po bang na kuwento sa inyo si Asia, para iwanan niya ako ng walang pasabi?" Asia lied to her Mom. Hindi siya nakarating sa graduation, at iyon ang malinaw na malinaw na kasinungalingan! "Nasabi niya sa'kin sa sulat na break na kayo dahil gusto na niyang mag focus sa career niya sa pagkanta at pag aaral. Deans lister ang anak ko sa Jaro University, at myembro ng chorale kagaya ng high school kayo." Lalong nagulo ang isip ko sa mga bagay na aking nga napagtanto. "Tita Italya, labis akong nababahala sa mga nalalaman ko. Pero lahat ng sinasabi niyo ay walang katotohanan, sa Jaro University po ako nag aaral at walang Asia Plaridel ma myembro ng chorale at deans lister doon. Tita, sana maniwala ka. . . Dalawang taon ng nawawala ang anak niyo." Ano ang nangyari saiyo Asia? Nagtatago ka ba talaga o talagang nawawala ka. Parehong walang alam sina Euro at Tita Italya sa mga nangyayari, tanging ang Papa niya na lang ang susi para matuntun at malaman namin kung ano ang tunay na nangyayari kay Asia. KINAUMAGAHAN pumunta ako sa bahay nila Asia. Nagbabakasakali na mapadaan doon ang Papa niya. "Mabuti nga ngayon wala na 'yong amoy ng canal." Saad ng Ale na napadaan sa may gate. "Ewan ko ba sa bahay na iyan, wala namang tao pero barado ang canal! Amo'y patay na hayop." Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila pero alam kong bahay nila Asia ang tinutukoy nila. "Ale!" Tawag ko sa mga ito, napahinto sila at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit, Hijo?" "Ano pong problema sa bahay na ito?" Tukoy ko sa bahay nila Asia. "Ng nakaraang mga buwan, bumara daw ang canal nila diyan sa loob. Ang baho-baho. Mabuti ngayon at naayos na, umuwi kasi diyan ang may ari ng nakaraan." "Sino pong may ari?" "Si Cyprus, 'yong padre de pamilya." "May kasama po ba siya? 'Yong anak niya?" "Ah, 'yong singer! Hindi hijo, eh. Balita nga namin sa Papa niya, isinama daw ito ng Kapatid niya sa Antique at doon na nag aral." Putang*na. Napapamura ako ng ilang beses sa aking isip, ano bang nangyari at labis-labis ang pagsisinungaling nila?! "Alam mo bago nawalan ng tao diyan, may nangyari diyan sa Papa nila, e." Singit ng isa pang Ale. "Ano po ang ibig niyong sabihin?" "Hindi ko alam kung maniniwala ka, 'yong si Cyprus kasi napakabait na padre de pamilya at kapitbahay 'yan, ang alam ko iniwan 'yan ng asawa niya dahil na aaning na raw. May mga nakikitang kababalaghan at hiwaga diyan mismo sa bahay nila." Sa lahat ng impormasyon na idinagdag ng Ale, ay ang naaning lang ang naintindihan at gusto kong paniwalaan. Kung totoo man lahat ng iyon ay possibleng may kinalaman ito lahat sa pagkawala ni Asia. Pero kung may malinaw man sa ngayon, 'yon ay ang pagsisinungaling ng Papa niya sa pamilya nila. Naghintay pa ako sa bahay nila Asia, hanggang sa naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. May text ako mula sa numero ni Euro na nagpapakilalang si Euro. "Uuwi ako ngayon, Dennis. Si Euro ito, magkita tayo." Nereplyan ko agad siya na nasa labas lang ako ng bahay nila, at doon ko siya hihintayin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Euro kapag sumabog sa mukha niya ang katotohanan na matagal na silang niloloko ng padre de pamilya nila. Malamang na sa ibang probinsiya niya na dinala si Asia para doon pag aralin. Kung titingnan ang bahay nila Asia na bungalow style, isang tingin lang at malalaman mo na talaga na wala ng nakatira sa bahay nila. Puno na ng tuyong dahon pati ang bubunga at terahas nila. Kinakalawang na pati itong gate, 'yong ibang halaman ay patay na. Wala ng bakas ng nakatira sa bahay na ito. Tila patay na ang imahe nito. Asia. . . Mahal ma mahal pa rin kita. Hindi ko alam pero nabuhayan ako na ngayon ay uuwi si Euro, at kapag nalaman niya na talagang nawawala si Asia ay tutulungan ako nitong hanapin ang kapatid niya. Mahigit dalawang oras na akong naghihintay ng may pumaradang taxi sa aking harapan. Bumaba ang lalaking naka kulay puting t-shirt, at may kulay gold plated na krus na kwintas. Si Euro. Agad itong dumalo sa akin habang na sa balikat ang bag niya. Mula sa akin ay lumipat ang mga mata niya sa bahay nila. Tila natigilan ito at napakunot ang noo, napapailing ito at parang nabuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan niya. Agad itong pumunta sa gate nila para tignan, ngunit nakakandado ito. "Pa! Asia!" Katulad ko ay kinalampag nito ang maliit at kinakalawang na nilang gate. "Pa, Asia! Nandito si Kuya!" Paulit ulit lang ang ginawa nitong pagsisigaw, hindi nakatakas sa aking paningin ang namamasa niyang mga mata. "Euro. . . Wala na sila diyan." Napatingin ito sa akin, tila hindi niya malaman kung ano ang gagawin. "Gagawa tayo ng paraan, hahanapin natin ang kapatid ko!" Sa pagkakataong ito. . . Wala na ang lahat ng lungkot, pangungulila, sumbat, at sakit. . . Lahat ay napalitan ng pananabik. Malapit na Asia. Malapit na kitang makita muli. DOSE 7: STEAM OF TRUTH
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD