“Daddy!” “Daddy!” Hindi ko maiwasang masaktan habang naririnig ang paulit-ulit na pagtawag ni Sean sa akin habang papaalis ako. Hindi ko na ito nilingon pa dahil alam kong hindi ko sila kayang iwan lalo na kapag nakita ko umiiyak si Sean. Alam ko na napalapit na ako sa kan’ya at siya rin sa akin pero kailangan na naming harapin ang katotohanang hindi talaga ako ang makakasama nila hanggang dulo. “Stay!” “Mommy, daddy is leaving.” paulit-ulit na saad nito kay Selea na umiiyak rin habang karga-karga si Sean. Ang sakit-sakit at sobrang bigat sa dibdib na marinig si Sean na umiiyak at nagmamakaawa na huwag sila iwan. Kung puwede lang sana, ayaw ko rin naman malayo sa kanila pero alam ko kasing hindi rin magiging masaya si Selea sa akin lalo na at si Kiel pa rin ang mahal niya. Siguro pana

