OVER DOSE: Ang Wakas
"Overdose" overdose ang naging sanhi ng pagkawala ng babaeng minamahal ng lalaking minamahal ko rin hanggang ngayon. . . I never thought that this love will gone beyond my limits, na kahit ang sarili kong kaligayahan ay isinantabi ko para sa kanya. . . Para kay Dennis.
"Excuse me, Ma'am?" Napaigtad ako ng may tumawag sa akin mula sa b****a ng classroom ko.
Kanina pa tapos ang klase ko at inaabala ko na lang ang sarili sa pag gawa ng lesson plan ko para bukas.
"Yes, po?" Sagot ko.
"Kay Ma'am Salome Saturnina Bordador po, may delivery po kayo." Saad ng delivery boy.
"Ako nga po," tumayo ako at inabot ang parcel na para sa akin.
Nilagdaan ko lang ito at binayaran na ang delivery driver.
Napangiti ako sa parcel, ito na yata ang mga vitamins at mga laruan na mabisa for coping up. Nabili ko ito online.
Pagbalik ko sa aking desk ay na agaw ng atensyon ko ang mga libro galing sa library na pinakuha ko sa mga bata last meeting. . . Tila may kung anong kumukurot sa aking puso sa tuwing nakikita ko ang mga larawan niya.
Siguro kung hindi nangyari ang lahat ng iyon sa kanya ay baka nagkapamilya at namuhay na sila ng masaya ni Dennis.
Ang akala ko dati kapag high school love ay sadyang mga puppy love lang iyan at madaling makakalimutan. . . Mali pala ako. Dahil kahit kailan hindi nakalimutan ni Dennis si Asia. Kahit kailan wala siyang ibang minahal kundi si Asia Plaridel lamang.
Iniligpit ko ang mga libro at magazines tungkol kay Asia Plaridel at inilagay sa isang sulok para maihatid mamaya sa silid aklatan. Her life story become a legend and an urban story--- hiding the real events in her life. Ginawa itong mga kwentong pambata, na ang dahilan ng kanyang pagkawala ay naging alamat ng mga kontinente ng Asia. Ginawang fiction at mystery. . . May mga column article related with her, pero mahigpit na ipinagbabawal na idetalye ang mga nangyari sa buhay niya upang maging suit pa rin ang mga aklat na iyon sa mga bata.
Tama sila. . . Malaki ang kinalaman ni Dennis sa pagkawala ni Asia.
Dahil kay Dennis nanatili si Asia sa puder ng Papa nito, na naging dahilan ng mapait niyang kwento.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko para makauwi na sa bahay. Dumaan ako sa isang bakery upang bilhan si Dennis ng paborito niyang ensaimada at impanada na madalas niyang ipares sa kape.
Para rin sa kanya ang mga vitamins at mga laruan na binili ko, para naman maliban sa pag bibike at pag aayos ng motorbike ay may pagkaabalahan siyang bago.
HABANG binabaybay ko sakay ng tricycle ang daan pabalik sa bahay ay nadaanan namin ang sitio kung saan nakatira dati ang pamilya nila Asia.
"Manong liko po muna tayo rito," hindi ko alam kung bakit ngunit gusto ko lang makasiguro na wala siya doon.
Nakahinga ako ng maluwag ng masiplatan ang gate ng dating bahay ng mga Plaridel na wala namang tao. . . Hindi kagaya noon.
Hindi ko kinaya ang tagpo habang unti-unting tinatabunan ng lupa si Asia. . . Habang nakikita ko kung paano madurog sa tagpong ito ang lalaking pinaka-iingatan ko.
Nakaluhod ito sa harapan ng puntod ni Asia, ni wala na akong marinig na salita mula sa kanya maliban sa mga hikbi nito.
Hindi ko maiwasan na masaktan, dahil habang nabibigatan siya'y nahihirapan din ako.
"D-Dennis," tawag ko sa kanya, ngunit tila wala na itong naririnig sa tindi ng paghihinagpis na nararamdaman.
Wala akong nagawa kundi mapaluhod sa tabi niya at bigyan siya ng mahihigpit na yakap, sa mga bisig ko ay mas lalong sumidhi ang mga hikbi nito.
"Asia. . . Asia hindi ko kaya."
"Shh, I love you, Dennis. I love you." Bulong ko sa kanya at mas lalo siyang niyakap.
Matapos ang libing ni Asia ay halos hindi na makausap pa si Dennis. Isang linggo na itong nagkukulong sa kwarto niya, tila tuluyan na itong nawalan ng pag-asa.
Sa bahay nila ako pansamantalang tumira para maalagaan at matingnan ko siya. Pero lumalamig lang ang mga pagkain na hindi naman niya kinakain.
Kasama ng pagkawasak ng mundo ni Dennis ay ang pagkawasak din ng mundo ko. . .
Para akong pinipiga sa tuwing nakikita ko siyang tulala at wala nang gana sa buhay.
Nakakatulugan niya ang pag iyak habang yakap-yakap ang litrato ni Asia, kung minsan ay kinakausap pa niya ito.
Makalipas pa ang isang linggo simula ng mailibing si Asia, ay nagimbal ang buong pamilya ni Dennis sa biglaang pagkawala nito sa bahay nila.
Hinanap namin siya sa bakulod at Corinthians cemetery, ngunit hindi namin siya natagpuan.
Pinuntahan ko ang bahay ng mga Plaridel, dahil ito na lang ang huling posibilidad na pupuntahan niya.
At tama nga ako. . . Naabutan ko siya sa tapat ng bahay nila Asia, nakatayo habang nakahawak sa gate. . . Nakatulala lang ito habang isa isang tumutulo ang mga luha.
Napatabon ako sa aking mga labi sa takot na makalikha ng ingay ang aking mga hikbi. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari kay Dennis.
Dahan dahan ko siyang nilapitan at marahan na niyakap mula sa likuran.
"Dennis, halika na. Umuwi na tayo, hinahanap ka na ng mga magulang mo." Mahinahon kong bulong sa kanya.
"Mauna ka na, dito lang ako. Hihintayin ko si Asia." Saad nito.
Napapikit ako sa sobrang sakit na nararamdaman. . .
"Balik na lang tayo bukas, sasamahan kita."
Ngunit hindi ito nakinig sa akin, dumating pa sa punto na kakailanganin namin ng tulong mula sa barangay para lang maiuwi ng maayos si Dennis.
Lumipas pa ang mga araw at napadalas na ang pagkawala ni Dennis, at katulad na ng nakasanayan ay pumupunta lang ito sa bahay ng mga Plaridel. Simula umaga hanggang minsan ay naaabutan na siya ng hating gabi.
Hinayaan na lang namin si Dennis sa gusto niya, dahil akala namin ito ang paraan niya upang makatakas sa sakit at panibughong nararanasan dahil kay Asia. . . Hanggang sa dumating ang mga araw na hindi na nakakauwi ng bahay si Dennis.
Na sa labas lang ito ng gate ng mga Plaridel, nakatulala maghapon. Ulan man o ma-araw ay tila hindi na nito alintana.
Tanging sinasabi niya ay "hihintayin ko dito si Asia, gusto ko pag uwi niya ako mismo ang una niyang makita".
Lumipas ang linggo, buwan, at halos mag iisang taon na ganoon ang sitwasyon ni Dennis.
Hindi na ito naliligo o nagpapalit man lang ng damit. Tuluyan na rin siyang nahinto sa pag-aaral.
Kaya kahit nag aaral ako ay siya ang iniisip ko, tuwing break time namin sa klase ay lumalabas ako para dalhan siya ng pagkain sa tapat ng bahay nila Asia.
Nakaramdam ako ng matinding pagkahabag sa kanya ng minsan ay naabutan ko siyang nakatulala lang habang hinahayaan niyang mabasa siya ng ulan.
"Dennis!" Sigaw ko sa kanya at agad kong hinubad ang jacket ko at ibinalot ito sa nanginginig niyang katawan.
Nanginginig na ito at halos inaapoy na ng lagnat kakahintay sa labas ng bahay nila Asia.
"Umuwi na tayo, Dennis."
"H-Hindi, hihintayin ko si Asia. . . Dito lang ako, gusto ko ako ang una niyang makita pag-uwi niya." Nanginginig na ang kanyang mga labi habang nag sasalita.
"Babalik tayo bukas, promise sasamahan kita."
"Hindi baka dumating siya---"
"Lintik na kabaliwan 'yan Dennis! Tumigil ka na! Umuwi na tayo."
"Umuwi ka mag isa mo! Kung wala kang pakialam kay Asia, ako meron!" Halos mawalan ako ng balanse ng itulak ako nito.
"Dennis, ano ba! Wala na si Asia. Tingnan mo nga 'yang sarili mo! Ikaw pa ba yan?!" Tuluyan ng nabasag ang boses ko.
Hindi lang si Dennis ang nawalan. . . Kundi pati ako. Nawala na ang Dennis na dati kong kaibigan.
"Umalis ka na, hihintayin ko dito si Asia. Uuwi lang ako sa bahay kapag nakita ko na siya!" Bulyaw nito sa akin.
"Pagod na ako, Dennis. Pagod na pagod na ako!" Pikit mata ko siyang tinalikuran ngunit kasabay no'n ay ang pagtalsik ng tubig ulan mula sa pagkakatumba ni Dennis.
"Dennis," agad ko siyang dinaluhan.
Nanginginig na ito at inaapoy ng lagnat, ilang linggo na nga ba siyang hindi umuuwi?
Dinala ko siya sa pinakamalapit na clinic, sumugod naman agad sa clinic ang mga parents niya na sobrang nag aalala sa kanya.
"Tita, hindi po ba pwedeng patingnan na natin si Dennis? Kasi po, hindi na maganda ang epekto ng nangyari kay Dennis." Pakiusap ko sa mga magulang niya.
Ngunit hindi sila sumang-ayon at minabuti na lang na bantayan ng maigi si Dennis at sa bahay nalang nila ito.
Nagising si Dennis na ako ang katabi nito habang inaayos ko ang pagkain niya. . . At nagulat ako sa tawag niya sa akin.
"Asia," hinawakan nito ang mga kamay ko.
"Sa wakas umuwi ka na. . . Na mimiss na kita." Hinila ako nito at ikinulong sa mga bisig niya.
Paulit-ulit nitong binabanggit ang pangalan ni Asia, na siya ring paulit ulit na dumudurog sa akin.
"Salome. . . Salome Saturnina ang pangalan ko, hindi ako si Asia." Ngunit nag asta lang itong hindi ako narinig.
"Saan ka ba galing, Asia? Ang tagal tagal kitang hinintay." I felt his lips pres into mine.
Matagal kong hinintay na makita ako ni Dennis sa kung paano ko siya makita, ngunit hindi iyon nangyari. . . It was a plain one sided love afterall. Pero hindi ko ito ituturing na oportunidad para makuha siya.
Marahan ko siyang itinulak.
"I'm not Asia!"
Pero matapos ang araw na iyon at gumaling na siya sa trangakaso, ay naging simula naman ng panibagong haharapin namin.
Masiyado nang lumala ang kondisyon ni Dennis, nagwawala ito sa tuwing hindi niya ako nakikita. . . Akala niya sa akin si Asia.
Nadagdagan ang mga peklat niya sa pulso, lahat ng iyon ay puro Asia. Sinulatan niya ito ng panibago. . . Asia. Maraming maraming Asia.
I dunno how did I stand in my feet bearing those torment.
Seeing him misserably living his life with his terrible longing for Asia is a great torment for me.
Pero wala akong nagawa kundi samahan siya. Hinding hindi ko siya maiiwan.
Tita Daña, his Mother decided to brought him in the hospital. At inabisuhan kami na magpatingin sa psychiatrist. We found out that he developed Schizophrenia.
Ito raw ay mental illness na maaaring namamana o minsan ay na dedeveloped sa pamamagitan ng mga problemang sunod sunod dumarating sa isang tao na hindi nito nakakayang dalhin.
To cope up his pain, ay lumikha ito ng mundo kung saan masaya siya. . . He is halucinating a world wherein he was still with Asia. Marahil dahil sa sunod-sunod na pressure, frustration, at breakdowns niya kaya ganito ang nangyari.
At sa akin niya nakikita ang babaeng matagal nang pumanaw.
"Asia," tawag nito sa akin.
"Ang ganda ng anak natin, si Astrea." He said.
Dennis is living in his own world. Kahit masakit para saakin ang nangyari sa kanya, ay sinuportahan ko siya kung iyon ang magbibigay sa kanya ng saya.
I continued to study, habang tumutulong ako sa pag aalaga sa kanya. Pinangako ko na kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral ay tutulong ako sa gamutan niya.
Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing na aalala ko ang mga panahon na hindi pa talaga siya gumagaling. Until now, patuloy na ginagamot si Dennis. Pero nakikita naman namin ang improvements, dahil unti-unti na nito na di-differenciate ang reality at fantasy niya.
Sometimes, tinatawag niya pa akong Asia. Pero masaya na ako kasi madalas ay Salome na ang tawag niya sa akin.
Besides of his condition, nagagawa pa rin ni Dennis na maging normal. Tumutulong tulong siya sa bakeshop namin nainiwan sa kanya ni Tita Daña bago ito mawala. Ulilang lubos na si Dennis, kaya tanging ako lang ang masasandalan niya.
He is earning with his small vulcanizing shop, pero pinababantayan ko pa rin siya sa mga pamangkin ko. Minsan kasi ay susumpong pa ang sakit niya.
After a years, si Dennis pa rin ang mahal ko. Pero kahit sa napakatagal na panahon ay hindi kami lumagpas sa border line ng pagiging matalik na magkaibigan.
We are just best of friends. Naging pamilya na ang turing namin sa kanya, kahit hindi man naging kami ni Dennis, masaya pa rin ako kasi nabigyan ako ng pagkakataon na maging kaibigan namin ang isa't isa hanggang sa pagtanda namin.
Hindi na rin ako nakapag-asawa, pinagdududahan na nga kami ni Dennis na baka mag live-in kami, pero hindi totoo iyon.
Nakadagdag sa frustration ni Dennis ang anak niya. Ang anak niyang kasama na ni Asia sa heaven.
Hindi totoo si Astrea. . . It was all part of his own world.
Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Dennis na nag aayos ng mga tinapay sa crystal cabinet namin.
Mukhang marami na itong nagawa sa araw na ito.
"Dennis," tawag ko sa kanya.
Agad na sumilay ang mga ngiti nito ng makita ako.
"Asia," tawag nito sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Salome," pagtatama ko at iniabot sa kanya ang parcel.
"Pasalubong?" Natatawa nitong tanong.
Kahit na may bakeshop kami ay naghahanap parin ng ibang tinapay sa ibang bakery si Dennis.
Agad kong tinungo ang silid ni Dennis upang siguraduhin na iniinom niya ang mga gamot niya. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang may bawas na nga ito.
Good. . . Kailangan niya kasing maging consistent sa pag inom ng mga gamot niya para ma control ang kanyang karamdaman.
Sapat na sa akin na maalagaan ko si Dennis. . . Sapat na namaiparamdam ko sa kanya na mahal ko siya, at hindi ako kailanman humingi ng ano mang kapalit.
Gusto ko lang gumaling na siya.
Napaigtad ako ng may marahang yumapos sa akin mula sa likuran. . . It was him. . . Dennis.
"Salamat sa lahat-lahat Salome. . . You've been always a good friend and a sister for me." Saad nito sabay halik sa tuktok ng aking ulo.
"You can always count on me," sagot ko.
"Salamat dito," saad nito bago ako binitawan.
Pumihit ako paharap at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang librong hawak-hawak niya.
"Kailan dumating 'yan?" Tanong ko agad sa kanya.
"Kanina lang," sabi nito bago ako ulit niyakap.
"You've been so good to me. . . Pakiramdam ko tuloy bumalik si Asia sa katauhan mo Salome. Salamat sa librong isinulat mo para sa amin. Kahit doon lang ay nagkaroon kami ng masayang alaala, kahit doon lang ay nakasama ko siya at ang anak namin."
Ramdam ko pa rin ang kirot sa mga salita niya.
Napatitig ako sa librong hawak ko.
"ASIA" ang titulo ng libro na ang pabalat ay animation ng dalawang tao--- babae at lalaki na nakaupo sa bakulod na pinagaya ko sa bakulod ng eco park kung saan sila tumatambay.
Lahat ng nakasulat sa libro ay ang naging buhay nila. . . Kung paano nawala si Asia, ay kung paano ginawan ng bagong mundo ni Dennis ang buhay niya kasama si Astrea.
Everything is just a fiction. . . Ito ang reality niya na na sa labas siya ng libro at tanging ako na lang ang kasama.
Walang Asia. Walang Astrea.
Only Salome and Dennis.
WAKAS
All rights reserved
Copyright July 17, 2023