Dose 12
'Yong akala ko dati sa mga pelikula at teleserye lang sa TV nangyayari ang isang sitwasyon na namamatay ang minamahal. Katulad ng napapanuod ay parang mababaliw ang sino mang naiwan.
Nothing is worst in death than being left breathing alone.
Araw-araw sa pag gising ay siya ang hahanapin, hindi ko nga alam kung paano---at sa anong paraan na matanggal ang sakit na nararamdaman.
Ngayon ang huling mga oras na masisilayan ko pa si Asia, later 3:00 pm is her funeral.
Hindi ko alam kung kakayanin kong makita natatambakan na siya ng lupa.
Parang gusto ko na lang din tumalon doon at isama na ako sa hukay niya. It wasn't easy than I thought it was.
Slowly, the knife of longing and hatred getting peirce deeply in my heart. Araw-araw na ginawa ng Langit, ay tila pinapatay lang din ako.
Bakit kailangan na kami ni Asia ang mapili na pagdusahan ang lahat ng ito?
"Dennis, let's go." Inayos ni Mama ang kwelyo ng long sleeve ko.
Tila isa akong robot na walang malay tao, dahil kusang nagpapati-anod na lang ang katawan ko sa kung saan man ako hatakin ni Mama.
Today was the last day I can glimpse her beauty. . . Aalis na siya ng tuluyan.
Asia? Paano na ako. . . Ngayon pa lang alam ko na sa sarili ko na hindi ko kakayanin.
Lumipas ang ilang oras, ni hindi ako umaalis sa tabi ni Asia. Gusto kong sampalin ang sarili ko, umaasa na baka natutulog pa ako at panaginip lang ang lahat ng ito.
Pero hindi. . . Ito ang reyalidad ko.
Wala na si Asia.
Wala na ang babaeng mamahalin ko habang buhay.
"Dennis," napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin.
"I'm sorry," saad nito at niyakap ako mula sa likod.
It was Salome.
Ngunit kahit alam ko na ako ang may kasalanan sa kanya, ay wala akong ni isang salita na binitawan para mapagaan din ang loob niya.
"I'm always here, a friend you can lean on."
Tinapik nito ang balikat ko bago ako iwanang nagmumukmok pa rin habang tinititigan si Asia sa loob ng himlayan niya.
I'm sorry, I failed to save you Asia.
The guilt, longing, and hatred, all in all was squeezing inside me. I can't endure to bear this in the rest of my life.
PAGKATAPOS NG MISA ay ihahatid na namin si Asia sa huling hantungan. Tanging Yaman song was repeatedly played kasama sa kalesa kung saan nakasakay ang mga labi niya.
Habang naglalakad ay naramdaman ko ang pag aalalay sa akin ni Mama at Papa.
I never knew that one day, I'd be loosing Asia completely. My fear is to lost her, but right now? I am facing my fears.
Hindi ko na alintana ang mga press at media na kumukuha ng litrato. I'm too occupied to deal with the s**t.
Nakarating kami sa burol kung saan tuluyang ihihimlay si Asia, nagkaroon pa ng last prayer at viewing. Ngunit hindi na ako nangahas pang tumingin sa kanya sa huling pagkakataon, dahil alam ko. . . Alam ko na hindi ko siya mapapakawalan pa kung gagawin ko iyon.
My heart completely teared out appart when I saw how her coffin burried under the ground. Asia. . .The largest continents was burrying her body.
Tanging mga ngiti at tawa niya ang umuugong sa mga tainga ko, it seems like she was there. . . Refreshing our mem'ries.
Asia. . .
Wala na akong luha na iluluha. . . It was squeezed over and reach the limit. Ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang pambihirang sakit na alam kong walang lunas. The pain that only death could tame.
Gusto ko nang sumuko sa mga oras na iyon, ngunit sa kalagitnaan ng pagbuburol kay Asia ay may dumating na mga pulis.
Kinausap si Euro at ang Mama ko. Pareho kami ni Tita Italyang hindi na makausap, I felt guilty for blaming her, while in fact she lost her conscious earlier. Hindi niya rin kaya ang sakit na nararamdaman.
Naiwan kami ni Tita sa himlayan, kung saan tanging lapida na lang ang naiwan sa amin.
Asia Plaridel
Born on March 07, 1978
Died on February 28, 1996
Hinihimas-himas ni Tita Italya ang lapida, habang may kinakanta nito ng pabulong ang awit na paborito ni Asia. . . Tanging Yaman.
"Dennis, from now on. . . Please call me Mama."
Napaangat ang tingin nito sa akin, puno puno ng sensiridad at emosyon ang mga mata niyang halos hindi na maimulat ng tama dahil sa pag iyak niya.
"I'm sorry, hindi ako agad nakinig saiyo, Dennis. At the same time, I am more than grateful na ikaw ang minahal ng unica hija ko, salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo kay Asia." Napayakap ito sa akin habang pareho kaming nakaupo sa tabi ng puntod ni Asia.
"Patawarin mo rin ako, Tita. . . Dahil sinisi ko kayo sa nangyari."
"Call me Mama Italya." Sagot nito.
"Opo, Ma."
Nanatili lang kami roon ni Tita hanggang sa lumapit saamin si Euro at si Mama. Tila may kung ano sa mga mukha nila ang hindi ko maipaliwanag.
"Dennis. . . Ang anak niyo, nakita na ang anak niyo ni Asia." Saad ni Mama.
Halo-halong kaba ang aking nararamdaman. Hindi ko alam ngunit tila may sumibol na bagong pag-asa sa aking puso.
Nahanap na ang anak natin, Asia. . . Nahanap na si Astrea.
HINDI na ako nag aksaya ng oras at pinuntahan sa presinto kung saan ni-turn over ng pamilya ni Cyprus ang anak ko.
Sabi ng mga pulis nag karoon ng search warrant sa lahat ng pamilya ni Cyprus para mahanap ang anak ko.
Pero hindi naman na raw ng nangyari dahil kusa itong ibinigay ng pinsan niya na taga Molo.
Pagkarating namin sa presento, tila bumagal ang takbo ng oras. . . Naroon na si Salome habang karga-karga ang batang babae na mahimbing ng natutulog sa mga bisig niya.
Agad ko itong kinuha sa mga bisig niya, all this time hindi ko namalayang isa na pala akong Ama.
Thank you, Asia for keeping our baby alive. Iningatan mo siya at prinotektahan.
I'm not totally alone, iniwanan mo ako ng napakaganda, cute, at kamukhang kamukha mong bata.
Tila bumalik ang sigla ko para mabuhay. . . Si Astrea ang bagong pag-asa ko, siya ang tanging dahilan para magpatuloy ako.
Pina-DNA test siya ng ni Mama Italya para masiguradong siya nga anak namin ni Asia at hindi kami niloloko ng pamilya ni Cyprus. Pero kahit walang test-test na 'yan, alam kong anak ko si Astrea. Alam kong kay Asia siya galing.
Sa bahay na muna tumuloy sina Mama Italya, Euro, at ang anak ko. Tila lahat kami ay nabigyan ng bagong pag-asa, at dahilan para maging masaya ulit dahil kay Astrea.
Positive ang naging result namin ni Astrea, at tunay ngang anak ko siya.
I did my best to fix myself para maging mabuting ama sa anak ko.
Nagpatuloy ako ng pag-aaral, habang sinisikap na mabigay ang lahat lahat para kay Astrea.
Patuloy na dinidinig ang kaso ng Asia Plaridel Murder case, at kahit isang taon na ang nakalipas simula ng malaman namin ang nangyari, ay hindi pa rin humuhupa ang pangalan ni Asia sa lalawigan.
Wala nang death penalty pero na sentinsyahan si Cyprus Plaridel ng life sentence without parole punishment. Mabubulok siya sa kulungan, ayon sa mga tumingin sa kanya ay nagpapanggap lang siyang may sira sa utak upang takasan ang mga ginawa niya. Hindi ko na siya nakita o dinalaw pa ulit.
Patuloy na nagpapahilom ang puso ko sa sinapit namin ni Asia. At si Astrea ang nagsisilbing lakas ko.
Tinupad ko lahat ng pangako ko kay Asia, I never love anyone again.
Even Salome was there.
Naging Ninang siya ng anak ko at para makabawi sa lahat ng naging tulong niya ay binigay ko kay Astrea ang pangalan niya.
Bininyagan ang anak ko bilang Astrea Salome P. Cercado.
Alam ko kung na saan man ngayon si Asia, ay natutuwa siya sa progress ng buhay namin.
Laking pasalamat ko na nahanap agad si Astrea, dahil hindi ko alam kung paano ako babangon mula sa pagkakasadlak kung wala siya.
I felt how much Asia love me. . . Dahil bago siya tuluyang umalis, ay iniwanan niya ako ng may dahilan pa para magpatuloy. And it was our child, Astrea.
Goodbye Asia, hello Astrea.
DOSE 12: A Farewell and Hello