Masakit para sa akin na makita si Sean na nahihirapan dahil sa pag-alis ni Andrei, alam ko kasi na sobrang lapit talaga nila sa isa't isa. Wala na akong magagawa kung iyon na talaga ang desisyon ni Andrei, ilang buwan na rin ang nakakalipas simula ng umalis siya. Hindi ko rin maiwasang ma-miss ito dahil siya rin ang nakasama ko sa loob ng tatlong taon na iyon. Nakahiga lang ako ngayon sa tabi ni Kiel habang pinagmamasdan ang singsing na binigay nito kanina. Hindi ko akalain na isang araw dadating iyong panahon na magpapakasal na kami. Masaya ako kasi natanggap na ulit ako ng pamilya ko lalo na si Sean. Maging sila Tita na naguluhan man ay tinanggap pa rin kami ng buo at mahal na mahal nila si Sean. Tumayo ako sabay binuksan ang bag na dala ko, nilabas ko iyong necklace na binigay ni Andr

