DOSE 13:
Napangiti ako habang binabaybay namin ang daan pabalik patungong Jaro Iloilo.
"Gusto ko ng maja blanca, 'Tay!" Saad ng batang may dalawang makinang na ipit sa maalon at mala-tsokolate nitong buhok.
"Sure, tiyak na ipinagluto ka ng maja blanca ng Mamang at Papang mo sa bahay." Sagot ko rito habang patuloy na maingat na nagmamaneho.
I never been a reckless driver if I'm with my little Asia---I mean Astrea.
Mamang and Papang was my parents. After my college, nakapag trabaho ako sa isang banko dito sa Iloilo City. Pero ng ma promote ako ng ma promote bilang Chief Executive Supervisor ng Bank company ay lumipat na kami ng Manila. I want a fresh start for Astrea.
Ngayon ay high school na siya at malapit na rin mag koleheyo. She choose Iloilo West College, para maging future educator someday.
Not to mention that Astria always brought back the pride for having her Nanay Asia's angelic voice. Magaling din siyang kumanta, marami siyang namana sa Nanay niya, kabilang na do'n ang pagkahilig niya sa pancit at maja blanca. Iyon lagi ang request niya kapag uuwi ng Iloilo.
Sa Manila ay si Mama Italya ang nag aasikaso sa kanya, hindi na ito bumalik ng Hongkong para mag turo. Ibinuhos niya ang atensyon kay Astrea, at malapit ang loob sa kanya ng anak ko kaya siguro napag desisyonan nitong maging guro rin.
Kahit hanggang ngayon, tuwing babalik ako sa lugar na ito ay siya lang ang naaalala ko. Astrea knew her Nanay very well, dahil kahit hindi niya ito nakasama ay binubusog namin siya mga alaala at kwento tungkol sa Ina.
Siya rin ang bumawi at tumupad sa pangarap ni Asia na makapag perform sa National TV.
Kamakailan lang ng naging contestant si Astrea sa Star of the night, kahit hindi siya nanalo ay proud na proud ako sa kanya.
"Tatay, pupunta ba tayo sa burol---I mean sa bakulod na lagi niyong tinatambayan ni Nanay?"
"Oo naman, 'Nak."
Napapalakpak pa ito at muling itinuon ang atensyon sa tanawin.
I can't really imagine my life without my child, talagang ginalingan ko sa mga trabaho ko dahil ang tanging iniisip ko ay ang kapakanan niya.
I never missed life event with her, kahit na subsob ako sa trabaho ay ginagawan ko ng paraan na makarating sa lahat ng event na mahalaga sa kanya. Para kasi sa akin ay napakahalaga ng bawat oras, two years na nawala saakin si Asia, and it become forever dahil hinayaan ko ang oras na nakawin siya saakin.
Sa one year na hindi ko nakasama ang anak ko ay tila buong buhay akong bumabawi sa kanya, lahat ng puwede kong ibigay na mapapakapagpabuti sa kanya ay ibinigay ko. I want her to savor this world sweetly, malayo sa naging buhay namin ni Asia ng kaedad pa lamang namin siya.
I'm beyond grateful with Mama Italya, dahil tinulungan niya akong gabayan ng tama si Astrea.
Si Euro ay patuloy na iginagapang ang bokasyon niya sa pagpapari. After Asia's burial and everything was fall into the right place ay nag paalam na siya na babalik ng Antique. It was our tough years though, dahil na ngangapa kami kung paano sisimulan ang lahat. But Astrea serves as the light and joy of the family.
MAYA-MAYA ay tumigil ang aming kotse sa harap ng kulay pink, mabulalaklak, at mahalaman na bahay.
Napabuntong hininga na lang ako bago ko tapunan ng tingin si Astrea na tila na mamangha rin sa nakikita.
"It was Nanay's home, diba Tay?" Nasasabik nitong turan na tinanguan ko lang bilang sagot.
She apply her pink lip gloss bago bumaba para tingnan ang bahay.
Lumabas ako ng kotse at tinitigan ang kabuoan ng bahay. . . Sariwa pa sa mga alaala ko ang mga nangyari dito, labing pitong taon ang nakalipas.
Kung paano ko siya niligawan, hinintay. . . At kung paano siya natagpuan sa mismong bahay na iyan.
That home is not a home for Asia. It was a a zoo wherein predators and wild animals roamed.
Pero ito na lang ang tanging alaala namin sa kanya. We bravely face the reality and pain.
Binaun ng kulay rosas at malulusog na halaman at bulaklak ang masasamang alaalang nakaukit sa bahay nila Asia.
Hahayaan kong bubuo si Astrea ng sarili niyang alaala sa bahay ng Nanay niya. Alaala na hindi masalimuot---kundi makukulay.
"Tatay! Ang ganda ng room ko!" Hiyaw nito sa ikalawang palapag.
Pinaayos ko na ang bahay na ito, it suits with her favorite color. Wala na ang original design nito, dahil malaki ang ipinabago ko.
Astrea knew about what happened to her Nanay. Wala akong itinago sa kanya at dahan dahan naming ipinaintindi kay Astrea ang nangyari.
"Thank you, Tay!" Niyakap ako nito mula sa likod.
"You like your new home?"
"Opo! Pakiramdam ko tuloy kasama natin si Nanay, can I use her piano po?"
"Magpaalam ka sa kanya mamaya, baka pagalitan ka at kurutin ka bigla!" Sabay kaming natawa pareho.
"Tay, Nanay loves me! Siguro nga tuwang tuwa siya na kumakanta rin ako, at idol ko rin si Ms. Carol!"
"Bisitahin natin si Nanay mo later, doon mo siya kantahan."
HABANG na sa bahay kami nila Mama at at Papa ay walang tigil kakakuwento si Astrea ng naging buhay niya sa Manila.
"Napanuod ka namin sa TV, apo! Ang galing galing mo, mana ka sa'kin!" Saad ni Mama.
"Anong sa'yo, saakin mana si Astrea!" Dugtong naman ni Papa.
"Mang, Pang, kay Tatay Dennis ako nag mana! Ang galing kaya niya kumanta!" Mas lalong napuno ng tawanan ang buong hapag kainan dahil sa mga kwentuhan nila.
Ngunit bahagya akong napatigil, siguro kung nandito si Asia. . . Ang saya saya namin pareho para sa anak namin.
"Nagkita na ba kayo ng Ninang Salome mo?" Tanong ni Mama kay Astrea.
"Hindi pa nga po e, pero nag uusap naman po kami sa skype." Sagot ni Astrea.
"Kumusta na po pala si Salome, Ma?" Biglang singit ko.
"Sa wakas at nagtanong ka rin tungkol sa kaibigan mo, akala ko wala ka nang balak na alamin pa kung kumusta na si Salome."
Napabuntong hininga na lang ako.
Hindi ko na nakadaupang palad pa si Salome makalipas ang maraming taon, simula ng nilayo ko na si Astrea sa Iloilo ay naputol na rin ang kumunikasyon naming dalawa.
"Magkita na lang kayo mamaya, nandito siya at kakauwi lang din ng nakaraang buwan."
Balita ko kay Astrea ay nag abroad ang Ninang Salome niya, masaya ako sa mga narating naming magkaibigan.
Aftet those terrifying downfalls, sino ang mag iisip na nandito pa ako until now?
Pagkatapos naming kumain ay bumyahe nakami ni Astrea kasama sina Mama at Papa, nagbaon kami ng mga pagkain, mantel, at kandila.
Habang abala naman si Astrea sa pagkuha ng mga litratong nadadaanan niya.
She has a huge resemblance with her Nanay Asia.
Minsan naiisip ko, lahat ng huling nangyari sa amin sa bakulod ay may mga rason at purpose. Asia insisted me to take her, to take my future. . . Kasi sa mga oras na iyon, doon mabubuo ang future na sisimulan pa lang namin. . . Kung hindi namin binigay ang sarili sa isa't isa, wala akonh Astrea ngayon.
Tumigil kami malawak na garde ng Eco Park na lagi naming tinatambayan dati ni Asia, hanggang ngayon buhay na buhay ang namumulaklak na mga sun flowers.
"Wow, super ganda!" Sabik na sabik na bumaba ng sasakyan si Astrea para kumuha ng mga litrato ng sun flower.
Nag volunteer naman si Papa na kuhanan niya si Astrea ng pictures.
Napabuntong hininga na lang ako at nakangiting sinusundan ng tingin ang anak ko.
"Hindi mo kami binigo ng Papa mo, 'nak. Napalaki mo ng maayos si Astrea kahit na nag iisa ka." Saad ni Mama.
"Nahirapan ako dati sa tuwing itatanong niya ang tungkol sa Nanay niya, pero matalinong bata si Asia. Sa kabila no'n ay gusto niya pang makita ang gumawa no'n sa Nanay niya." Saad ko ng hindi inaalis ang mga mata kay Astrea.
"Ikaw Anak, hindi ka na ba talaga ulit susubok magmahal?"
"Nagmahal naman ako ulit 'ma, at hanggang ngayon ay nagmamahal ako."
"Si Astrea." Napatawa ito ng mahina.
"Oo 'ma, kuntento na ako sa anak ko. Si Asia lang ang una at huling babaeng mamahalin ko."
Bumaba kami ni Mama sa sakyan at naki picture na rin kay Astrea.
"I really love creating pictures with you guys, hastag La familia!" Masiglang saad ni Astrea habanga nag grogroupfie kami sa gitna ng mga sun flower.
Ever since iyan ang gusto at goal ni Astrea, creating tons of memories for her Nanay.
Namitas na ako ng sun flower para kay Asia mamaya, tinulungan ako ni Astrea na gumawa ng bouquet. May tinabi rin itong paper bag na hindi ko alam kung ano ang laman, basta ang sabi niya ay para sa Nanay niya.
Pagkatapos naming maglibot libot sa eco park ay umakyat na kami ni Astrea sa bakulod, kung saan namin siya ginawa ng Nanay niya.
Inilalayan ko siya paakyat, wala pa rin siyang tigil kakakuha ng pictures at videos
Ng marating namin ang tutok ng bakulod ay tila may malaking screen na naman ng sinehan sa likod ng aking ulo. Tila nakikita ko na naman ang mga ngiti ni Asia, kung paano namin sinimulan ang kwento naming dalawa.
Asia. . . Nandito ako. Nandito pa rin ako.
I raised our child for how the way I am sure you want her to be raised. I never thought that one day, habang aakyatin ko ito ay anak na natin ang kasama ko.
H'wag kang mag alala dahil araw-araw kong pinapadama ang pagmamahal mo sa kanya, ipinapakilala kita lagi sa kanya.
You're the best Mom, Asia. At kung nandito ka, I'm sure you're going to be the best wife.
Mahal na mahal pa rin kita.
Hindi ko namalayan ang pangingilid ng luha ko, na nakunan pala ng litrato ni Astrea.
"Ang ganda nitong gawin pang cover sa isang book na ako mismo ang magsusulat, Tatay." Saad ni Astrea habang tinititigan ang litratong kuha nito sa akin.
"Isusulat ko ang kwento ninyo ni Nanay! It is rare to find love that last til your hairs become colors of ashes."
Tama ka Astrea. . . It is rare.
At naniniwala na ako na tunay nga ang sinasabi nilang first love never die. And no one can burried it even time.
"Ah, so sinasabi mo ngayon Astrea Salome Plaridel Cercado, na matanda at ubanin na ang Tatay mo?"
Umugong ang malulutong na tawa namin sa eco-park habang kinakabig ko siya at kinulong sa aking mga braso.
I never thought that I am still capable to love like this, simula ng iwanan mo ako Asia.
"Teka 'nak may ibibigay ako saiyo," saad ko bago siya bitawan at may kinuha sa bulsa ko. Pinatalikod ko siya para maisuot ko sa kanya ang kwintas.
"Wow, necklace! Diba po ito ang singsing ninyo ni Nanay?"
"Oo, ikaw na ang mag aalaga niyan ngayon. Alagaan mo iyan, kasi konektado saamin ng Nanay mo iyan."
Pumihit ito paharap sa akin at binigyan ako ng mahigpit ng ma mga yakap.
"Thankie! Lets take a selfie with my necklace, Tatay!"
Halos mag agawan ang dilim at liwanag ng bumyahe kami papuntang Corinthians Cemetery ng Jaro kung na saan si Asia.
Tila kahapon lamang nangyari ang lahat, nandito at sariwa pa rin ang mga alaala ko sa lugar na ito.
Malayo pa lang kami ay sa kanya na ako nakatingin. She's still the beautiful angel I love.
Pinagawan na siya ng private space na pinatayuan pa ng mga nakiramay sa sa amin ng bahay, kung saan naroon ang kanyang mga labi, mga litrato, halaman, at ang pusa naming si Erapsus na pinagawan din ng maliit at presentabling burol. Napakaganda ng tahanan ng Asia ko.
Two story ang ginawang bahay para sa puntod ni Asia, may prayer space at saka living room at rooftop.
Asia Plaridel's murder case is the most popular cases in Iloilo. Ang alam ko ay maraming TV documentaries at investigators ang nag laan ng pundo para lang tuklasin ang dinanasi Asia. Her case is unique and seems enchanted. Paanong walang nakarinig kay Asia all throughout the year?
Napakapropesyonal ni Cyprus sa ginawa niya. Until now I despise him to be my Daughter's grandpa.
Laking pasasalamat ko na hindi niya ginawan ng masama si Astrea ng bata pa ito, laking pasasalamat ko na hindi niya pinatay si Astrea kagaya ng ginawa niya kay Asia at sa mga naging anak nila.
Napabuntong hininga ako para mawaglit sa isipan ang nakaraan, tinabihan ko si Astrea na ka indian seat kaharap ng puntod ni Asia, marahan niya itong pinupunasan at kinukwentuhan ng mga nangyari sa kanya sa Manila.
Inilapag nito ang bouquet at paper bag na ang laman pala ay scrapbook kung saan nandoon lahat mg memories namin ni Asia sa Manila. Mahilig kasi siyang mag selfie at walang araw na wala kaming picture, gift niya daw ito sa Nanay niya. Kasama pa nito ang trophies niya sa mga TV show at singing contest na sinalihan, pati mga medals sa school at key chains na souviners namin sa mga lugar na napupuntahan.
"Promise Nanay, ang next kong regalo saiya ay published book ng kwento niyo ni Tatay. . ." She said and kissed her Nanay's grave.
DOSE 13: WHEN WE SEE HER AGAIN