Dose 8
Halos mag puyos ang buong sistema ko sa hindi maipaliwanag na galit. Noon pa man alam kong tutol na si Tito Cyprus at Tita Italya sa relasyon namin ng anak nila. Maliban sa bata pa kami pareho ay hindi nila matanggap na mag aasawa lang si Asia ng taga rito lang. Matayog ang pangarap nila para kay Asia, na balang araw ay magiging sikat siyang singer dito sa Iloilo.
Pero hindi naman siguro ibigsabihin no'n ay ilalayo at tatanggalan nila ng karapatan si Asia na maging masaya.
"Dapat ay sasama sa akin si Asia sa Antique para doon mag aral, pero nakiusap siya sa akin na h'wag ko na siyang pilitin dahil hindi kayo pwedeng magkalayo." Saad ni Euro habang tinapunan ako ng tingin.
Nasa sala kami habang ikinukwento ni Euro ang mga nangyari bago siya umalis, he made up his mind to stay at sabay naming hanapin ang Papa at kapatid niya.
This time I felt the peak of hope that soon I will finally be with her again.
"Pinagbigyan ko si Asia na h'wag na sasama. Dapat ay maiiwan na si Papa mag isa, pero 'yon nangyari kasi mas pinili ni Asia na maiwan kay Papa."
Napatingin ito saakin, tila ba sinasabi nito na ako ang rason kung bakit hindi pinili ni Asia ang Antique.
"Nag iba na si Papa simula ng mawalan siya ng trabaho, ayaw na niyang mag trabaho pa sa iba kaya kami nag ka problema pinansiyal dati. Maliban do'n nagiging madalas na ang pag se-self pity niya, minsan nasasaktan niya kami ni Asia. Pero sa kabila no'n mahal na mahal siya ni Asia. Papa's girl 'yon, e."
Nakikinig lang kami nina Mama sa mga kwento ni Euro, kahit ngayon hindi ko pa rin matahi tahi ang kaganapan.
"Sa palagay ko Dennis, sinadya ni Papa na ilayo na sa amin ang kapatid ko. Galit siya kay Mama dahil na ngibang bansa ito. Pero alam ko na sa malapit lang sila, tubong Molo Iloilo lang naman si Papa, e."
"Siguro nga, kasi ng nagkita kami ng isang araw sa labas ng bahay niyo ang sabi niya hinding hindi ko na raw makikita si Asia."
"Kapag nakita na natin si Asia, hindi na ako papayag na manatili siya kay Papa. Siguradong nag aalala na 'yon."
Kung ano-ano pa lang kasinungalingan ang pinarating ni Tito Cyprus sa pamilya niya. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon kina Tita Italya. Siguradong sa loob ng dalawang taon ay humihinga sa lungkot at sakit si Asia dahil sa paglayo ni Tito sa kanya sa mga mahal niya.
Nakonsensiya ako sa mga pinag-iisip ko kay Asia, ni hindi ko naisip na may malalim na dahilan kung bakit nawala siya.
Patawad, Asia.
KINAUMAGAHAN binalikan namin ni Euro ang bahay nila, naghanap kami ng pwedeng ipalo sa kandado para mapasok namin ang loob ng bahay.
Nais kasi niyang linisin muna ang bahay para pansamantalang may matuluyan siya, nahihiya raw siya sa amin dahil na kwento ni Mama ang mga nangyari sa akin dahil kay Asia.
Hindi naman niya kasalanan 'yon, ang mahalaga ngayon ay magtutulungan kami para mahanap si Asia.
Hinampas ni Euro ng ilang ulit ang kandado at sa wakas ay nag bukas ito. Hindi nagtatagal ay nakagaanan ko ng loob ang kuya ni Asia na sa susunod na walong taon ay magiging ganap na pari na.
"Ayon nabuksan din, matatagalan tayo dito sa loob Dennis, pwede ka bang bumili muna ng makakain natin?" Huhugot pa sana ito ng pera ngunit pinigil ko siya.
"Ako na Euro, sagot ko na ang araw na 'to." Binigyan ko siya ng marahang pagtapik bago ako umalis.
Ang usapan namin ni Euro ay pupuntahan namin ang pamilya ni Tito Cyprus sa Molo Iloilo. At kapag nakuha na namin si Asia, saka siya babalik sa Antique kasama ito. Ayos na sa akin 'yon, at least mabibisita ko siya doon at makikita.
Wala na sa akin ang mga nangyari dalawang taon ang nakalilipas, mahalaga'y makikita ko na siya.
Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya, she's still the gal I wanted to spend the rest of my life. Handa akong maging gago, tanga, bakla, o kahit pa maging makasarili basta para sa kabutihan niya ay gagawin ko.
Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya kapag nagkita na kami. Pinagdudahan ko ang pagmamahal niya sa akin, inisip ko na iniwan niya na ako kasi kaya niya na ng wala ako, inisip ko na baka may iba na siya. Kailangan kong mag sorry dahil isang beses ay sumuko ako sa paghahanap sa kanya.
Matutupad na rin ang pangako ko sa kanya na after college ay papakasalan ko siya. Nakapag-aral man siya o hindi, nagtapos man o hindi, handa pa rin akong tuparin ang mga pangako ko sa kanya.
Asia. . . My love. You're the solely reason why I am more than willing to live my life right now.
Minsan nang huminto ang paghinga ko, 'yon ay ang mga panahon na nawala ka sa'kin, doon ko mas napagtanto kung ano ka sa para sa akin. At ngayong malapit na kitang makasama ulit, gagawin ko na ang lahat-lahat h'wag ka lang mawala sa paningin ko.
Kung pwedeng sa Antique na ako mag-aral ay gagawin ko, mahabang mahabang panahon ang dalawang taon na hahabulin natin. This time I will be braver to fight for us, ayaw man ng Papa mo o ng Mama mo ay ipaglalaban pa rin kita.
Haven. . . I never thought I am capable to love like this.
Hindi ko na hahayaang mangyari ulit ang nangyari. Dalawang taon man ang nasayang, still we have forever to work on.
Sana, Lord makita ko na si Asia. Sana siya na talaga ang babaeng para saakin. Ayaw ko na ng iba, siya lang talaga.
Bumili lang ako ng inumin, tinapay, at pang lunch namin ni Euro kila Aling Nono, bumalik agad ako kasi medyo madami ang wawalisin niya.
Na sa di kalayuan pa lang ako ngunit tanaw ko na ang mga nagkukumpulang mga tao, pamilyar sila lahat dahil mga kapitbahay sila ni Asia.
Bakit sila nandito?
Dinoble ko ang bilis ng aking mga yapak, pakiramdam ko ang bagal bagal ng mga yapak ko kahit na ang bilis bilis ko na.
Napatigil ako ng umugong sa di kalayuan ang serena ng ambulansiya at pulis.
Tila pansamantalang tumigil ang aking paghinga. . . Ano ang nangyari kay Euro?!
Humarurot sa tabing kalsada ang ambulansiya at patrol ng pulis at tumigil ito mismo sa bahay nila Asia.
Lakad takbo ang aking ginawa hanggang sa makarating ako sa mga nakikiusyoso at nagkukumpulang mga kapitbahay. Agad na naglabas ng yellow na tape ang mga pulis at pinalibutan nito ang gate nila Asia.
Tila tumigil na ang pagtakbo ng oras at napupuno ng mga bulong bulungan ang buong utak ko.
"Kawawa naman, sino may gawa no'n sa kanya?" Saad ng isang Ale.
"Mukhang matagal na siya sa loob, kawawang bata."
"Sikat na singer na sana 'yan ngayon, kaya pala nawala sila na parang bula."
"Kaya pala may sa kababalaghan ang bahay na 'yan! May nagaganap na palang karumaldumal."
Tila ayaw tanggapin ng utak ko ang mga naririnig mula sa mga Ale na nag uusap usap habang nakasilip sa labas ng gate.
"Padaan po, " tanging saad ko, agad kong na kuha ang atensyon nila ngunit wala na akong panahon para kausapin pa sila.
"Siya 'yong nobyo ng bata, 'yong laging naka tambay diyan sa labas."
Putangina!
Ano ba ang nangyayari?!
Ano ang meron, bakit may mga pulis, ano ang ibig sabihin nila?!
Dala ang mga pinamili ko ay mabilis pa sa kidlat akong pumasok sa loob. Kamuntik pa akong matalisod sa mga bote ng chlorine at gamot na nagkalat sa sahig.
Nadatnan ko si Euro na nakaupo sa upuang kahoy, nakatulala lang ito at pinipigilan ang mga hikbing gustong kumawala.
May mga pulis sa harapan niya na may mga tinatanong ngunit hindi na ito nagsasalita pa.
Napalingon ako sa nakatiwangwang na pintuan kung saan may kung anong ginagawa ang mga pulis, yong dalawa ay panay kuha ng litrato sa loob.
"Euro?" Dinaluhan ko siya sa upuan.
May kung ano sa dibdib ko ang gustong sumabog sa mga oras na ito, tila nakasarado na ang utak ko at ayaw ng tanggapin ang mga bagay na malalaman ko sa araw na ito.
May nabubuo nang teorya sa aking isipan, ngunit tila binabalutan ako ng takot na malaman na tama ako.
"Euro, ano ang nangyari?" Pinipilit kong tatagan ang loob ko.
Dahan-dahan itong lumingon sa akin habang nagpipigil pa rin ng hikbi. . . Puno puno ng emosyon ang kanyang mga mata.
"Nahanap na natin ang kapatid ko . . Nahanap na natin si Asia." Saad nito na tuluyang nagpatunaw sa depensa niya't humagulgol ito sa aking balikat.
Tila natahi na ang mga labi ko at nawalan ako ng boses sa mga pagkakataong ito. . . Dahan dahang lumipat ang mga mata ko sa isang silid na pinalibutan na rin ng yellow tape, ngayon ay may mga pumasok doon na mga tao at may naka imprintang "soco" sa likod ng mga polo nila.
Asia. . .
Asia. . .
Paulit ulit na panaghoy ng isipan ko.
Tila ang bagal bagal ng oras, ang bagal bagal ng mga yapak ko papunta sa silid na iyon.
Lahat ng pag-asa at pundasyon ng aking pagpapakatatag ay tuluyang sinalanta at hinagupit ng kakaibang lebel ng sakit. . . Sakit na hindi matutumbasan ng kahit ano.
Lumantad sa akin ang laman ng silid, agad na nanuot sa aking ilong ang pinaghalong amoy ng chlorine at bleach. Tila sinaboy ito sa buong paligid.
May mga tabletas na nagkalat, lethal weapon, posas, lubid, tape recorder, notebook at condom. . .
Tila may sarili nang desisyon ang mga luha ko, dahil kahit anong pigil ko rito ay wala akong magawa.
Lumipat ang mga mata ko sa may bintana. . . Parang binuhuasan ako ng malamig na tubig sa aking nasasaksihan.
Tuyo't lantang kalansay ang nakagapos ang mga kamay sa rehas ng bintana. . . May mga buhok na nagkalat sa sahig, hindi rin natanggal ang puting tela na ibinusal rito, nakabusal parin ito sa bibig ng kalansay. . .
Halos hindi ako makahinga ng masiplatan na may nakatarak sa magkabilang dibdib nito na knife bread.
Hindi ko siya kilala. . . Hindi na makikilala ang ang kalansay na ito.
"Possibly two months of decomposition na ang bangkay na ito." Saad ng babaeng pulis.
Nilapitan ko pa ito ng mas malapit. . . Bakas ang paghihirap niya bago siya mawala. Walang kahit na anong saplot ang natira sa kanya.
"Sir, bawal pong hawakan 'yan!" Saad ng soco ng akmang hahawakan ko ang makinang na bagay sa daliri nito.
Imposible!
Ayaw ma proseso ng utak ko ang nakikita. . . Sa daliri ng kalansay naka-suot ang singsing na binigay ko kay Asia!
"Asia!" Tuluyang nagiba ang aking depensan.
"Asia!" Napaupo ako sa sahig, hindi ko malaman kung saan ko ibabaling ang lahat para maibsan ang sakit.
Sino ang may gawa sayo nito, Asia?!
"Hindi! Hindi si Asia 'yan, nagkakamali kayo!" Paulit ulit kong sigaw, naramdaman ko na lang na may mga braso na bumalot sa akin.
Unti-unting kinakapos ang aking hininga't lumalabo na ang paligid. Ngunit nahagip pa ng aking mga mata si Asia. . . Si Asia na buhay na buhay na ngumingiti. Ang nga paborito kong ngiti.
Naramdaman ko ang pagyapos nito sa akin, may binulong ito na hinding hindi ko makakalimutan. . . "Lumaban ka, kayanin mo lahat, everything will be alright."
If that body was Asia. . . Please right now, right here. . . Take me as well.
DOSE 8: FINALLY FOUND HER