
Dahil sa hirap at gipit ng buhay, sa murang edad, natutunan na ni Anatasha kung paano mabuhay sa mundong walang awa. Iniwan ng sariling mga magulang, siya ang naging ina, ama, at sandalan ng dalawa niyang kapatid. Para lang maitawid ang bawat araw, pinasok niya ang mundong pilit niyang iniiwasan pagnanakaw, panlalamang, at pagbebenta ng sariling katawan.Sanay na siyang masaktan.Sanay nang mawalan ng dignidad kapalit ng pera.Dahil sa mundong ginagalawan niya, walang lugar ang pag-ibig lalo na para sa babaeng katulad niya.Ngunit isang gabi sa sikat na Galaxy Club, nagbago ang lahat nang makilala niya si Bryce Alcantara isang lalaking mayaman,kaakit-akit na anyo, at kahanga-hangang pangangatawan, makapangyarihan… at delikado.Tahimik itong ngumiti, ngunit kayang wasakin ang buhay ng kahit sino sa isang utos lang.At sa unang tingin pa lang, pakiramdam ni Anatasha ay isa siyang laruan sa mga matang iyon.Isang gabi lang ang usapan.Isang gabing dapat ay matatapos sa pera, alak, at limot.Pero hindi niya inaasahan na ang lalaking minsan niyang tinanggap bilang kliyente… ang siya ring unti-unting gugulo sa mundong pilit niyang binubuo.Dahil si Bryce ay hindi ordinaryong lalaki.May tinatago itong kadilimang kayang sumira ng buhay at kapag minsan kang nahulog sa mga kamay niya, wala nang atrasan.Sa larong puno ng tukso, kasalanan, at mapanganib na pagnanasa…hanggang saan kakayanin ni Anatasha ipaglaban ang sarili niyang puso?Kung ang lalaking kinatatakutan niya…ang siya ring lalaking pinakamamahalin niya.

