DOSE 15 FINALE

3233 Words
Dose 15 Pagpapatawad. . . Simpleng salita ngunit mahirap igawad sa mga taong naging mitsya ng mga miserableng nangyari sa buhay mo. Paano ko nga ba mapapatawad ang taong kumuha sa magandang bukas ko? Ang kumuha sa pagkakataon na makasama ko pa ng matagal ang babaeng pinangakuan ko ng habangbuhay? Paano ko mapapatawad ang isang tao na sumira ng kabataan ko? Paano ko mapapatawad ang taong dugo't laman ng babaeng mahal ko, ngunit siya ring pumatay rito? Mahirap. . . Maalala ko lang ang nadatnan ko sa bahay nila eighteen years ago, kung paano nakasalampak si Asia sa sahig ng nakatali at wala ng pag-asang maligtas--- parang gusto kong pumatay! Ni hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makita ulit si Asia. Ni hindi ko siya nasilayan sa huling pagkakataon! Paano ko siya papatawarin?! I'm not an ironhearted, I am hurt! I am tirreble hurt. Hindi madali para saakin--- para sa pamilya namin ang ginawa ni Cyprus. "Tatay, I know my wish is beyond your limits, beyond what you could give. I saw in your eyes how much you hate him--- and I can't stand with it. Ayaw ko pong pumuti ang buhok ninyo dala-dala ang galit mo kay Lolo Cyprus." Basag nito sa katahimikan. Na sa veranda kami at kanina pa kami hindi nag kikibuan matapos ang tagpu namin kasama ang Lolo niya. Alam na nila Mama at Papa ang gustong mangyari ni Astrea sa debut niya. Even them couldn't believe the things she asked for. Dati pa lang sa Manila ay naririnig ko na sa usapan nila ni Mama Italya ang tungkol sa kuryusidad niya kay Cyprus. Matalinong bata si Astrea, she did asked me about her Lolo once, but never did it again after she saw my coldness. Hindi mali na kilalanin niya ang taong naging dahilan ng pagkawala ng Nanay niya. . . Ngunit ang papasukin pa ito ulit sa mga buhay namin ay pawang kathang isip na lang ni Cyprus. . . Hinding hindi ko ito masisikmura. "Tatay," nagsusumamo ito ng hindi ako sumagot sa kanya. "Few hours from now, lalapag na ang eroplanong sinasakyan ng Tito Euro at Mommy Lola mo." Sagot ko sa kanya. Mataman ko siyang tinitigan, "and do you think, they will feel so glad kapag nalaman nila ang wish mo sa debut, Astrea?" Napayuko ito at tila nawawalan na ng pag-asang matutupad pa ang wish niya. "Mommy Lola forgave him already, Tay." Bakas ang pag guhit ng desperasyon sa tinig ni Astrea. Really, ganoon lang kadali? Anak niya si Asia, asawa niya si Cyprus. Paanong ganoon lang kadali na mapatawad niya ang lalaking buong puso niyang pinagkatiwalaan at minahal tapos siya ring gagawa ng kahayopan sa supling nila? Natatawa ako sa sarili kong naiisip. Matagal ko nang pinatay ang galit ko kay Tita Italya. Ayaw kong bumangon ito ulit ngayon, sapagkat maiipit lang ang anak ko. "Let's give Lolo Cyprus a chance po---" Halos mag pantig ang tainga ko sa sinabi ni Astrea at hindi ko na pigilan na hampasin ang mesa na nagpaigtad sa kanya. Gumuhit ang takot at pangamba sa mala anghel niyang mukha dahil sa ginawa ko. Never in my life I did touch nor lay a finger in my daughter, never ko siyang pinagbuhatan ng kamay o sinigawan man lang. I can't believe that this is happening right now, at lahat na naman ng gulong nangyayari ay dahil na naman kay Cyprus! "Astrea, chance? Did he ever give your Nanay a chance to live? Did he ever give us the chance to be with your Nanay? Ni hindi niya binigyan ng chance ang Nanay mo na maging Nanay sayo." Halos habol hiningang saad ko. "Ni hindi ako binigyan ni Cyprus ng chance na makasama ng matagal ang Nanay mo. He never give us a chance to become a family. Hindi ako nabigyan ng chance na maging asawa ni Asia. . . Now, tell me Anak, deserve niya ba ng chance?" Marahan itong tumango kasama ang pagpatak ng kanyang mga luha. "He deserve to be in jail, it serves everything what he deserves. Dapat lang sa kanya ang mga latay ng patalim at peklat sa mukha niya matapos ang lahat, those scars in his wrinkeled arms, deserve niya lahat 'yon." Tila pinipiga ako habang nakikita ang malamlam niyang mga matang nanunubig, I can't stand seeing all her breakdowns. "Pero. . . Ikaw Tatay, hindi mo deserve 'yang galit mo. You deserve a chance to give a chance. Ginagawa ko 'to hindi dahil binabalewala ko ang hustisya para kay Nanay, ginagawa ko 'to para bigyan ka ng pagkakataon na lumigaya. You need to be free from that pain that Lolo's cause." Pinahid nito ang mga luhang pumapatak bago maingat na tumayo. "After what he did to my Nanay, he is hundred percent derserving for a life time sentence imprisonment. Pero ikaw Tay, you don't deserve it either. You don't deserve that life time sentence of imprisonment with your pain. Hindi mo deserve ang makulong sa sarili mong hinanakit at galit. Matagal nang nabigyan ng hustisya si Nanay, ikaw? Kailan mo bibigyan ng hustisya ang sarili mo?" Iniwanan ako ni Astrea na naka-tulala lang sa may veranda. Astrea is just turning eighteen year old young lady tomorrow, hindi ko akalain na ganito ka talino academically, emotionally, socially, and mentally, ang anak ko. Manang mana siya saiyo Asia. Ang akala ko gusto niya lang makita ang Lolo niya to fed her curiousity about that asshole. Pero iba pala ang gusto niya. Suddenly, I felt guilty for raising my voice with her. All this time, ako ang iniisip niya. She wants me to be genuinely happy and free. How blessed I am to have Asia's presence through our child Astrea. Alam ko kung nandito lang si Asia, ganoon din siguro ang gagawin niya. Abala na ang lahat sa baba kung saan gaganapin ang debut ni Astrea. Mama Italya and Euro is on their way dito sa bahay namin sa bakulod. Mamaya sa debut ni Astrea niya malalaman na sa kanya nakapangalan lahat ng properties namin dito. Sa kanya ko ibibigay ang eco-park na ito. I want that bakulod to be pre-serve. Amin iyan ng Nanay niya. Asia. . . Look. Your young version is just turning eighteen today. Ginagawa ko na ang dapat gawin, I make sure na na set up na lahat bago kumagat ang delim. I trust my cousin, Christian with his Christian's creation sa internet. Siya rin ang nag desenyo ng sweet sixteen ni Asia dati. Bohemian style ang napili ni Astrea na theme ng debut niya, masiyado na raw kasing cliche kung itutuloy niya ang hawain party niya. Pinalamutian niya ng vintage lights, mga aesthetic flower base, at nagkalat ang mga dried rose petals sa paligid. Napaka-simple ngunit napaka-elegante. Sa harap ng bakulod nakatirik ang cut out letters ng name ni Astrea at Eighteen. May malaking stante doon na naka gown si Astrea ng pang tribe princes. Wala kaming bisita kundi kami lang magpapamilya, katulad ng hiling ni Astrea. Sa tabi ng stante, ay nakapwesto mismo sa bakulod ang piano ni Asia--- na ngayon ay pagmamay-ari na ni Astrea. Kinapa ko sa aking bulsa ang maliit na box, bago ko kinatok ang kwarto niya. Bumungad sa akin ang mga nagkalat na mga damit at mga dress na pinagpipipilian niya para mamaya sa party, I guess Salome didn't come yet to bring her dress. Nakasalampak pa ito sa kama at nag ce-cellphone. "Anak," umupo ako sa tabi niya. Pumihit ito paharap sa akin, bakas na bakas sa mukha niya na hindi niya nakatulog ng maayos. "Are you still made at me, Tatay?" "How can I be mad with my princess?" Marahan ko siyang kinabig. . . Ngayong dalaga na siya, siguradong hindi lang ako ang lalaking magmamahal sa kanya. "I have something for you," sabi ko at inilahad sa kanya ang maliit at kulay pink na box na kanina pa na sa kamay ko. "Is this my birthday gift?!" Sabik na sabik nitong kinuha sa mga kamay ko ang box ngunit inilayo ko ito sa kanya. "Ops, do not open it. Mamaya mo na buksan sa party. Can you promise me that?" Lumabi ito ngunit napatango rin. I patted her head bago ko siya iwanan sa room niya para makapagbihis. Paglabas ko sa living room ay siya namang pag pasok ng babaeng naka all red at may classic bag na nakasabit sa bisig niya. Naka bohemian hat pa ito na tinernuhan ng leather bohemian sandals. Si Mama Italya. Kasunod nito ang naka black at roman collar na naka eye glasses, pamilya na pamilyar ang bulto nito sa akin. Si Euro. "Mama, Euro! Welcome home!" Sinalubong ko sila ng mainit na yakap. "Grabe nakakamiss ang ihip ng hangin dito sa Jaro," turan ni Mama Italya na agad inilibot ang mga mata buong bahay. "You indeed have a good taste in this kind of interior design, nak." Tumatango-tangong saad nito. "Nasaan naman ang apo ko?" Tanong nito. "Yeah, na saan na ang debutant?" Natatawang dugtong ni Euro. "Nasa room niya, nag aayos na." Sagot ko at iginiya sila sa dinning area makapagtanghalian. Ang alam ko dumaan pa sila sa bahay nila sa kabilang baranggay, yong bahay nila ipinaayos ko. This time hindi alam ni Astrea na tatlo na ang bahay na pwede niyang uwian dito. Since parehong nag iisang apo lang siya ni Mama Italya, nag iisang apo lang din siya nila Mama at Papa. At nag iisang anak ko lang din siya. I made sure na lahat ay mapupunta sa kanya, I want her to cheerish everything. Lahat ng pinaghirapan namin ay dapat at karapat dapat na sa kanya mapunta upang masigurado ko ang kinabukasan niya. Nag kwentuhan lang kami sa hapag habang hinihintay na matapos ang pag aayos ni Astrea, exactly six o'clock pm ay sisimulan na ang party niya. "Mama Italya, did Astrea told you about her Lolo?" Tila natigilan si Mama sa tanong ko. Nagpunas muna ito ng labi bago ako tinapunan ng tingin. "Yes, actually many attempts. But I consider you as her father, sabi ko ikaw ang tanungin niya about sa gusto niyang mangyari." Nag aalangang sagot ni Mama Italya. All this time, it was her biggest wish. To see Cyprus. "Hindi na kami nag kita pa ni Papa, Dennis. Wala na kaming kuminikasyon sa kanya, but we assured that we already forgive him." Saad ni Euro. Kung wala si Astrea ay baka sumama na lang din ako kay Euro dati para mag pari. Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ay may bomusina sa tapat ng pintuan, pag silip ko ay iniluwa ng wooden double swing door ang babaeng naka white dress at bohemian hat and boots. Tanaw ko sa labas ang wrangler na ginamit nito para makarating dito, nakasabit sa balikat niya ang gitara niya. "Hello?" Saad nito ng makapasok sa loob, sinalubong ko siya at iginiya sa dinning kung na saan sina Euro. "Oh, Salome Bordador?" Saad ni Euro ng makita si Salome. "Ah, Dennis na sa wrangler ang gown ni Astrea pa kuha na lang." Saad nito at ikinumpas pa ang kamay sa labas. Pansamantala ko silang iniwan sa baba para i-akyat ang gown ni Astrea at para makakapag ayos na rin ako sa kwarto ko. "Thanks, Tatay!" Masiglang turan ni Astrea ng buksan ang box. Niyakap yakap nito ang kulay baby pink na Tiara Two-way bohemian gown. May ipinares rito si Salome na bohemian gladiator sandals na siyang kinatuwa naman ni Astrea. She never expected her gown either. SUMAPIT ang pagkagat ng dilim. Ilang minuto na lang ay 6:00 pm na. Naka abang kaming lahat sa nakasaradong double swing door na pinalamutian ng mga bohemian design. Halos mapuno ng dem light ang buong eco-park, may iilan kaming inimbitahan na mga malalapit na kaibigan at kapitbahay. Pero hindi yata lalampas sa twenty five ang mga tao. Sa maliit na entabladong gawa sa kahoy ay doon naka pwesto si Salome habang nakaupo, sa mono steel habang kalong ang acoustic guitar at nakaharap sa kanya ang micropono. Nagsimula niyang kaskasin ang gitara't napatitig ako sa pintuan kung saan lalabas si Astrea. She will march in her bohemian gown, habang ako nandito naghihitay sa labas ng pintuan. Tila kinurot ang puso ko ng balutin ng mahinahon at malamig na boses ni Salome ang nuong area ng bakulod ng magsimula itong kumanta. Beautiful girl wherever you are I knew when I saw you you had opened the door Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang anak ko na naka bohemian gown, light at soft ang make up nito na bumagay sa mala anghel niyang mukha. Bitbit nito ang labing walong pink tulips that symbolized good wishes and care. I knew that I'd love again after a long long while I'd love again You said hello and I turned to go But something in your eyes left my heart beating so I just knew that I'd love again after a long long while I'd love again Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang anak ko na naglalakad papuntang entablado, oo iyakin pa rin ako Asia. Look at our little girl, dalaga na. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ang batang 'yan. I felt that this song can be father and child song. Tama, I didn't know that I can love again after a long long while. It was destiny's game For when love finally came on I rushed in line only to find That you were gone Asia. . . Astrea. Wherever you are I fear that I might Have lost you forever like a song in the night Now that I've loved again after a long long while I've loved again It was destiny's game For when love finally came on I rushed in line only to find That you were gone Beautiful girl I'll search on for you 'Till all of your loveliness in my arms come true You've made me love again after a long, long while In love again And I'm glad that it's you Beautiful girl Natapos ang kanta at tuluyang nakarating si Astrea sa intablado at ginawaran ng halik ang Ninang Salome nito na nag handog sa kanya ng napakagandang awitin, "beautiful girl". Kinuha nito ang mikropono at napatitig sa mga taong dumalo sa debut niya. "Hello, everyone! Wow, heaven. I am indeed grateful for your presence this night to share with me the moment, and witness how this baby ni Tatay Dennis turn into a fine lady." Natawata kami pareho na naiiyak, hindi ako makapaniwala na darating si Astrea bilang blessing na hindi inaasahan. Hindi namin siya plinano, pero dumating siya. Habang nagbibigay ng speech si Astrea sa unahan ay may mga sasakyan na umilaw at pumarada sa harap mismo ng bahay namin. This is it. . . Euro take over the microphone, tila naguguluhan naman si Astrea sa mga nangyayari. "Everyon, we have an importante guest." Saad ni Euro. Nagpati-una ako sa pagsalubong sa mga nakaunipormeng pulis, pagbukas ng van ay agad na tumambad sakin ang matanda na nakasuot pa ng white polo na may kalumaan dahil sa kulay nito. Tila pinaghandaan niya rin ang imbistasyon sa kanya. Kahit na sa labas ay may posas pa rin ang mga kamay nito. "Salamat, Dennis sa pagkakataon. Mamamatay akong masaya dahil sayo." Kahit naka posas ay nagawa ako nitong yakapin. Tila may kung ano sa loob ko ang biglang natibag at niyakap siya pabalik, hindi ko namalayan ang paglakas ng iyak ko. Ito ba ang sinasabi nilang malaya ka na? May kung anong mabigat sa loob ko ang biglang gumaan. Nagpatawad na kaya ako? "Tara na 'tay Cyprus, hinihintay ka na ng Apo mo." Saad ko at ako mismo ang gumiya sa kanya papunta sa harapan. Halos magbulungan ang mga inimbita naming walang alam sa biglaang pagbisita ni Cyprus sa debut ni Astrea. Nakaposas pa rin ang kamay nito ng makarating kami sa unahan. Napatabon ng mukha si Astrea sa emosyong hindi mapigilan, agad itong bumaba para yakapin si Papa Cyprus. For so long, ngayon lang ulit nakahing ng ganito ka luwag. And for so long ngayon ko lang siya tinawag na Papa. Parang kinurot ang puso ko ng makita kung gaano kasaya si Astrea na makita ang Lolo niya, bakas sa matanda na pinaghandaan nito ang okasyon. Suot nito ang tila nalipasan na ng panahon niyang tennis at kupas na maong, may suklay pa na kulay violet sa bulsa nito. I'm sorry Asia for what was your Papa's misfortune. Tila nakaramdam ako ng habag kay Papa Cyprus, sa kung ano mang pinagdaanan nito sa loob. "Tatay," basag ang boses na tawag sa akin ni Astrea. Ngayon ay si Euro naman ang nakayakap sa Amang matagal na nawalay sa kanya. Hindi ko maintindihan, kahit gaano pala kalalim ang ginawa ng isang tao, mananatili silang pamilya kahit na pinaghiwalay sila ng rehas. "Tatay, hindi po ba pwedeng kunin sandali ang posas ni Lolo? Hindi naman po siya tatakas e, pwede po ba? Ipakikiusap ko sa mga pulis---" Ngunit pinutol ko ang sasabihin niya. "Na saiyo ang kalayaan ng Lolo mo, ikaw ang nagpalaya sakanya ngayon." "Po?" Tila naguguluhan nitong tanong. "The pink box which I gave you ealier, open it." Agad niya namang kinuha sa upuan niya ang tinutukoy ko at dali-daling binuksan. Tumambad sa kanya ang susi. . . Ang regalo ko sa kanyang susi para sa posas ng Lolo niya. Agad niyang sinusian ang posas at mahigpit na niyaka ang Lolo niya. "Thank you, Tatay." She said. "No, Astrea. I should be the one who thanked you. Salamat at tinuruan mo akong magpatawad, Anak." For the first time we made a group hug as a family, together with Asia's murderer. . . Her Papa Cyprus. Nagpalakpakan ang mga tao at tumayo sa mga silya nila, pati sila ay naiyak sa nasaksihan. "This time, I would like to thank my Tatay Dennis for such a meaningful birthday party. Hindi lang dahil sa gown, sa theme, sa pagkain, kundi sa napaka espesyal na regalo. . . Which is a complete family without division. I am beyond blessed for this night. Thank you Tatay for bringing the person I longed for several years, which is my Daddy Lolo, Cyprus Plaridel." Umugong ang palakpakan sa buong bakulod. "Now, I would like to thank the woman who brought me into this life. The woman who bear me for nine months. The woman who choose and protect me. Nanay Asia, I know wherever you are, you love me and you are happy for our family." "This song, is offer to give tribute for my Nanay. And also for my family and Tatay. I love you guys, kayo ang "TANGING YAMAN" ko." Saad nito bago umupo sa harap ng piano at sinimulang tugtugin ang kantang may mapait na nakaraan para saaming lahat. Ngunit tila lahat ng bagay na nagbibigay ng masama at masalimuot na alaala sa amin ay binibigyan ng bagong meaning at alaala ni Astrea. She is the peace of the family. Hindi bohemian ang theme ng party niya, kuni kahalagahan ng Pamilya. She played Tanging yaman habang kinakanta ito ng pinong pino. This time I go with Papa Cyprus and give him a genuine hug. Matanda na si Papa. . . And I think, kahit sa huli ay maramdaman niyang napatawad siya at nabigyan siya ng pagkakataon. Astrea made me realized the essence of fogiveness and a family without division. DOSE 15 FINALE #vote #read #recommend #share @Dreamela
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD