DOSE 14 Forgiveness

1745 Words
Dose 14 Umu-usok pa ang mga mug na dala ng babaeng may maalon na buhok, wala na ang dati nitong black lipstick at eye liner. Ibang iba na siya, from rock star into angelic one. "I think we had a lot of things to catch up, Dennis." Saad ni Salome habang inilalapag ang mga mug sa lamesita namin sa veranda. Tanaw sa baba ang buong lalawigan ng Iloilo. I purchased the Eco-park years ago, at walang kaalam alam si Astrea na pagmamay-ari niya na ang lugar na ito. Ginawa naming rest house ang dating cottage na ngayon ay isa nang bahay na gawa sa kawayan na hinaluan ng modern style. "I thought hindi na kita makikita pa," saad nito at marahang napatawa. Naaamoy ko ang native na kape na nagpapadagdag sa peaceful ambiance. "So far, naging maayos naman ang buhay namin ni Astrea sa Manila. May kaunting naipon kaya ito, nabili namin ang Eco park last few years." "Ako, after our graduation nag abroad ako. Pero na miss ko rin ang Pinas kaya umuwi ako at naging teacher dito mismo sa Jaro." "Wow, great. So, kumusta? May anak ka na rin?" "s**t, Dennis! Mukha ba akong may anak!" She rolled her eyes na tila hindi makapaniwala. "Really? Sorry." "Ikaw, Dennis? May asawa ka na?" Napahigop ako sa kape bago siya sinuklian ng ngiti. "Oo," sagot ko. "Great, mabuti naman at nahanap mo ang kaligayahan mo. Kasama mo ba siya ngayon?" "Na sa corinthian siya, pero kasama naman namin siya lagi." Tila nahimigan ni Salome ang tinutukoy ko kaya napa kurba pabilog ang mga labi nito. "Sorry. . . I know it was still her." Marahan akong tumango sa kanya bilang sagot, yes always her. Always Asia. "May iibibigay ako sayo Dennis," may kinalkal ito sa shoulder bag niya at iniabot sa akin ang red envelope. Napatitig ako doon at tila may kung anong kumidlat na saya sa aking puso sa aking na basa. Finally, the gal who used to loved me learned to love someone else. "Salome Saturnina Bordador and Aldrin Montejo Nuptials," basa ko sa nakasulat. "Wow, congrats Salome. Masayang masaya ako para sayo." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at niyakap siya. "Masaya rin ako para sainyo ng Anak mo Dennis. You made it, you made a best father out of the dark hole." Astrea and Salome did their catching up together, nag mall sila at nag punta ng boutique para sukatan ng damit si Astrea para sa nalalapit na kasal ni Salome----but it was all a lie. Pinakiusapan ko na samahan niya si Astrea na pumili ng gown, not for her wedding but for Astrea's debut on next week. Magkasundo ang dalawa sa mga ganuong bagay, at sa katunayan ay gabi na ng hinatid ni Salome si Astrea sa bahay. Na ngako ito sa bata na babalik sa susunod na linggo para makapag-bonding sila. Kasunod no'n ay lihim naman naming pinaplano ang debut niya. Bagkos alam naman namin na alam niyang may pinaplano kami. I want everything to furnish perfectly. Sa bakulod namin ilalagay ang debut niya, she is free to invite everyone---including her friends in Manila, yet she refuse. Sabi niya, ang tanging gusto niya sa debut niya ay simple at kami-kami lang. Her wish is my command. Naging abala kami nila Mama sa paghahanda ng simpleng party para kay Astrea sa Bakulod. Hawaian ang gusto niyang theme kaya iyon ang sinunod namin, present lahat ng pabirito niyang pagkain. May mga musical instrument kaming ni set up dahil kasama sa request niya na tutogtog siya. ISANG araw bago ang debut ni Astrea ay kumatok ito sa kwarto ko, halos kakagising ko pa lang at siya nama'y bihis na bihis na sa kanyang kulay rosas na dress. "Saan ang gala ng prinsesa ko?" Patalon itong lumundag sa kama ko at nagsumiksik ito sa kumot ko. Natatawa ako kasi alam ko na ang stilo niyang 'to, ganito siya lagi kapag may hihilingin. "Ano ang kailangan mo Astrea?" "Tatay, diba po birthday ko na bukas?" "Hmm?" "May hihingin mo sana ako sa birthday ko. . ." "Sure, anything for the debutant." Sagot ko. "Tatay, I want to see Lolo." Bahagya akong napabangon at kinunotan siya ng noo. "Na sa garahe si Papang mo, bakit hindi mo siya puntahan sa baba?" Mabilis naman itong napailing at kinuha ang mga kamay ko at idinikit ng bahagya sa mga labi niya na parang bumubulong ng isang kahilingan. "Tatay, I want to see Lolo Cyprus." Ilang sandali akong natigilan ng marinig ko ang pangalang labis na nagpapasidhi ng suklam sa aking sistema. Ilang taon na nga ba? Ilang taon na matapos ang huling araw na makita ko ang walang hiyang 'yon? "Tatay?" Napaayos ako ng upo at napakurap ng ilang beses bago tapunan ng tingin si Atrea. "Can I think about it first, nak?" Malamlam kong sagot. Tila nalaglag ang mga balikat nito ng tila napagtanto na wala akong planong pagkitain sila ni Cyprus. "Mommy Lola, told me about him. Everything about him." Saad nito. "Hindi ka nagagalit sa ginawa niya sa Nanay Asia mo?" Napabuntong hininga ito at bahagyang nag inat ng katawan, bago ako inilingan ng dalawang beses. "At first, I hated him. Pero diba Tatay, sabi sa Bible ay magpatawad ka upang patawarin ka rin?" Kinuha nito ang kamay ko. "Nagalit ako sa kanya kasi dahil sa kanya hindi ko nakita ang Nanay ko. Pero, hanggang saan ako dadalhin ng galit ko Tatay? Alam ko po na mahirap magpatawad lalo na kapag napakalalim ng sugat. . . Pero dahil po sa galit natin sa isang tao, hindi sila ang nasisira kundi tayo po mismo." I really did raise Astrea the way Asia wanted her to be raised. Hindi ko akalain na sa murang edad niya'y ganito na siya mag isip. Kasama ng pagkakakulong ni Cyprus ay ang pagkakakulong din ng puso ko sa galit para sa kanya at sa sarili ko. Marahan kong kinabig si Astrea at ikinulong sa aking mga braso. . . "Tatay, your hatred will grab your peace. Pakawalan na natin si Nanay, kung na saan man siya ay masaya na siya panigurado." "Give me a minutes, 'nak. Magpapalit lang ako, let's see him." HINDI ko mapigilan ang tambol ng puso ko habang papasok kami sa City Jail. It's been a while since the last time I saw Cyprus. Ni hindi ko nga dati magawang banggitin ang pangalan niya---hayop. Tanging hayop ang tawag ko sa kanya. "Bibisitahin lang po namin si Cyprus Plaridel," saad ko sa front desk. Mahigpit kong hinawakan sa braso si Astrea, is it enough for him to see Astrea. . . Hindi ko masisikmurang hahawakan niya ang anak ko. I can't get those s**t away in my mind, lahat ng narinig ko sa tape recorder ni Asia. Lahat ng na sa tala arawan niya, lahat lahat ng ginawa niya--- pinainom niya ng ten thousand dose ng anti depressant si Asia hanggang sa mawalan ito ng buhay. He can't be a father to Asia. . . Paano siya magiging lolo sa anak ko? Pinaupo kami ng warden sa waiting area at mahigpit kong binilin kay Astrea na h'wag na h'wag lalapit ng masiyado sa taong gusto niyang makita. "Tatay, he can't do anything with us. Nakakulong na siya." Mayamaya ay dumating si Warden kasama ang lalaking naka uniporme ng pang inmate. . . Mula ulo'y bumaba sa kanyang mga paa ang aking tingin. Tila malayong malayo na ito sa Cyprus na nakadaupang palad ko halos dalawampung taon ang nakakalipas. Kulay abo na ang buhok nito at may malaki at pahabang peklat ito sa mukha pababa sa kanyang leeg. Ang kulubot nitong mga kamay at braso ay nabalutan ng sari saring peklat. Halos hindi na ito makatayo ng tuwid dahil sa katandaan. "Lolo?" Untag ni Astrea. Nanginginig ang mga kamay ni Cyprus na inilahad ito kay Astrea na tila inaasam asam nitong mahawakan siya. Akmang pipigilan ko sana sa Astrea ngunit huli na dahil agad itong tumayo para yakapin ang Lolo niya. Agad na gumuhit ang kakaibang emosyon sa makulubot na mukha ni Cyprus habang yakap-yakap ang apo. "Nag-iisa kong apo, kumusta ka na?" Iginiya nito si Astrea upang maupo. Ni hindi ko siya magawang tignan ng deritso. "Kumusta ka po rito, Lolo?" "Maayos naman ako dito, apo." Sagot nito. "Kayo?" Napapikit ako't mataman na tinitigan pabalik si Cyprus ng magtama ang aming mga mata. "Sa tingin niyo? Kumusta kami matapos ang lahat?" Matigas kong saad. Napaiwas ito ng tingin sa akin, agad na nangislap ang tubig na nabubuo sa mga mata nito. "'Tay," pagsusumamo sa akin ni Astrea. "Cyprus, tignan mo ang batang kaharap mo. Kasama siya sa ginawan mo ng katarantaduhan. Lumalaban siya sa sinapupunan ng anak mo habang unti-unti mo siyang pinapatay." Halos kagat ngipin kong sabi. "Patawarin mo ako, Dennis. . . Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko, pero buong buhay ko nang pinagsisihan at pinagbabayaran ang ginawa ko sa bunso ko." "Dapat lang!" Singhal ko sa kanya. "Tay, tama na!" Napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili. "Lolo, hindi po ako galit sa inyo. Nandito po ako kasi gusto po kitang makilala, kung bibigyan po ako ng pagkakataon gusto ko po nandon kayo bukas sa debut ko." Nabasag ang boses ni Astrea habang hawak hawak ang kamay ng Lolo niya. Napaangat ang mga tingin nito sa akin, nabasa ko sa kanyang mga mata kung ano ang ibig sabihin ni Astrea. "Tatay, gawan natin ng paraan?" "Astrea. . ." Pigil hiningang saad ko. "Apo, gusto ko mang makadalo sa debut mo, ngunit impossible na apo." Sagot ni Cyprus. "Kung ako lang po, magagawan ko ng paraan. Pero dadalo si Mama Italya at Euro bukas, hindi ko alam kung matatanggap nila ma makita ka ulit." Umiwas ako tingin sa kanya. "Matagal ko na ring hindi nakikita ang panganay ko, kumusta na kaya si Euro?" Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya, dahil nakatingala lang ito sa kawalan. "Hindi mo alam na ganap ng pari ang panganay mo?" "Nagpari ang anak ko?" Mapakla itong napatawa. "Oo, ng nakulong ka nagpatuloy siya sa pagseseminaryo." Sagot ko. "Tatay, gawan po natin ng paraan para makadalo si Lolo sa debut ko." Napabuntong hininga ako. . . Hindi ko alam kung paano ko ibibigay kay Astrea ang mabigat sa pusong kahilingan niya, hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag kila Mama Italya at sa buong pamilya namin na bukas na bukas ay may magbabalik sa buhay naming lahat na matagal na naming isinama sa hukay ni Asia. DOSE 14: Forgiveness
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD