DOSE 9: The memoir she had left

1712 Words
Dose 9 Heart ache and a broken heart can cause heart attact and sudden death. Kailan kaya ako aatakihin, kailan kaya puputok lahat ng mga ugat ko sa katawan, ng makasunod na ako sa kanya? Ng makita ko na si Asia? Nagising na lang ako isang umaga, na kailangan ko nang tanggapin na ang future namin ni Asia ay nagtapos na sa pinagsaluhan namin sa bakulod. Na wala na akong dapat hanapin at wala na akong dapat hintayin. The investigation is on going. At bawat resulta ay mas pinipili kong h'wag nang alamin. Marami akong gustong sisihin sa sinapit ni Asia. Ang Mama niya na iniwan siya, si Euro na hindi na niwala sa akin na nawawala si Asia, at ang Papa niya na hanggang ngayon ay walang matinong sagot sa mga nangyari sa anak niya. Pero higit sa lahat, mas sinisisi ko ang sarili ko. Kung bakit tumayo lang ako sa labas ng bahay nila buong oras, ni wala akong ginawang paraan para maligtas siya. Ni hindi ako nag isip na baka nandon siya sa loob, dahil sa mga bills na nakukuha ko. Si Erapsus, ni hindi ko naisip na baka signal niya 'yon na nasaloob pa siya ng pakawalan niya ang alaga. Ang masakit, she was there all along! Nakasilip sa bintana habang tinitingnan akong naghihintay sa kanya. Kung naniwala lang saakin si Euro, baka naabutan naming buhay si Asia. Ayon sa autopsy, overdose ang main reason ng pagkamatay niya. Dalawang buwan pa lang siyang nawalan ng buhay. Means she was there dying habang nililibot ko ang mga universities sa Antique para mahanap sila. Ng mga panahon na pasuko ako at sumuko ako, ay ang mga panahon din na naghihirap siya sa kamay ng umabuso sa kanya. Pinapatay ako ng isipin na hinihintay niya akong makita sa labas ng bahay nila, habang unti-unti niyang hinahabol ang hininga. Pinapatay ako unti-unti tuwing naiisip ko kung paano siya nawalan ng pag-asa na maliligtas pa siya. Putanginang mga rapist 'yan! The worst thing that a woman will endure is when bullshit predators pursue their self for them. Sa lahat ng maaari niyang sapitin, ang magahasa siya ang hindi ko matanggap. Asia was raped. Hindi basta basta ang ginawa sa kanya, she was raped. . . She was tortured. At hindi ko kahit kailan mapapatawad ang gumawa no'n sa kanya! Mapapatay ko siya sakaling nakita ko siya. Ako mismo ang gaganti sa ginawa niya kay Asia. Tuwing pipikit ako, mukha ni Asia na nahihirapan, umiiyak, at nagmamakaawa ang nakikita ko. Putangina. How can I endure this life bearing this s**t? I'd rather be with Asia. Matapos ang dalawang araw, mula ng mahanap namin si Asia ay hindi na ako lumalabas pa ng bahay. Sabi ni Salome ay pauwi na ang Mama ni Asia. Lahat sila hindi ko gustong makita. Sa aming lahat ako lang ang may pinakaginawa para mahanap si Asia. Sila? Nakaupo lang ng kampante habang ang anak nila ay may kalunos lunos ng dinaranas. "Asia. . . Patawarin mo 'ko. Hindi kita natulungan." Walang kasing sakit---walang kapantay na hapdi ang nararamdaman ko ngayon. Kulang ang salitang kirot para maisalarawan ko ang nararamdaman. Nakalapat lang ang aking likuran sa malambot kong kama buong maghapon, mahigpit kong pinakiusap kay Mama na h'wag akong disturbuhin. Ngunit nagitla ako ng biglang lumangitngit ang pintuan ng aking silid at inuluwa nito ang babaeng walang ginawa kundi intindihin at mahalin ako sa kabila ng lahat. Naka-all black ito at may malaking bag na nakasabit sa kanyang likuran. Salome. . . Pabagsak nitong binitawan ang bag niya, ni hindi ako nito nagawang tapunan ng tingin. Marahan kong pinikit ang aking mga mata, alam ko kung ano ang sinadya niya sa aking silid. Ni hindi ito nagsasalita, tanging ingay lang ng mga bote ng beer na nag kikiskisan sa isang sisidlan ang bumabasag sa katahimikan. Alam kong pinagliligpit niya lahat ng kalat na ginawa ko. Ilang minuto pa'y napamulat ako ng umuga ang kama, nagtama ang mga mata ko sa mga dala nitong pagkain. "Kumain ka na," saad ni Salome. Tanging iling lang ang sinagot ko sa kanya bago ako pumihit patalikod. "Dennis, h'wag mo namang ganyanin ang sarili mo." "Leave me alone, Salome." "I understand your pain, pero sana h'wag mo pabayaan ang sarili mo dahil nag aalala na kami sa'yo." "Hindi ko kailangan ng pag aalala niyo," "H'wag mong hayaan na malugmok ka sa isang tabi dahil sa nangyari---" "Shut up, Salome! Umalis ka na. Sinasayang mo ang oras mo sa akin. Umalis ka na, kahit wala na si Asia, wala kang mapapala sa akin." Agad na lumatay ang hindi ko mapangalanang emosyon sa mga mata ni Salome, ngunit wala nang puwang sa puso ko ang makonsensiya sa mga pagkakataong ito. "Hindi ako nandito para landiin ka! Mas lalong wala akong intensyon na samantalahin ang sitwasyon para palitan si Asia sa puso mo!" Saad nito habang dinuduro ang dibdib ko. Napapikit ito at napahawak sa noo niya. At pasimpleng pinahid ang mga luhang nagbabadya pa lamang. "Nandito ako bilang kaibigan, Dennis." Malamig nitong saad bago ako talikuran. I prefer to lost everything right now, wala nang saysay na nandito pa ako. KINAUMAGAHAN nagising ako sa ingay ng mga tao sa labas, na sa mesa ko pa rin ang mga pagkain na nihanda ni Salome. I'm not sorry for her, I need her to stay away from me. Lumabas ako para silipin kung sino ang na sa sala dahil hindi pamilyar ang mga boses nila. Sa pagsilip ko ay nakita ko ang mga naka unipormeng pulis, si Euro at babaeng may kaputian na may turban pa sa ulo. Si Tita Italya. Mga taong ayaw ko na sanang makita pa. "She was there for two years long ago, nagsalita na ang suspek." Saad ng Pulis. "May diskubre kami sa autopsy at foreignsic," naagaw ko ang atensyon ng lahat ng lumabas ako bigla ng kwarto. "Dennis," saad ni Euro. Nakatingin lang ako sa kanila, ni hindi ko sila kayang tagalan ng tingin. All this time, ngayon lang sila nadisturbo sa kampante nilang buhay malayo kay Asia, ni hindi nila sinigurado kung maayos ba ang lagay ng kapitid at anak nila. Samantalang ako? Dalawang taong nagpagod sa paghahanap! Tapos ano ang nadatnan ko?! Lahat sila ni hindi ako pinaniwalaan agad na nawawala si Asia, kung nakinig lang sana sila, e 'di sana nailigtas namin si Asia! "Maupo ka Dennis," utos ni Mama. Para ano pa? Para marinig ko lahat ng kababuyang ginawa nila kay Asia?! "May bagong nadiskubre sa labi ng biktima," napatingin pa ang pulis sa akin at bahagyang napalunok. "She is probably pregnant." Dugtong nito, halos sabay sabay silang napasinghap at nagpakawala ng mahihinang hikbi. Samantalang natawa ako. . . Natawa ako sa pinaghalong poot at lungkot. I can't help my self but to laugh and cry at the same time. Lahat sila ay napatingin saakin, ni isa walang sumuway. Their eyes was screaming awfully for what possibly I am enduring right at the moment. "Kailangan po ba nandito ako habang pinag uusapan ninyo kung paano nagdusa si Asia, at ngayon ay sinasabi ninyong nabuntis pa siya ng gumahasa sa kanya? Are you insensitive or a dumb?" Malamig kung saad. Walang na ngahas na sagutin ang mga tanong ko, Tita Italya was leaning in Euro's shoulder in her grief. Tatayo na sana ako para iwanan sila lahat, ngunit napatigil ako ng tumayo bigla si Euro. "Dennis, have your ever did touch my Sister?" Deritsong tanong nito. "Anong ibig mong sabihin?" Sagot ko. "Nabuntis si Asia," pabitin na saad ni Euro at bahagyang napatingala sa kisame para pigilan ang mga luha nito. "One year ago. . . There was a sign of pregnancy and child delivery." Nabasag ang boses nito ngunit nanatili lamang akong nakatayo at nakatitig sa kawalan habang isa isa na namang prinoproseso ang lahat. "Sir, Dennis. May nangyari po ba sainyo ng biktima? Kasi po lumalabas sa foreignsic invesitigation na ilang beses nabuntis si Asia nitong taon, ngunit prior for the victim dissapearance, she got pregnant, early calculation is two weeks before." May nangyari nga saamin ni Asia sa bakulod. . . She give herself to me. Maaari kayang mabuo iyon kahit isang beses lang at parehong first time naming dalawa? "She give herself to me. . . Bago siya mawala." Lalong lumakas ang paghikbi ni Tita Italya dahil sa aking sinabi. Ngunit mas malakas ang t***k ng aking puso. "Sir Dennis, possibleng nabuntis niyo si Asia. She was raped while bearing your child. She successfully delivered it, ang hindi sinasabi ng suspek ay kung saan njya dinala ang bata." Saad ng pulis. "Confirm, the confirmation of Sir Dennis Cercado, the victim's boyfriend, aligned to the testament of the suspect." Dugtong pa ng isang pulis. "Sabi ng suspek ay buntis na si Asia ng dalawang buwan bago niya simulang halayin ang biktima---" Hindi ko na kinaya pa ang naririnig ko, marahas kong pinag tatabig ang kunh ano mang makita kong nakapatong sa mga lamesa. "Putangina niyo lahat! Why don't you f*****g leave me alone?! Wala na si Asia! At kahit anong gawin ko hindi na magbabago ang lahat!" "Dennis, may anak ka. . . May anak ka pang natitira." Pagpapakalma sa akin ni Mama habang niyayakap ako mula sa gilid. "Nabuntis ulit si Asia ng ilang beses, yong dalawa ay na kunan siya. 'Yong pangatlo muntik ng mabuo, ngunit six months pa lang ito ayon sa suspect ay nalalaglag ito." Haven. Anong ginawa ng mga demonyong 'yon sa Asia ko?! Saan ko hahanapin ang anak ko? Marami pa akong katanungan, ngunit nagitla ako ng tumayo ang isang pulis dala ang zip bag na may lamang notebook at tape recorder. "Nakatulong ito sa investigation, but it was address for you, Sir Dennis. Pinapabigay ni Asia para saiyo." Nanginginig ang aking mga kamay na inabot ang bagay na iyon, bago pa man ako tuluyang mawala sa katinuan ay may inabot din saakin si Euro. Isang maliit at kulay asul na box. Inuna ko iyong buksan at agad na tumambad sa akin ang gold plated ring, kung saan nakaukit ang pangalan namin ni Asia. Ito ang singsing na simbolo ng mga pangako naming dalawa, na ngayon ay hanggang pangarap na lang at hinding hindi na matutupad pa. The memoir she left is our child. DOSE 9: THE MEMOIR SHE HAD LEFT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD