Dose 11
Na detain si Cyprus sa Municiple jail, ng Iloilo. Kalat na kalat na sa buong lalawigan ng Iloilo ang sinapit ni Asia. Nabalita ito sa local at national TV and radio. Siya lang ang laman ng diyaryo at pinamagatang, "the bitter fate of Asia Plaridel", "Ang babae sa hunted house," "the crime of passion, " "Asia's will to love" at marami pang iba.
Sisikat din pala si Asia, pero sa mapait pang dahilan.
Nang nakaharap ko si Cyprus ay wala itong ibang sinabi kundi, "akin si Asia," "hindi mo na makukuha ang anak ko!", "wala akong ititira sayo!"
Hanggang ngayon niyayakap ko ang isipin na ako ang dahilan kung bakit nangyari iyon kay Asia.
Page 56, 1994.
I need to be strong for you, baby. Malaki na ang umbok ng tiyan ko, sana nakikita mo ito ngayon Dennis.
Page 64, 1994.
I used to call you the best Dad. Not until that night that I saw how you change from a sheep into a wild wolf. Minahal kita Papa, ikaw ang ang lalaking pinagkatiwalaan ko, pero bakit at paano mo nagawa saakin ito?
Page 92, 1995.
Sumasakit na ang tiyan ko, pero hindi pa rin ako tinitigilan ni Papa. Anak, sana kumapit ka. . . Astria, iyan ang pangalan mo. Astria kung babae na ang ibigsabihin ay star, at Adil kung lalaki, na ang ibig sabihin ay hustisiya. Kumapit ka nak, para makita mo ang Papa mo. Tell him that I love him so much.
Page 102, 1995.
Sinadya kong pakawalan si Erapsus, sana alagaan siya ni Dennis.
Page 103, 1995.
Sana makita ni Dennis ang mga bills. . . Iyan na lang ang tanging magagawa ko para malaman niyang nandito pa ako sa loob.
Patawarin mo ako Asia, naging tanga ako! Hindi mo dapat sinapit ang trahedyang ito. Kasalanan ko lahat-lahat!
Mas pinili naming lahat na sa St. Peter ilagay ang burol ni Asia. Hindi namin kayang ibalik siya sa bahay nila kung saan nangyari ang lahat. Isang linggo lang ang itatagal niya at tuluyan na siyang makakapagpahinga.
Unang gabi pa lang ay dinagsa na ang St. Peter ng mga taong gustong makiramay, kumpleto rin ang batch namin ng high school, mga member ng chorale, kaibigan ni Asia, at buong teaching staff ng Jaro National High school. Dinumog din kami ng mga press at journalist na gustong makakuha ng bagong impormasyon tungkol sa imbestigasyon ngunit hindi naman kami nagbigay ng panayam.
Case solve na ang kaso ni Asia, malinaw pa sa sikat ng araw kung sino ang may gawa ng karumaldumal na krimen.
Minsan tuwing nag iisa ako, hindi ko lubos maisip na sa isang iglap mangyayari ang lahat ng ito.
Asia is a Papa's girl. Si Cyprus ang unang lalaking minahal at pinagkatiwalaan ni Asia. Dugo at laman nito si Asia, siya ang unang una na dapat promotekta sa anak. . . Kaya hindi ko lubos maisip na siya ring tunay na Ama ni Asia ang gagawa ng kababuyan sa kanya.
He is under observation due to a manifestation of mental health disorder.
Baliw man siya o hindi, wala siyang karapatan na lapastanganin ang anak!
Palihim akong naki-collaborate sa mga print media and journalist habang dinidinig ang kaso at nakahimlay pa sa St. Peter si Asia, naki-collaborate ako para humingi ng tulong na patawan ng mabigat na parusa si Cyprus. Kung hindi iyon magagawa ng Pamilya niya, ako magagawa ko 'yon.
"Death Penalty for Cyprus Plaridel, the suspect behind ASIA PLARIDEL murder case."
"DENNIS CERCADO, Asia Plaridel's Boyfriend is calling the attention of the Philippine President for fast and accurate penalty for Cyprus Plaridel; he is appealing for death penalty for the suspect."
Alam kong wala nang ganoong parusa sa bansa, ngunit hindi ako matatahimik ng hindi ginagawan ng paraan ang hustisya na karapat dapat sa hayop na iyon!
Ang unfair unfair kapag hindi kamatayan ang pinataw sa kanya, buhay ng anak niya ang kinuha at nilapastangan niya, dapat lang na buhay rin ang kapalit!
Patuloy rin ang paghahanap namin sa anak ko, sa ngayon ay pinipilit pa nilang pa akuin si Cyprus kung saan niya dinala ang anak namin ni Asia, ngunit sa tuwing tatanungin namin siya ay tanging tawang demonyo lang ang isinasagot niya.
Hayop siya. Hindi siya tao! Wala siyang karapatang tawaging ama.
Page 115, 1995.
Pinapainom ako ni Papa ng mga gamot na hindi ko alam kung para saan, pinapasulat niya ako ng mga kasinungalingan na ipapadala kay Mama at Kuya. Sana umuwi sina Kuya at makita ang kalagayan ko, hindi ko na kaya ang ginagawa ni Papa.
Page 116, 1995.
Dalawang beses na akong dinurugo, right now may malaking umbok sa tiyan ko. I am afraid that I am bearing a child for my Father.
Hindi ko matapos tapos na basahin ang tala arawan ni Asia, parang sinasaksak ako ng paulit-ulit, 'yong pinaka hindi ko kayang gawin ay pakinggan ang tape recorder kung saan ay kumakanta siya habang pinapahirapan, nagmamakaawa, humihiyaw, at umiiyak habang tinatawag ang pangalan ko.
Na-i-ere na ang panayam ko sa national TV, ang panawagan ko na makapit ni Asia ang kapantay na hustisya. Marami ang sumang-ayon, wala rin akong narinig kay Tita Italya at Euro na pagtutol.
Tanging ang anak ko na lang na nawawala ang siyang pinakapag-asa ko para magpatuloy, pagod na pagod na ako sa buhay na 'to! Bakit kailangan naming maranasan ang ganito ka tinding trahedya?
Haven. . .
Lumipas ang isang linggo, ni hindi ako umaalis sa tabi ng kabaong ni Asia. Patuloy na naghihintay kami sa bagong update kung na saan ang anak ko. Pero wala pa rin.
Tanging anak ko na lang ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nananatili akong matatag. Mananatili ako para sa kanya, lagi kong ibinubulong kay Asia na kakayanin ko para sa anak namin at hinding hindi ko siya pababayaan.
Na sa tabi lang ako ni Asia, ni hindi ko magawang maligo o kumain man lang. Sinubukan akong kausapin ni Euro ngunit hindi ko pa kaya. Baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya. Nakikita ko rin si Salome na tumutulong tulong sa paghahanda ng mga pagkain, pero ni minsan hindi niya na ako kinausap.
Walang tulog, walang kain, walang ligo, ni hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko kaharap ang kabauong at litrato ni Asia. Litrato niyang naka imprinta ang mga paborito kong ngiti.
Ngayon ang huling gabi na makakasama ko pa siya.
Bakit ang damot damot ng mundo. . . Dapat ngayon pa lang kami bubuo ng mga pangarap at sariling pamilya.
Kami nga hanggang huli. . . Ngunit napaka ikling panahon naman.
Hindi ko alam kung paano pa ako babangon mula sa pagkakasadlak ko sa sitwasyong ito, kung hindi para sa nawawala naming anak ay baka nong mga nakaraang araw pa lang ay sumama na ako kay Asia.
Hindi ko kakayaning huminga at patuloy na huminga dala ang mga alalang 'to, kung pwede lang na tanggalin na lahat sa alaala ko ang mga larawan ni Asia ay ginawa ko na.
"Asia. . ." Paulit ulit kong bulong.
The tribute ceremony for Asia has begin early in 6:00 pm, nag simula ito sa bigay ng speech at eulogy ng mga malalapit niyang kaibigan.
Tumayo ang unang magbibigay ng speech, si Adila. Best friend niya simula Elementary hanggang high school.
"Hello po, most of you kilala ako kasi ako lagi dati ang kasama ni Asia, ako si Adil Tacuyan, bestfriend ni Asia. Nakilala ko si Asia sa simbahan, siya rin ang nag introduce sa akin maging choir ng simabahan katulad niya. Lagi naming kinakanta ang 'Tanging Yaman' na paborito niya. Mabait, matulungin, at soft spoken si Asia. Ni minsan hindi siya nagkaroon ng kaaway, paborito siya ng lahat dahil sa personality niya. Lagi niyang na kukuwento si Dennis ng kabilang section, na crush niya daw ito dahil napaka tahimik at study concious." Natahimik ito sandali bago pinahid ang mga luha.
"Asia once said, I will be rather end up Laon if it's not Dennis."
Nakatulala lang ako sa kawalan habang nakikinig sa mga kwento nila kasama si Asia, pakiramdam ko nandito lang din siya nakikinig at nakikitawa sa mga kabalastugan nilang magbarkada noon.
Sunod na tumayo ay 'yong kasama niya sa chorale, si Honrado.
"Hello, good evening ako nga pala si Honrado Diestro. " Tumango ito sa lahat, ngunit pansamantalang huminto ang mga mata niya saakin.
"Hey, man!" Bati nito sa akin gamit ang mikropono ngunit tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.
"Asia. . . Ang gandang pangalan. Sabi ko dati kay Asia, ang ganda ng pangalan mo, kasing ganda mo." Mapakla itong tumawa.
"Her name is unique like her. Tanong ko, Asia alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan mo? Napangiti lang ito sabay sabing largest continents daw. Pero sabi ko sa kanya, more than that your name has equally beatiful meaning like you; it means Lively; the rising sun in Arabic, and other meaning is resurrection." Napatigil ito sa pagsasalita at humarap sa kabaong ni Asia.
"Right now, parang alam ko na Asia kung bakit ko laging sinasabi saiyo ang ibig sabihin ng pangalan mo. . . Lively: the rising sun and resurrection, kasi palagi kang mananatili sa aming lahat. You will always remain lively in our heart, and your hope will resurrect in our life. Hindi ako nagsisi na minahal din kita Asia, wala kang katulad. Kahit binusted mo ako, alam ko na punta ka naman sa tamang tao, noon pa man ay lagi mo nang sinisilip si Cercado sa section A."
Natawa ang lahat maliban sa akin. Nabanggit sa akin ni Asia rati na nanliligaw sa kanya si Honrado ngunit parang kuya lamang ang turing ni Asia rito.
Sumunod na nag speech ang teacher ni Asia at after niya ay ang adviser namin nila sa Chorale.
Ang bilis bilis ng oras, ngayon ay si Euro na ang nakatayo sa harap at magbibigay ng eulogy.
"Ako si Euro, nakababatang kapatid ko si Asia. Dati pa man, malambing, mahilig kumanta, at napakabuting bata ni Asia. Lagi ko siyang inaasar na ampon lang siya, ngayon hinihiling ko na lang nga sana nga, ampon na lang talaga siya ng mabawasan ang sakit--- namararamdaman niya sa sinapit sa sariling ama." Nabasag ang boses ni Euro, siya ding nagpalakas sa mga hikbi sa paligid.
"Nangako ako kay Asia dati na hinding hindi kami maghihiwalay, sana natupad ko 'yon. . . Kaso hindi. Some circumtances had cutted out bonds. Naiwan siya kay Papa, at napalayo kami ni Mama sa kanya. All I thought nasa maayos si Asia, nakakatanggap pa ako ng mga sulat at certificate niya; which is hindi naman pala totoo. As her kuya, it felts like I failed be one." Tumigil ito sa pagsasalita at dumalo sa kabaong ni Asia at yumakap ito rito.
"Ni hindi nalaman ng kapatid ko na magpapari na ang kuya niya, ni hindi na siya makakapunta sa ordinasyon ko." Ngayon ko mas nakita ang kakaibang emosyon kay Euro.
Inalalayan siya ng pinsan niya pabalik sa upuan, ngayon ay si Tita Italya naman ang na sa harap.
Wala pa man ay napapaluha na ito.
"Asia just turned eighteen, last March seven. And sadly, we wasn't able to celebrate her legality, malayo ako at nandito siya. Regardless. . . Hindi na rin siya nakaabot sa debut niya. Asia is an ambitious young lady, she wanted to become like Carol Banawa. She's into singing, sari-saring mga parangal ang napagtagumpayan niya sa pagkanta. Yes righ, she love the song Tanging Yaman of Carol Banawa. Bata pa lang ito, maka-Papa na siya. Mahal na mahal niya ang Papa niya. Mahilig si Asia sa mga halaman, at wala akong naging sakit ng ulo sa batang iyon. Tahimik at palangiti. Sabi niya before she turned sixteen, she want to celebrate her eighteenth birthday at eco-park, her first dance would be her Papa, then last dance ay si Dennis ang gusto niya. Saksi ako on how my daughter fall in love with that young guy, but I am ashamed to tell everyone that I am the sole reason why they face such chaos in their relationship. Mahal na mahal ka ni Asia, Dennis. She even choose Dennis over us, over Euro. . . Over everything."
She covered her face with her hands, sobbers roamed in the whole hall of St. Peter.
"May naitabi akong tape recorder ni Asia ng fifteen siya, nakuha namin ito ng mag e-ensayo siyang kumanta at mag piano. Sabay sabay nating pakinggan ang anak ko, Asia Plaridel with her Tanging Yaman Cover."
Nagpalakpakan ang mga tao sa loob maliban sa akin, tanging sa kabaong at litrato lang ako nakatingin.
Maya-maya'y tumunog ang instrumental sa speaker, ang pino-pino ng pagkakatugtog ng intro ng kanta.
Muli ay parang pinipiga ang aking puso, it was indeed her favorite song; Tanging Yaman by Carol Banawa.
Ikaw ang aking tanging yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan
Ika'y hanap sa tuwina
Nitong pusong ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga
Nangungulila sa'yo sinta
Hindi ko mapigilan ang pagtaas baba ang aking mga balikat ng marinig ko ang boses niya mula sa speaker, ang pino-pino ng pagkakakanta---parang anghel.
I never thought that one day, this song will hurt like this. Hindi ko alam na isang araw magiging ganito ang epekto sa akin ng kantang ito.
Ikaw ang aking tanging yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan
Ika'y hanap sa tuwina
Sa kapwa ko ika'y laging nadarama
Sa iyong mga likha
Hangad pa ring masdan
Ang 'yong mukha
Bawat liriko at tumatagos sa aking puso, muli kong natatanaw ng aking isipan sa entablado kung saan una ko siyang hinangaan dahil sa boses niya. Ni isang segundo ng mga oras na iyon ay hindi ko naisip na mangyayari ito ngayon.
Ni hindi ko lubos ma isip na ang tinig niyang labis kong hinahangaan at minahal, ay siyang mananakit sa akin sa kasalukuyan.
My heart is dying, and I am not capable to love again more than what I could for Asia. Siya lang, tanging siya lang at wala nang iba.
Ikaw ang aking tanging yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan
Sulyap ng 'yong kagandahan
Kasabay ng pagtatapos ng kanta ay siyang pagpakawala ko ng mga hikbing buong araw ko nang pinipigilan.
"Asia. . . Asia." Tanging pangalan niya lang ang kaya kong sambitin.
Napaluhod ako sa harap ng kabaong niya, hindi ko alam kung paano ko lalabanan ang sakit na unti-unting pumapatay sa akin.
Ang isipin na mabuhay pa ako na dala dala ito ay tiyak na hindi ko kakayanin.
Paano ako magiging malakas, kung wala na si Asia na nagsisilbi kong tatag?
Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang mikropono, kahit hindi ko na kayang itayo ang sarili ko ng tuwid ay hinarap ko ang maraming tao na nakikiramay sa sinapit namin ni Asia.
"Ako si Dennis Cercado, boyfriend ni Asia. And to tell you honestly, she was my first love. Totoo pala ang sabi nila, first love never die." Nanginginig ang mga labi ko habang pinipilit pa rin magsalita para sa kanya.
"Dahil hanggang ngayon, kahit wala na si Asia. . . Nanatili siya sa puso ko ng buhay na buhay." May kinapa ako saaking bulsa, it was the ring which symbolized our own forever.
Itinaas ko ito at ipinakita sa lahat.
"This ring which I gave for Asia last two years ago is a symbol of our own forever, nangako kami na magsasama na after college at papakasalan ko siya. Bubuo ng sariling pamilya at magkakaruon ng katumbas ng dami ng Asian Countries na mga anak." Mapakla akong natawa.
"Marami pa dapat kaming bubuo-in. Marami pa dapat kaming e-ce-celebrate bilang pamilya. . . Pero ang aga niyang binawi sa akin." Saad ko habang pigil na pigil na naman na hwag humikbi.
"Sa lahat ng nandito, kayo lahat ang saksi sa mga pangako ko para saamin ni Asia."
"Sa harap ninyo, na ngangako ako na wala na akong ibang mamahalin kundi tanging si Asia lang. 'Till death do us part, Asia Plaridel." Humarap ako sa kabaong at binuksan ito ng marahan.
Walang takot na namutawi sa akin, kahit na ibang Asia na ang makikita ko sa loob.
I kneeled down before I inserted the ring.
The first time that I inserted this ring, it was still her fresh long finger. . . Pero ngayon, tanging sa mga buto niya na lang ito nakasuot.
But, it was still pretty. Walang ibang babagay na susuot sa singsing na iyan, tanging si Asia lang.
Halos sabay sabay ang mga hikbi na naririnig ko sa paligid, pagtayo ko ay may kinapa pa ako sa aking bulsa.
Ipinakita ko sa kanila ang kapares ng singsing na binigay ko kay Asia. Kahit papaano ay natupad pa rin ang pangarap namin na maging kami hanggang huli.
I love you Asia.
This time, I promise forever. . . I promise to love you, and only you Asia.
DOSE 11: I promise forever